Coma

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang coma ay hinango sa salitang Griyego na koma na ang ibig ipakahulugan ay malalim na pagtulog. Ito ay isang kalagayan ng matinding kawalan ng kamalayan o ulirat, kung saan ang isang indibidwal ay hindi tumutugon o kumikilos ng kusa.

Contents

Sanhi

Kabilang sa mga maaaring maging dahilan ng coma ang:

  • Isang malubhang pinsala sa ulo, na madalas ay sanhi ng aksidente o karahasan, ay maaaring makaapekto sa utak.
  • Mga tumor sa utak o sa brainstem.
  • Mga taong may sakit na diabetes.
  • Pag-inom ng sobrang alak at o labis na paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
  • Pagkakalantad sa mga lason, katulad ng carbon monoxide o lead, na maaaring makapinsala sa utak at magresulta sa coma.
  • Patuloy na seizure, mga pagbabago sa ikinikilos na nangyayari matapos ang isang abnormal na de-kuryenteng mga gawain sa utak.
  • Isang pinsala sa utak na sanhi ng kakulangan ng oxygen ng mahabang panahon.
  • Mga impeksiyon na nagsasangkot sa utak, tulad ng:
  • Stroke – Ito ay maaaring dahil sa pagbabara ng mga arterya o isang pagsabog ng daluyan ng dugo kaya nangyayari ang pagkaantala ng suplay ng dugo sa utak, na maaaring humantong sa pagkaka-coma.

Sintomas

Mga palatandaan na maaaring magpakita sa mga pasyenteng nasa pinakamalalim na antas ng pagiging coma:

  • Hindi tuwid na paghinga.
  • Hindi mabuksan ang mga mata.
  • Hindi makapagsalita o hindi nagsasalita.
  • Hindi tumutugon sa sakit, kahit anumang pagkilos ng katawan.

Komplikasyon

Bagamat maraming tao ang unti-unting gumagaling mula sa pagkaka-coma, may iba naman na tila nagiging parang lantang gulay (vegetative state), at minsan pa nga ay namamatay.

Pagsusuri

Habang walang malay ang pasyente, maaaring pagbasihan ng doktor ang pahiwatig ng katawan nito, kasabay ng pisikal na pagsusuri upang tiyakin kung ito’y tutugon, at mga impormasyon na maaring ibigay ng pinakamalapit na pamilya nito. Gayundin, ang mga sumusunod ay maaaring makatulong sa doktor upang tukuyin ang mga napinsalang bahagi ng utak:

Metabolic

Ang urinalysis at pagsusuri ng dugo ay ginagamit sa blood chemistry, drug screen, at abnormalidad ng selyula ng dugo upang alamin kung ito ay nagpapahiwatig o nagpapakita ng mga posibleng impeksiyon.

Anatomic

Ito ay maaaring masuri sa pamamagitan ng mga imaging tests, tulad ng:

  • CT scan – Ito ay madalas na ginagamit upang suriin at tukuyin ang dahilan ng coma.
  • Electroencephalography (EEG) – Sinusukat nito ang de-kuryenteng aktibidad ng utak, at inaalam nito kung maaaring maging sanhi ng coma ang seizures.
  • Magnetic resonance imaging (MRI) – Maaari nitong makita ang tisyu ng utak na nasira dahil sa braing hemorrhage, ischemic stroke, o iba pang mga kondisyon. Gayundin, partikular itong nakatutulong sa pagsusuri ng brainstem at malalim na istraktura ng utak.

Samantala, ang spinal tap o lumbar puncture ay isang pamamaraan na maaaring tumingin ng mga senyales ng impeksiyon sa sistemang nerbiyos.

Glasgow Coma Scale

Ang Glasgow coma scale ay binuo upang magbigay ng isang simpleng paraan ng pagsukat sa lalim o tindi ng pagkawala ng malay tao ng isang pasyenteng na-coma. Ito ay batay sa pag-oobserba sa pagbubukas ng mata, pananalita, at paggalaw ng katawan nito.

Sanggunian

  • "Coma." MayoClinic. (Hinango noong Oktubre 18, 2012)
  • “Coma.” The Free Dictionary. (Hinango noong Oktubre 18, 2012)

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.