Bagong pag-aaral: Mga buntis na may sleep apnea, maaaring magkaroon ng high blood pressure o diabetes

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Isang pag-aaral ang isinagawa sa 3,000 buntis upang suriin ang apnea, isang sleep disorder na kung saan humihinto at tumutuloy ang paghinga. Katabaan at katandaan ang ilan sa risk factors nito. Napag-alamang ang mga buntis na may sleep apnea ay may dobleng tsansang magkaroon ng preeclampsia at 3.5 tsansang magkaroon ng diabetes.

Ngunit, ang nasabing pag-aaral ay observational lamang at hindi pa lubos na napatutunayang nagdudulot nga ng komplikasyon sa pagbubuntis. Ayon kay Dr. Marie-Pierre St.-Onge ng Columbia University Medical Center, mas mainam sa mga buntis ang magkaroon ng normal na timbang at magdagdag ng timbang nang naaayon sa kanilang weight status.


Balita mula kay Lisa Rapaport.“Sleep apnea tied to diabetes and hypertension during pregnancy”.REUTERS.(Hinango noong ika-11 ng Enero 2017).



Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.