Anesthesia

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang anesthesia ay ang pumipigil sa kirot, hirap o sakit na maaaring maranasan ng pasyente tuwing may operasyon o sa anumang kahalintulad na pamamaraang medikal. Nakakatulong din ito sa pagkontrol ng paghinga, presyon at daloy ng dugo, at pagtibok ng puso.

Error creating thumbnail: convert: unable to write blob `/tmp/magick-25Tetyrx': @ error/blob.c/ImageToFile/1625.
convert: no decode delegate for this image format `' @ error/constitute.c/ReadImage/532.
convert: missing an image filename `/webroot/health.wikipilipinas.org/images/temp/transform_1ccbef0f3fea-1.jpg' @ error/convert.c/ConvertImageCommand/3011.

Contents

Kasaysayan

Ang salitang anesthesia ay ang pinagsamang salitang Griyego na “αν-” (an-'), na ang ibig sabihin ay “wala”, at “αἴσθησις”, (aisthēsis), na ang ibig sabihin naman ay “pakiramdam”. Ang salitang ito ay unang iminungkahi ni Oliver Wendell Holmes, Sr. , isang kilalang Amerikanong manunulat. Sinasabing si Holmes ang nagmungkahi ng salita kay William T.G. Morton, ang Amerikanong dentista na unang nagpakita sa publiko kung gaano kabisa ang anesthesia.

Sinaunang panahon

Dahil ang salitang anesthesia ay pormal na ginamit lamang noong ika-19 na Siglo, wala pang tawag sa mga gamit o proseso ng pagpapamanhid. Ngunit ang mga pampamanhid noon ay ginagamit na dahil na din sa mga sinaunang pamamaraan ng pagtitistis. Ang mga sinaunang pampamanhid ay ang mga tinatawag na soporifics o narcotics, pawang mga pampakalma at pampatulog lamang. Kasama sa mga ginagamit na pampamanhid noong unang panahon ang opium, marijuana, alkohol at iba pang halaman. May mga iba ding gumamit ng hindi medikal na pamamaraan para sa pagpapamanhid gaya ng hipnotismo, yelo at acupuncture.

  • 3400 B.C. – Ang mga Sumerians ng sinaunang Mesopotamia ay gumagamit na ng alkohol upang gawing pampatulog o pampakalma. Sa mga panahon ding ito sila natutong magtanim at gumamit ng opium poppy bilang pampakalma.
  • 2225 B.C. – Nasakop ng Babilonia ang Sumeria at dahil dito nalaman ng mga taga-Babilonia ang gamit ng opium poppy. At dahil malawak ang Emperyo ng Babilonia, naipamahagi na din ang kaalaman ng paggamit ng opium poppy sa Persya at Ehipto.
  • Ika-18 Dinastiya ng Ehipto (1550-1292 B.C.) – Nakasulat sa Ebers Papyrus, isang sinaunang dokumentong medikal ng makalumang Ehipto, ang paraan ng paggamit ng opium poppy sa pag-opera.
  • 400 B.C. – Nakasulat sa Sushruta Samhita, isang sinaunang dokumentong medikal ng makalumang India, ang paggamit ng alak at usok ng cannabis bilang anesthesia.
  • 300 B.C. – Si Bian Que, isang sikat na manggagamot ng sinaunang Tsina, ang unang gumamit ng isang pangkaraniwang anesthesia sa kanyang operasyon. Nakasulat sa mga makasaysayang aklat ng Tsina ang kanyang operasyon kung saan pinatulog niya ang kanyang dalawang pasyente ng tatlong araw gamit ang isang inuming nakakalason.
  • 7 B.C. – Ang mga taga-Assyria ay gumagamit na rin ng opium poppy at ang tawag nila ay arat pa pa, ang pinanggalingan ng salitang Latin na papaver. Ang papaver naman ang salitang pinanggalingan ng poppy. Ang papaver din ang genus ng 70-100 na uri ng poppy.
  • Ika-2 Siglo – Si Hua Tuo, isang sikat na manggagamot ng sinaunang Tsina, ay gumagamit ng pinaghalong alak at mafeisan, isang gamot na may halamang sangkap, sa kanyang mga operasyon. Hindi malinaw kung anong mga halamang gamot ang sangkap ng mafeisan, sinunog kasi ni Hua Tuo ang kanyang mga naisulat na kaalamang medikal bago siya mamatay. Natigil din ang pag-opera sa Tsina pagkatapos ng kanyang kamatayan, lalong-lalo na nang ipinagbabawal ng relihiyong Confuscianismo, ang relihiyon ng mga sinaunang Tsino, ang pag-opera. Hanggang ngayon, wala pa ring nakaka-alam kung ano ang mga tamang sangkap ng kanyang mafeisan.
  • Ika-8 Siglo – Dinala ng mga Arabong mangangalakal ang opium sa India at Tsina. May mga nagpapatunay na sa panahong ito nadiskubre ni Jābir ibn Hayyān ang diethyl ether.

Gitnang panahon

  • 977-1010 A.D. – Isinulat ni Ferdowsi, isang makatang Persyano, ang Shahnameh. Nakasulat sa tulang ito kung paano ginamit ng isang paring Zorastriano ang isang espesyal na alak bilang isang anesthesia sa kanyang gagawing caesarian na operasyon.
  • 1000 A.D. – Isinulat ng Arabong manggagamot na si Abu Al-Qasim al-Zahrawi ang Kitab al-Tasrif, ang pinaka-unang aklat ng surgery na may mga pagsasalarawan. Nakasulat din dito ang paggamit ng anesthesia tuwing may operasyon.
  • 1020 A.D. – Unang isinulat ni Ibn Sīnā ang paggamit ng mga nilalalanghap na anesthesia, kung saan isang espongha na binabad sa pampatulog ay ilalagay sa ilalim ng ilong ng pasyente tuwing operasyon.
  • Ika-10 hanggang Ika-13 Siglo – Nakarating ang opium sa iba pang bahagi ng Asya at sa buong Europa.
  • Ika-13 Siglo – Ang mga katutubo ng Katimugang Amerika, ang mga Inca, ay gumagamit ng mga dahon ng coca, ang halaman na pinagmulan ng cocaine, bilang anesthesia. Sa Italya, ginamit naman ni Theodoric Borgognoni ang paghahalo ng iba’t ibang sangkap at opium upang makapagpawalang-malay. Ang mga ginawa ni Borgognoni ay ginamit hanggang sa ika-19 na Siglo.
  • 1275 – May mga nagsasabi na ang siyentipiko at martir na si Ramon Llull ang tunay na nakadiskubre ng diethyl ether.
  • 1525 – Nadiskubre naman ni Aureolus Theophrastus Bombastus von Hohenheim, na mas kilala bilang si Paracelsus, ang katangiang analgesic ng diethyl ether.
  • 1540 – Si Valerius Cordus ang unang nakapag-sintesis ng diethyl ether at tinawag niya itong “oleum dulce vitrioli” (langis ng vitriol). Itinala din niya ang mga katangiang medikal nito.

Panahon ng kaliwanagan

  • 1730 – Unang tinawag ni August Siegmund Frobenius ang oleum dulce vitrioli na ether.
  • 1775 – Nadiskubre ni Joseph Priestley ang iba’t ibang uri ng hangin gaya ng nitrous oxide. Dahil sa madaming “bagong” hangin na nadiskubre, ito ay nagbunga ng madami pang pag-aaral tungkol sa iba’t ibang hangin sa Europa.
  • 1785 – Sinubukang tuklasin ni Hanaoka Seishū ang mafeisan ni Hua Tuo. Matapos ang ilang taon ng pag-aaral, nakagawa siya nang kanyang sariling anesthesia na tinawag na tsūsensan. Gaya ng mafeisan ni Hua Tuo, ang tsūsensan din ay gawa sa iba’t-ibang sangkap na halamang gamot.
  • 1796 – Isinulat ni Shutei Nakagawa, kaibigan ni Hanaoka, ang Mayaku-ko (narkotikong pulbos). Ito ay naglalaman ng mga pag-aaral ni Hanaoka tungkol sa anesthesia.
  • 1798 – Itinatag ni Thomas Beddoes ang Pneumatic Institution sa Clifton, Bristol upang mapag-aralan ang mga sakit na dati’y inaakala na walang gamot, gaya ng hika at tuberculosis. Sa Pneumatic Institution nagtrabaho si Humphry Davy. Si Davy, ay hindi isang doktor, ngunit siya ay isang siyentipiko, at ang unang nakapagtala ng mga katangiang analgesic ng nitrous oxide.
  • ika-13 ng Oktubre, 1804 – Ginamit ni Hanaoka ang tsūsensan bilang anesthesia sa pag-opera sa suso ng kanyang pasyente na may kanser sa suso. Ito ang pinakaunang operasyon na may mapagkakatiwalaang dokumento ukol sa paggamit ng anesthesia.
  • 1806 – Nahango ni Friedrich Sertürner ang morphine mula sa opium. Tinawag niya itong morphine dahil ipinangalan niya ito kay Morpheus, ang diyos ng mga panaginip.
  • 1824 – Pinag-aralan ni Henry Hill Hickman ang carbon dioxide bilang isang pampamanhid. Sa kasamaang palad, hindi binigyan nang halaga ang kanyang pag-aaral noong siya ay nabubuhay pa. Ngayon, isa siya sa mga tinuturing na “Ama ng Anesthesia”.
  • Ika-30 ng Setyembre, 1846 – Ipinakita ni William T.G. Morton sa publiko kung gaano kahusay ang diethyl ether bilang anesthesia. Ito ay naganap sa Massachusetts General Hospital.

Mga yugto ng anesthesia

  • Pang-uupat (Induction) – Ang unang yugto ng anesthesia. Sa yugtong ito, binigyan na ng anesthesia ang pasyente at maaring nararamdaman na rin ang epekto nito. Ngunit, gising pa at nalalaman ng pasyente ang mga nagaganap sa kanyang paligid.
  • Pananabik (Excitement) – Sa ikalawang yugto ng anesthesia, kapansin-pansin ang pagbabago ng bilis ng tibok ng puso ng pasyente. Hindi na rin nalalaman o nararamdaman ng pasyente ang mga nangyayari sa kanya dahil siya ay napahimbing na.
  • Pagkamanhid (Anesthetized) – Ang ikatlong yugto ng anesthesia kung saan ang pasyente ay may regular na tibok ng puso at paghinga. Ang mga kalamnan ng pasyente ay nakapahinga din.
  • Pagkalabis (Overdosed) – Hindi talaga kabilang ang ika-aapat na yugto ng anesthesia sa isang regular na operasyon. Ito ay resulta lamang kapag napabayaan ang anesthesia sa ikatlong yugto. Ito rin ang pinaka-delikadong yugto ng anesthesia sapagkat dito na maaaring mamatay o magkaroon ng pinsala sa utak, puso at paghinga.

Mga uri ng anesthesia

  • Lokal na anesthesia – Ito ang anesthesia na ibinibigay sa isang partikular na bahagi ng katawan gaya ng ngipin.
  • Rehiyonal na anesthesia - Ito ang anesthesia na ibinibigay sa isang malaking bahagi ng katawan ng pasyente sa pamamagitan ng pagharang ng mga nerve impulse sa gulugod.
  • Pangkaraniwang anesthesia – Ito ang anesthesia na pumpigil sa pangkalahatang paggalaw at pakiramdam ng katawan na nagreresulta upang makapawala ng malay sa pasyente.
  • Dissociative anesthesia – ito naman ang mga anesthesia na ginagamit sa mga mas sensitibong bahagi ng utak gaya ng cerebral cortex.

Sanggunian