Duodenum

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang duodenum ay ang unahang parte ng maliit na bituka. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng sikmura at jejunum. Ito ay may habang sampung pulgada samantalang ang maliit na bituka at may habang dalampung talampakan. Ito ay nagsisimula sa duodenal bulb at napaligiran ng pyloric sphincter na siyang marka ng ilalim na parte ng sikmura. Ito ay kunektado sa ligamento ng Treitz sa diaphragm patungo sa parte ng maliit na bituka.

May apat na bahagi ang duodenum kung saan ang unang tatlong bahagi ang may korteng titik "C". Ito ay nagsisimula sa superior duodenum patungo sa pyloric sphincter at patagilid sa bandang kanan at pwitan sa laking dalawang pulgada. Ang susunod na parte ay descending duodenum na nasa gitna ng letter "C". Ang inferior duodenum naman ay nasa bandang kaliwa. Ang pinakahuling bahagi ng duodenum ay ang ascending duodenum na siyang nagdudugtong sa maliit na bituka at duodenojejunal flexure.

Contents

Tungkulin

  • Ang pagkaing nahalo sa asido ng sikmura ay tumutungo sa duodenum kung saan

humahalo din ang apdo mula sa gallbladder at mga likido mula sa lapay.

alkaline mucus. Ito ang sumusuporta sa enzyme ng bituka at tumutulong sa pagsipsip ng nutrisyon mula sa mga bitamina, mineral at iba pa na galing sa pagkain.

juice|likido ng lapay]] sa maliit na bituka ay kunektado sa descending duodenum. Ang likido ng lapay ang tumutulong sa pagtunaw ng pagkain samantalang ang apdo naman ang tumutulong sa pagtunaw at pagsipsip ng taba mula sa pagkain.

  • Ang duodenum ang nagbabalense sa asido ng chyme na lumalabas sa sikmura

na siyang produkto ng pagtunaw ng pagkain. Ang Brunner's glands at pancreatic duct ang naglalabas ng likidong alkaline upang matimpla ang acidity ng chyme upang hindi maapektuhan ang maliit na bituka.

Kundisyong may kinalaman ang duodenum

  • Peptic ulcer - Nakaka-apekto sa sikmura at duodenum. Ang ulser na

ito ang pinakapangkaraniwang problema ng duodenum. Ito ay nagsisimula sa impeksiyon dulot ng Helicobacter pylori. Maaring hindi makatulog ang pasyente dahil sa kirot na dulot nito. Ilan sa mga nakikitang dahilan ng karamdamang ito ang paninigarilyo, stress, pagod at pag-inom ng alak. Ang pag-inom ng gatas o pagkain ng unti-unti ay nakatutulong upang mawala ang sakit ngunit maaari din itong magbalik pagkatapos ng ilang oras. Ang pangmatagalang pag-inom ng gamot na panlaban sa maga tulad ng aspirin ay maaaring magpalala sa sakit na ito. Antibayotiko at antacid ang gamot dito. Ang pagkakaroon ng pagdurugo at pinsala sa duodenum ay dapat agad mabigyang lunas.

  • Kanser sa maliit na bituka - Hindi pangkaraniwan ngunit maaaring maranasan.

Nasa 30% hanggang 40% ng duodenal cancer ay nagmumula sa mga selyula sa loob ng maliit na bituka na nagsisimula bilang polyp. Dalawang kundisyon ang maaaring tumuloy bilang duodenal cancer: ang Crohn's disease at celiac disease. Gayundin, sanhi ng kanser na ito ang adenomatous polyposis at pagkain ng matatatabang pagkain. Mapapansin ang pamamayat, dugo sa dumi, at bukol sa tiyan. Maaari ding magkaroon ng bara sa bituka. Operasyon, radiation therapy at chemotherapy ang maaaring gamiting lunas sa kanser na ito.

  • Crohn's disease - Karaniwang ang ileum ang apektado ng Crohn's

disease ngunit may pagkakataong ang duodenum ang apektado. Ang karamdamang ito ay karaniwang makikita sa mga pamilya na may miyembrong na-diagnose na may kundisyong Crohn's disease. Kabilang sa sintomas ang pagtatae, pagdurugo ng puwitan, masakit na sikmura, pamamayat, lagnat at sakit ng kasukasuan. Wala pang gamot ang Crohn's disease ngunit nakakatulong ang steroid at antibayotiko upang mabawasan ang sakit na nararamdaman.

kaso ng colorectal cancer at maaaring makita sa duodenum. Ang mga taong may FAP ay nagkakaroon ng daan-daan hanggang libo-libong polyps na tumutubo mula sa pagkabata. Kalaunan, ang mga ito at tutuloy at magiging sanhi ng kanser pagdating ng edad 40.


Sanggunian

UkBn1e Diseases of the Duodenum.] LiveStrong.org. (Hinango noong 16 Hunyo 2012)

NLM.NIH.gov. (Hinango noong 16 Hunyo 2012)

Patient.co.uk. (Hinango noong 16 Hunyo 2012)

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.