Arthritis

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Graphics 140C.jpg

Karamihan sa mga paulit-ulit na pananakit ng kasukasuan o arthritis sa matatanda ay hindi lubusang nalulunasan. Gayunman, narito ang ilang paraan para mabawasan ang kirot:

  • Pahinga. Kung maaari, iwasan ang mabibigat na gawain at ehersisyo na nagpapasakit sa mga kasukasuan. Kapag nilalagnat dahil sa arthritis, makabubuting matulog kung araw.
  • Tapalan ng maliit na tuwalyang ibinabad sa mainit na tubig ang masasakit na kasukasuan.
  • Makatutulong ang aspirina sa pagpawi ng kirot; ang dosis para sa arthritis ay mas mataas kaysa karaniwang kirot. Uminom ng 3 tabletas, 4-6 na beses isang araw. Kapag nag-umpisang mamingi ang tenga, bawasan ang pag-inom nito. Para maiwasan ang sakit ng tiyan dahil sa aspirina, inumin ito kasabay ng pagkain, gatas, bikarbonato ng soda o maraming tubig.


Mahalagang mag-ehersisyo nang kaunti para mapanatili o madagdagan ang galaw ng masasakit na kasukasuan.


Kapag ang isang kasukasuan lamang ang masakit at tila mainit, maaaring may impeksiyon itolalo na kung may lagnat. Uminom ng antibayotiko gaya ng penicillin at kung maaari, tumawag ng health worker.

Ang pananakit ng mga kasukasuan sa mga bata ay maaaring palatandaan ng ibang malubhang karamdaman, gaya ng lagnat rayumatiko o tuberkulosis.


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 27 Abril 2010).