Buto

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Skeleton.jpg
Ang buto ay matigas at mahigpit na tisyu ng katawan na binubuo ng mga selyula na nakabaon sa maraming matitigas na intercellular material. Ang dalawang pangunahing bumubuo sa buto ay ang collagen at calcium phosphate. Ang mga materyal na ito ang nagbubukod sa buto mula sa ibang matitigas ng tisyu tulad ng chitin, enamel at shell. Ang mga buto ang bumubuo sa sistemang iskeletal ng tao at kalansay ng mga hayop.

Ang buto ay buhay na tisyu at ito ay binubuo ng tatlong uri nito:

  1. Compact tissue – Matigas na panlabas na tisyu ng buto.
  2. Cancellous tissue – Mala-spongha na tisyu sa loob ng buto.
  3. Subcondral tissue – Makinis na tisyu sa dulo ng buto na pinapaligiran ng isa pang uri ng tisyu na tinatawag na kartilago.


Contents

Tungkulin

Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng buto sa katawan:

  1. Suporta – Ang kalansay ay ang balangkas ng katawan na sumusuporta sa mga malalambot na tisyu at nagbibigay ng tuon sa pagkakabit-kabit ng mga kalamnan.
  2. Proteksyon – Ang kalansay ang nagbibgay ng mekanikal na proteksyon sa mga panloob na organo ng katawan. Binabawasan nito ang panganib ng pinsala. Halimbawa, ang bungo ang nagbibigay proteksyon sa utak samantalang ang gulugod ang nagpoprotekta sa utak ng gulugod. Ang tadyang naman ang nagbibigay proteksyon sa puso at baga.
  3. Pagbibigay tulong sa paggalaw – Ang iskeletal na kalamnan ay nakakabait sa mga buto. Gumagalaw ang buto kapag humihigpit at nagsisikip ang mga kalamnan.
  4. Imbakan ng mga mineral – Ang mga tisyu ng buto ay nag-iimbak ng ilang mineral tulad ng calcium at phosphorus. Kapag kailangan, ang buto ay naglalabas ng mga mineral sa dugo upang magkaroon ng balanse nito sa katawan.
  5. Produksyon ng selyula ng dugo – Ginagawa ang mga selyula ng dugo sa bone marrow o utak ng buto ng ibang malalaking buto ng katawan.
  6. Imbakan ng fatty acid – Habang ang tao ay tumatanda, ang ibang utak ng buto ay nagbabago mula sa pagiging pulang utak ng buto hangang sa dilaw na utak ng buto na nagsisilbing imbakan ng mga fatty acid.


Uri

Nauuri ang buto sa apat na tipo ayon sa hugis:

  1. Mahahabang buto – Ito ay binubuo ng mga pinakamahahabang buto sa katawan tulad ng femur, humerus at tibia kasama din ang mga maliliit na buto tulad ng metacarpals, metatarsals at phalanges. Ang katawan ng mahabang buto ay mas mahaba sa malapad na parte nito at mayroong katumbas na growth plates (epiphysis) sa bawat dulo. Ito ay may matigas na ibabaw at ang loob ay malambot tulad ng spongha na tinatawag na cancellous na buto na nagtataglay ng utak ng buto. Ang bawat dulo ng buto ay pinapaligiran ng hyaline cartilage upang protektahan ang buto sa pinsala.
  2. Maiiksing buto – Ang mga buto sa kasukasuan at sa puno ng kamay at buto sa paa ay mga halimbawa nito. Ang maiksing buto ay mayroong manipis na sapin ng siksik na butong nakapaikot sa mala-sponghang panloob na bahagi.
  3. Patag na buto – Karaniwang nagbibigay ito nga proteksyon sa mga importanteng organo ng katawan. Halimbawa ng patag ng buto ay ang scapula (talim ng balikat), sternum (buto sa dibdib), cranium (bungo), os coxae (buto sa balakang), buto sa baywang, at tadyang.
  4. Butong iregular – Mga buto sa katawan na walang unipormeng hugis tulad ng gulugod, sacrum at mandible.
  5. Butong sesamoid – Ang mga butong ito ay nakapailalim sa mga tendon. Tungkulin ng butong sesamoid ang paghila sa tendon papalayo sa kasukasuan upang mas lumakas ang puwersa ng kalamnan. Halimbawa nito ang patella o quadriceps tendon


Posibleng sakit

Sanggunian

  • Bone. Encyclopedia Britannica . (Hinango noong 1 Mayo 2012.)



Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.