Caffeine

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang caffeine o kapeina ay nilalaman ng ilang mga halaman at ito ay mapait. Kadalasang matatagpuan ito sa maraming inumin na tulad ng kape, tsaa, soft drinks o soda, cacao o tsokolate, kola nuts at ilang mga gamot na kung tawagin ay stimulants. Ito ay nagbibigay ng karagdagang enerhiya at pansamantalang tulong sa pagiging alerto.

Punsyon at limitasyon

Ang kapeina ay madaling malagom ng katawan at pumupunta kaagad sa utak. Hindi ito naiipon sa dugo o naitatago ng katawan. Mabilis itong lumalabas ng katawan sa ihi pagkatapos ng ilang oras pagkatapos ito inumin o makunsumo. Ito ay nagpapasigla ng utak at sistemang nerbyos. Nagpapataas din ito ng presyon ng dugo ngunit maaaring hindi ito mangyari sa mga taong madalas umiinom ng mga likido o gamot na may kapeina.

Salungat sa palasak na paniniwala, hindi kaya labanan o tanggalin ng kapeina ang epekto ng alkohol. Sa madaling salita, ang pag-inom ng kape ay hindi nakakawala ng kalasingan. Gayunman, ito ay maaaring gamitin bilang pansamantalang lunas sa pagkahapo at antok.

Walang gamit sa mundo ng nutrisyon ang kapeina. Ito ay maaaring iwasan sapagkat hindi siya mahalaga at hindi nakadaragdag sa mabuting kalusugan.

Iba pang gamit ng kapeina:

  • Nakakatulong sa pagsugpo ng sakit ng ulo kapag kasama sa gamot na tulad ng aspirin at acetaminophen.
  • Pangunang lunas sa hika kung walang gamot
  • Ginagamit din para sa sakit sa apdo, ADHD, kahirapan sa paghinga ng mga bagong panganak na sanggol, at mababang presyon ng dugo.
  • Pagpababa ng timbang at diabetes mellitus 2
  • Ginagamit na legal na stimulant ng mga atleta. Kadalasang sa kombinasyon na mag kasamang ephedrine
  • Nilalagay sa kremang pampahid sa balat upang mabawasan ang pamumula at pangangati dulot ng dermatitis.
  • Minsanang sinasama sa iniksyon para sa sakit ng ulo pagkatapos ng epidural anesthesia, kahirapan huminga ng mga bagong panganak na sanggol, at pampalakas ng pag-ihi.

Mga epekto

Sabi ng mga eksperto, ang katamtamang konsumo ng kape (200 hanggang 300 milligrams, mga dalawa hanggang apat na tasa) ay hindi nakakaapekto sa kalusugan ngunit ang malakas na pagkonsumo nito (400 milligrams at mas mataas pa, mga apat pataas na tasa) ay nagdudulot ng hindi kanaisnais na mga sintomas tulad ng mga sumusunod:

Maraming tao na may pagkagumon sa kapeina na nanggagaling sa kape at iba pang inumin. Makabubuti ang pagbabawas ng pag-inom nito upang mawala ang pag-asa sa kapeina. Gayunman, mahalagang gawin ito ng marahan sapagkat ang mabilis na pag-iwas sa pag-inom nito ay maaaring magdulot ng mga withdrawal symptoms na tulad ng:

  • Antok
  • Sakit ng ulo
  • Pagka-irita
  • Pagkaduwal
  • Pagsusuka

May mga bihirang pagkakataon na ang labis na paginom ng kapeina ay nakakadulot ng kamatayan. Isang 23 taon na lalaki na namatay dahil sa labis na paginom ng caffeine powder. Sinasabi ni Eric Braverman, isang doktor, na ang nakamamatay na dosis ng kapeina ay 10,000 milligrams na katumbas ng 100 tasa ng kape o 70 energy drinks.

Sanggunian