Blood test, maaaring nang gamitin upang tukuyin ang angkop na paggamot sa lung cancer

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Isang bagong pag-aaral ang isinagawa ng mga mananalikskik mula Stanford University of Medicine na gumagamit ng blood samples mula sa mga pasyenteng may lung-tumor cells. Maaari umano iyong maging mura at noninvasive na paraan upang makapili ang mga doktor ng tamang lunas sa paggamot ng lung cancer.

Matapos kumuha ng dugo sa lung cancer patients, gumagamit sila ng paraan upang mai-attach ang antibodies sa circulating tumor cells (CTCs). Gumagamit naman ng magnetic nanoparticles na didikit sa nasabing antibodies. Gamit ang magnetic sifter, nasasala ang nanoparticle-labeled CTCs na siyang sasailalim sa genetic analysis.

Ang nasabing pagsusuri ay maaaring gamitin upang suriin ang mutations ng 3 hanggang 4 na genes. Gamit lamang ang 2 mililitrong dugo o kalahating kutsarita, tatagal ang pagsusuri ng 5 oras at nagkakahalaga lamang ng 30 US dollars.

Maaari din umano itong gamitin upang suriin ang iba pang uri ng cancer.


Balita mula sa Manila Bulletin.(Hinango noong ika-11 ng Enero 2017).


Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.