Ehersisyo

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Contents

Kumilos Ka Naman!

Manonood ka na lang ba ng TV maghapon, magdamag? Magkocomputer ka na lang ba lagi? Uupo ka na lang ba dyan? Kumilos, gumalaw at mag-ehersisyo ng regular!


Kahahantungan ng Physical Inactivity

Ang physical inactivity o kawalan ng gawaing pisikal ay:

  • isa sa mga pangunahing dahiIan ng maagang pagtanda, pagkamatay at pagkakaroon ng mga sakit at kapansanan;
  • dino-doble ang tsansang magkaroon ng sakit sa puso, alta presyon at dyabetes;
  • isa sa mga pangunahing dahilan ng obesity o sobrang pagtaba;
  • lumalaki din ang tsansang magkaroon ng kanser sa suso at sikmura, sobrang kolesterol, osteoporosis, pagkabalisa ng isip at depression.


30 Minutes Lang Araw-Araw

Tatlumpung (30) minuto lang araw-araw ng paggalaw at pagkilos para sa kalusugan ang kailangan, katulad ng:

  • 30 minutong maliksing paglalakad o brisk walking
  • pag-akyat at pagbaba sa hagdan
  • paglilinis at iba pang gawaing bahay
  • paghahardin
  • pagbibisikleta
  • pagsasayaw

Para sa karagdagang benepisyo sa kalusugan, ugaliin ang pag-eehersisyo ng hindi bababa sa minuto at hindi baba sa 5 araw isang linggo. Huwag kakalimutang mag-warm up bago magsimula at mag-cool down pagkatapos.

Alamin ang angkop na gawaing pisikal na bagay sa iyong katawan at kalusugan.

Kung mayroon kang kapansanan o sakit na nararamdaman, kumunsulta muna sa doktor bago magsimula.


Sanggunian

  • Gumalaw, Kumilos at Regular na Mag-ehersisyo. Department of Health of the Philippines. (Hinango noong 25 Mayo 2010).