Breastfed babies, kailangan pa rin ng dagdag na Vitamin D

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ayon sa isang isinagawang pag-aaral, hindi umano sapat ang Vitamin D na natatanggap ng mga sanggol mula sa kanilang mga ina, lalo pa kung sila'y hindi na binibigyan ng supplement drops. Ayon sa American Academy of Pediatrics, hindi sapat ang Vit D na taglay ng breast milk o gatas ng ina kung kaya't nirerekomenda nilang magbigay ng Vit D supplement na 400 IU (international units). Pinapayuhan ang mga ina na magpasuso ng sanggol hanggang anim na buwang gulang sapagkat nakatutulong ito sa pag-iwas sa pagkakaroon ng ear at respiratory infections, sudden infant death syndrome, allegies, at childhood obesity at diabetes.

Ang ilan namang infant formulas ay may sapat na Vit D kung kaya't hindi na kailangan pa ng supplement nito. Ngunit, may ilang sanggol na parehong kumukonsumo ng breast milk at formula ang hindi nakakukuha ng sapat na Vit D kung kaya't mas mainam na bigyan sila ng supplement.

Layon ng pag-aaral na ito na paalalahanan ang mga magulang ng kahalagahan ng Vit D at payuhan ang mga ina na uminom ng supplement o kaya'y bigyan ng baby drops ang kanilang mga anak. Bagaman nakakukuha ng sapat na Vit D ang mga matatanda mula sa araw, hindi naman ito lubos na inirerekomenda sa mga sanggol.

Ang ilan sa mga epekto ng Vit D deficiency sa mga sanggol ay ang pagkakaroon ng rickets o soft bones, seizures dulot ng low calcium, o heart failure.



Sanggunian


Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.