Cervical Kanser

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Ang Cervix at ang mga bahagi nito

Contents

Ang Cervix

Ang Cervix ay karaniwang tinatawag na "kwelyo ng matris." Ito ay nakapalibot sa daan o kanal na nagdurugtong sa matris at puerta.


Saan nagmula ang cervical kanser?

Ang cervical kanser ay dulot ng matagalang impeksyon human papilloma virus ("cancer causing type").


Ang bawat babae ay nanganganib magkaroon ng kanser kapag siya ay:

  • Nakikipagtalik ng higit sa isang kapareha.
  • Nakikipagtalik o dating nakipagtalik sa maraming kapareha.
  • Nakipagtalik noong bago pa lamang siya nagsisimulai datnan ng regla.
  • Nagkaroon ng impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik (sexually transmitted disease) o nakipagtalik sa isang may ganoong impeksyon.
  • Kasalukuyan o dati ng naninigarilyo.
  • Mababa ang resistensiya laban sa sakit.
  • May lima o mahigit pang anak.


Anu-ano ang mga pamamaraan upang maiwasan ang cervical kanser?

  • Mag-Healthy Lifestyle.
    • Regular na mag-ehersisyo
    • Kumain ng masusutansiyang pagkain at uminom ng sapat na tubig
    • Subaybayan ang tamang timbang Iwasan ang stress
    • Huwag manigarilyo
  • Mag-safe sex.
  • Magpabakuna laban sa cervical kanser.
  • Regular na magpa-cervical kanser screening sa pamamagitan ng Pap Smear o Single Visit Approach (SVA)


Ang Pap Smear ay isang uri ng screening para maagap na matuklasan ang cervical cancer. Ito ay isinasagawa sa mga kababaihan pagkalipas ng tatlong taon mula sa unang pakikipagtalik. Ang VIA o "Visual Inspection using Acetic acid" ay ang pinakamagaling na alternatibo sa screening para sa mga bansang "developing" katulad ng Pilipinas.


Nakapaloob sa "Single Visit Approach (SVA)" ang tatlong benepisyo:

  • Impormasyon at pagpapayo ukol sa cervical kanser.
  • Visual Inspection with Acetic Acid (VIA).
  • Paggamot gamit ang Cryotherapy.


Ang "Visual Inspection with Acetic Acid (VIA)" ay isang paraan ng pagsusuri sa cervix na ginagamit ang suka. Ang paraang ito ay para makita kung ang cervix ay may mga palatandaan na maaaring maging kanser.


Ang "Cryotherapy" ay isang paraan ng pagagamot ng cervix upang mawala ang abnormal tissues na pwedeng magtuloy sa cancer.


Mga senyales ng cervical kanser

  • Abnormal na pagdurugo sa puerta.
    • Pagdurugo bago o pagkatapos ng regular o buwanang regla.
    • Pagdurugo matapos makipag-seks, mag-douching, o magpa-eksamen.
    • Regla na mas mahaba at mas malakas kaysa karaniwan.
    • Pagdurugo makalipas ang menopause.
  • Hindi pangkaraniwang discharge na lumalabas sa ari
  • Pananakit sa puerta o puson.
  • Pananakit ng puerta habang nakikipagtalik.


Sanggunian

  • Babae, Mahalaga Ka! Alamin ang mga Pag-iingat at Maagap na Lunas sa Cervical Kanser. Department of Health of the Philippines. (Hinango noong 20 Mayo 2010).

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.