DNA

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang DNA ay ang pinaikling akronim ng deoxyribonucleic acid. Ito ang pagmamana ng lahat na materyal ng organismo at tao. Halos lahat ng cells ng isang tao ay may kaparehong DNA. Karamihan sa mga ito ay nakasentro sa nucleus kaya ito tinatawag na nuclear DNA. Subalit may kaunting DNA naman na matatagpuan sa mitochondria kaya ito tinatawag na mitochondrial DNA.

Katangian

Ang impormasyon ng DNA ay nakatago bilang isang code na binubuo ng apat na chemical bases. Ang mga ito ay kinabibilangan ng (A) adenine, (G) guanine, (C) cytosine, at (T) thymine. Ang DNA ng isang tao ay binubuo ng di humigit sa tatlong bilyong bases at mahigit 99% ng mga bases na ito ay magkatulad sa lahat ng tao. Ang pagkakasunod ng mga ito ang siyang basehan ng bilang ng impormasyon na kinakailangan sa pagbubuo at pagpapanatili ng organismo katulad na lamang sa mga letra ng alpabeto at sa pagkakasunod-sunod nito upang makapagbuo ng mga salita at pangungusap.

Ang mga bases na ito ay pumapares sa isa't isa katulad ng A na pumapares sa T, at ang pagpapares naman ng C at G upang makapagbuo ng mga pares na tinatawag na base pairs. Bawat base ay kadugtong ng sugar molecule at phosphate molecule. Kapag pinagsama, ang base, sugar, at ang phosphate ay tinatawag na nucleotide. Ang mga nucleotides ay inaayos sa dalawang mahahabang strands na bumubuo ng spiral na tinatawag na double helix. Ang istruktura ng double helix ay parang hagdan kung saan ang base pairs ang siyang bumubuo ng mga aapakan samantalang ang sugar at phosphate molecules naman ang bumubuo sa bertikal na pundasyon ng hagdanan.

Kasaysayan

Ang unang pruweba na nagpapatunay na ang DNA ay isang uri ng materyal na namamana ay naibigay ni Oswals Avery, Maclyn McCarty, at Colin MacLeod. Ang istrukturang double helical naman ng DNA ay natuklasan noong 1953 nina James D. Watson at Francis H. C. Crick kasama si Rosalind Franklin na isang X-ray crystallographer. Sina Watson at Crick ay nabigyan ng 1962 Nobel Prize para sa Physiology at Medisina kasama si Maurice H. F. Wilkins.

Sanggunian