Abscess

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Abcess.

Ang abscess ay isang koleksyon ng nana na karaniwang tumutubo dahil sa impeksiyon at madalas na tinutukoy bilang pigsa.

Contents

Anyo

Ang abscess ay karaniwang masakit, namamaga, at mainit-init na impeksyon. Ang balat na pumapalibot dito ay karaniwang kulay pula o kulay-rosas. Ito ay malimit na tumutubo sa bahagi malapit sa puwit, kilikili, singit, labas ng puki, at sa gawing kuyukot.

Uri

Ilang natatanging uri ng abscess:

  • Intra-abdominal abscess – Isang bulsa ng nahawaang fluid at nana sa loob ng tiyan (abdominal cavity).
  • Brain abscess – Koleksiyon ng protektadong selyula, nana, at iba pang mga materyal sa utak, na karaniwang mula sa isang impeksyong dulot ng mikrobyo o fungi.
  • Tooth abscess – Koleksiyon ng nana, na resulta ng bacterial infection sa gitna ng ngipin.
  • Skin abscess – Koleksiyon ng nana at nahawaang materyal sa loob o sa ibabaw ng balat na may alternatibong pangalan na cutaneous abscess at subcutaneous abscess.
  • Amoebic liver abscess – Koleksiyon ng nana sa atay dahil sa parasito sa bituka.
  • Anorectal abscess – Koleksiyon ng nana sa bahagi ng anus at tumbong.
  • Bartholin’s abscess – Ang koleksiyon ng nabuong nana ay nagbubunga ng maga, na matatagpuan sa magkabilang bahagi ng puki.
  • Epidural abscess – Koleksiyon ng nana (mga nahawaan) sa pagitan ng panlabas na takip ng utak at utak ng gulugod at ng buto mula sa bungo o gulugod.
  • Peritonsillar abscess – Koleksiyon ng nahawaang materyal sa paligid ng tonsil.
  • Retropharyngeal abscess – Koleksiyon ng nana sa tisyu sa likod ng lalamunan.
  • Pyogenic liver abscess – Isang lugar sa atay na puno ng nana.
  • Spinal cord abscess – Ang pamamaga, pangangati o pamumula, at koleksiyon ng nahawaang materyal sa paligid ng utak ng gulugod.

Sanhi

Ang abscess ay karaniwang sanhi ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon:

  • Baradong glandula ng pawis, namamagang hair follicle, o mula sa hindi malubhang sira at pagbubutas ng balat.
  • Matapos ang isang operasyon.
  • Mga bagay na nakulong sa loob ng katawan, gaya ng tinik o piraso ng bakal na maaaring makasira sa balat.
  • Impeksiyon sa malaking bituka
  • Impeksiyon sa balat
  • Impeksiyon sa ngipin

Ang may mas mataas na panganib at posibleng magkaroon ng abscess ay ang mga sumusunod na kalagayan:

Lunas

  • Maaaring makatulong ang paglalagay ng warm compress, kung ang abscess ay maliit (may sukat na isang sentimetro o mas mababa sa kalahating pulgada). Gawin ito ng apat na beses araw-araw.
  • Sa pangkalahatan, ang pag-inom ng antibiotiko ay hindi ganun kahalaga, ngunit ito ay maaaring ireseta sa pasyente kung ang nabuong abscess ay nauugnay sa nakapalibot na impeksiyon sa balat.

Pagsusuri

Ang gagawing pagsusuri ay batay sa tinubuang lokasyon ng abscess. Ang doktor ay maaaring magsagawa ng eksaminasyon ng tumbong kung ang abscess ay tumubo malapit sa anus o pagsusuri ng puki kung ito ay tumubo malapit sa puki.

Samantala, maaaring kapain ng doktor ang singit o braso upang maramdaman kung may namuong kulani na senyales ng impeksyon. Maaari ring kumuha ng sample ng sugat o suriin ang dugo sa pamamagitan ng blood test.

Paalala

  • Huwag tangkaing alisin ang abscess sa pamamagitan ng pagdiin dahil maaaring nitong itulak ang nahawaang materyal sa mas malalim na tisyu.
  • Huwag tusukin ng karayom o ng anumang matulis na bagay ang abscess dahil maaari nitong sirain ang daluyan ng dugo o maging sanhi ng pagkalat ng impeksiyon.
  • Panatilihin ang pansaraling kalinisan. Palagiang maghugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig.
  • Mag-ingat upang maiwasan ang paghiwa sa sarili habang nag-aahit ng kilikili o ng bahaging singit.
  • Pumunta sa pinakamalapit na ospital at agad magpa-kunsulta sa doktor.

Sanggunian

  • "Skin Abscess." eMedicineHealth.com. (Hinango noong 28 Agosto 2011)
  • "Abscess". National Library of Medicine. National Institutes of Health. MedlinePlus. (Hinango noong 29 Agosto 2011)
  • “Abscess: Causes.” BetterMedicine.com. (Hinango noong 29 Agosto 2011)
  • “Perintonsillar abscess.” National Library of Medicine. National Institutes of Health. MedlinePlus. (Hinango noong 29 Agosto 2011)
  • “Intra-abdominal abscess.” National Library of Medicine. National Institutes of Health. MedlinePlus. (Hinango noong 29 Agosto 2011)