Balat

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Balat.jpg

Mahalagang suriin ang katawan ng maysakit, kahit bahagya lamang ang karamdaman. Dapat hubaran nang husto ang mga sanggol at bata. Hanapin ang anumang bagay na di-normal, kasama na ang:

  • singaw
  • pantal o butlig
  • sugat
  • paltos
  • balat o anumang kakaibang marka
  • pamamaga (palatandaan ng impeksiyon kasama ng pamumula, init, kirot, at pamamaga)
  • di-normal na bukol
  • namamagang kulani sa leeg, kilikili o singit
  • kakaibang pagkalagas ng buhok o pagkawala ng kulay nito o kislap
  • pagkalagas ng kilay


Laging iksaminin ang maliliit na bata sa may puwitan, sa harapan, sa pagitan ng mga daliri ng kamay at paa, sa likod ng tenga, at sa buhok (tingnan kung may kuto, buni, singaw, o pantal).

Para makilala ang iba't ibang sakit sa balat.

Ang balat ay isang malambot na takip sa katawan ng mga hayop na may buto. Sa ibang hayop tulad ng arthropod exoskeleton o seashell, ito ay may kakaibang pinanggalingan na istruktura at kemikal na komposisyon. Ang balat ay nanggagaling sa salitang cutaneous na mula naman sa salitang Latin na cutis o skin. Sa mammals, ang balat ang pinakamalaking organ na may maraming tumpik-tumpik na ectodermal tissue na siyang nagbibgay proteksyon sa pang-ilalim na organs, kalamnan, buto, ligaments at bituka. Ang ibat-ibang uri ng hayop na may natural na balat ay ang mga amphibians, reptiles, at ibon. Ang balat ay nagproprotekta laban sa pathogens, pagkawala ng tubig sa katawan, insulasyon, regulasyon ng temperatura, sensasyon, at bitamina B folates. Ang paghihilom ng mabigat na pinsala ng balat ay nagiging scar tissue at ito ay walang kulay o depigmented.

Contents

Katangian

Ang buhok na supisyenteng makapal ay tinatawag na fur. Ang fur ay ginagamit na insulasyon sa balat at nagsisilbing camouflage. Sa ibang hayop, ang balat ay makapal at matigas na ginagawang leather. Ang reptiles at isda ay may matigas na pamproteksyong kaliskis samantalang ang sa ibon naman ay mga matitigas na balahibo na nanggagaling sa mga B-keratins. Madaling makakapasok ang kemikal sa balat ng mga amphibians sa pamamagitan ng prosesong osmosis.

Ang balat ay ang pinakamalaking organ na may tatlong kilo at anim na gramo ang bigat, at dalawang metro ang lapad na nagsisilbing waterproof, panangga, at proteksyon ng matinding temperatura, sunog sa init, kancer sa balat, at nakakasirang kemikal. Ito ay naglalabas ng sustansyang anti-bakteryal, at bitamina D at may isang malaking sensor na nauugnay sa utak at labas ng katawan. Ito rin ang nagbibigay laya sa paggalaw at pagiging versatile ng tao. Ang balat ay tumutulong sa pagmementena ng tamang temperatura ng katawan kaya’t kung mainit ang panahon, ang katawan ay nagpapalaya ng pawis at init, at kung malamig, bumababa naman ang temperatura nito. Ang balat ay madaling makakakuha ng mensahe gamit ang hypothalamus na nagsisilbing termometro ng utak. Kailangan din ang kalinisan ng balat gamit ang sabon at malinis na tubig.

Tatlong patong ng balat

Epidermis

Ang epidermis ang nasa panlabas na bahagi ng balat na naglalaman ng keratinocytes galing sa protinang keratin. Ang keratinocytes ay may maraming cell layers na laging tumutubo palabas ng balat bago pa ito namamatay at naaanit. Kailangan ng limang linggo bago makakalabas ang mga bagong cells at kada minuto ay may 30 libo hanggang 40 libo ang namamatay na cells sa ibabaw ng balat. Ang patay na balat ay tinatawag na stratum corneum na ang kapal ay iba-iba depende sa parte ng katawan, tulad ng balat sa talampakan na mas makapal kaysa sa balat na malapit sa mata. Ang epidermis ay may pandepensang Langerhans cells upang hindi mahawaan ng mga mikrobyo at virus ang katawan.

Dermis

Ang dermis ang pangalawang layer na may maraming blood vessels, glands ng langis at pawis, na nagbibigay ng lakas at elastik na fiber na collagen at elastin. Ito ay may hair follicles at glands na may daanan ng pawis at ibang maruruming likido na urea at lactate. Ang apocrine glands ay naglalabas ng mas maraming langis sa panahon ng puberty at ito ay nagbibigay ng kakaibang amoy sa katawan lalo na sa kili-kili. Ang sebaceous glands ay naglalabas ng oil-like sebum o langis na nagpapadulas ng buhok at balat.

Subcutis o Subcutaneous

Ang layer na subcutis ang nasa pinakaloob na bahagi ng balat na may maraming reserbang taba na naging insulasyon at kusyon lalo na kapag mahulog at mabagok. Ito ang layer na may follicle o mga maliliit na tubo at dito nagsisimulang tumubo ang buhok. Lahat ng balat ay may follicles maliban sa baba, palad, at talampakan ng paa.

Kulay

Ang melanin ay isang pigment na sanhi ng pagkakaroon ng kulay sa balat at proteksyon laban sa ultra-violet rays ng araw. Ang mga maiitim ay may maraming melanin sa kanilang balat habang ang mga taong di gaanong maitim ay yung nakatira sa lugar na mahina ang sikat ng araw. Ang pinakamainit na lugar ay nagdudulot ng seryosong sira sa balat at kung ay labis na ang init ay maaaring makakapagdulot ng kanser sa balat.

Sanggunian