Bladder cancer

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Error creating thumbnail: convert: unable to write blob `/tmp/magick-eAZgzJb1': @ error/blob.c/ImageToFile/1625.
convert: no decode delegate for this image format `' @ error/constitute.c/ReadImage/532.
convert: missing an image filename `/webroot/health.wikipilipinas.org/images/temp/transform_5989d5a06309-1.jpg' @ error/convert.c/ConvertImageCommand/3011.

Ang bladder cancer ay isang uri ng kanser na nagdudulot ng pagbubuo ng tisyu sa pantog, ang parte ng katawan na pinaglalagyan ng ihi. Karamihan ng kaso ng kanser sa pantog ay tinatawag na transitional cell carcinomas kung saan ang kanser ay nagsisimula sa selyula na nasa loob ng lining ng pantog. Mayroon ding tinatawag na squamous cell carcinoma na nagsisimula sa mga payat at patag na selyula at adenocarcinoma na nagsisimula sa mga selyulang nagpapakawala ng mucus at iba pang likido. Ang mga selyulang bumubuo ng squamous cell carcinoma at adenocarcinoma ay umuusbong sa panloob na lining ng pantog dahil sa palagiang iritasyon at pamamaga.

Contents

Sintomas

  • Dugo sa ihi o hematuria
  • Madalas na pag-ihi
  • Sakit na nararanasan tuwing umiihi kahit walang indikasyon ng UTI
  • Pananakit sa bandang ibaba ng likod

Sanhi at panganib

Hindi tiyak ang sanhi ng kanser sa pantog ngunit may ilang mga carcinogens na itinuturong may kinalaman sa mga possibleng sanhi nito. May mga pagsasaliksik na pinag-aaralang mabuti ang mga kondisyon na nagbabago sa genetic structure ng mga selyula na nagdudulot ng pagtubo ng mga tumor.

Ang mga sumusunod ay nagpapataas ng posibilidad sa pagkakaroon ng bladder cancer:

  • Katandaan
  • Kasarian – Tatlong beses na mas mataas ang panganib ng lalaki na magkaroon ng bladder cancer kumpara sa babae.
  • Lahing Caucasian
  • Kasaysayan ng kanser sa pantog
  • Madalas na pamamaga ng pantog at iba pang mga problema sa daanan ng ihi na nakakairita sa pantog
  • Congenital defect– May mga taong pinanganak na may depekto sa pantog na nagdudulot ng patuloy ng impeksyon dito.
  • Paninigarilyo
  • Paglantad sa kemikal sa trabaho –Ang mga organic na kemikal na aromatic amines ay itinuturing na may kinalaman sa bladder cancer . Ang mga kemikal na ito ay ginagamit sa dye industry. Gayundin ang epekto ng mga kemikal na ginagamit sa mga industriya ng goma, balat, tela, pangkulay sa buhok, at paglilimbag.
  • Diyeta – Ang mga taong madalas kumain ng maraming pritong karne at taba na hayop ay sinasabing may mataas ng panganib na magkaroon ng bladder cancer.
  • Aristolochia fangchi – Ang herb na ito ay ginagamit sa ilang mga dietary supplements at Chinese herbal remedies. May mga pag-aaral na ginawa sa mga daga na napakita na na ito ay nagdudulot ng kanser.

Pagsusuri

Tulad ng ibang mga kanser, ang kanser sa pantog ay mas matagumpay na nagagamot kung ito ay malalaman ng maaga habang ito ay hindi pa kumakalat sa ibang tisyu at organo ng katawan. Ang mga sumusunod ay nakakatulong sa pagdiskubre sa bladder cancer ng maaga:


Pag-iwas

Walang siguradong paraan upang maiwasan ang kanser sa pantog ngunit maaaring tandaan ang mga sumusunod:

  • Mas makakabuti na huminto ang isang tao sa paninigarilyo kahit na walang katiyakan na ang panganib ng bladder cancer ay mababawasan.
  • Iwasan ang malantad sa mga kemikal sa lugar ng trabaho. Protektahan ang sarili kapag ang trabaho ang ay may kinalaman sa kemikal.
  • Mabuting ugaliin ang pag-inom ng maraming likido, tulad ng tubig, na maaaring makatunaw sa mga substances sa pantog na nakakadulot ng kanser.

Lunas


Posibleng komplikasyon

Ang bladder cancer ay maaaring kumalat sa kalapit na mga organo. Maaari rin ito maglakbay sa pelvic lymph nodes at kumalat sa atay, baga, at buto. Bukod dito, maaari ring maging sanhi ang kanser sa mga sumusunod:


Kaso sa Pilipinas

Si Jose-André Bernard “Kookie” Ramirez, isang kilala at nirerespeto na Filipino sa mundo ng motorsports ay namatay dahil sa urinary bladder cancer noong 28 October 2010.

Sanggunian