Electrocardiogram

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
ECG.jpg
Ang electrocardiogram (ECG o EKG) ay isang pagsusuri na nagtatala ng aktibidad ng kuryente sa puso. Maaari din itong makilala bilang 12-lead EKG o 12-lead ECG dahil ang electrical activity ng puso ay pinakakaraniwang kinukuha ng sabay-sabay mula sa labindalawang iba’t-ibang lugar sa katawan.

Hindi kailangan ng mga malulusog na tao ng taunang pagpapasuri maliban na lang kung may kasaysayan sa pamilya ng sakit sa puso o ibang kundisyon na nakakaapekto sa puso.

Contents

Sino ang nangangailangan

  • Mga sumasailalim sa karaniwang pagsusuri sa kalusugan para sa taunang pagsusuri, sa trabaho, paglalakbay, o pagpasok sa eskuwelahan.
  • Mga ooperahan para maiwasan ang mga posibleng komplikasyon dulot ng anesthesia at ng pagtitistis.
  • Mga may mataas na sukat ng cholesterol at presyon ng dugo.
  • Mga may diabetes o iba pang sakit na nakakaapekto sa puso.
  • Mga may kasaysayan ng sakit sa puso sa pamilya.
  • Mga nasa propesyong pampublikong kaligtasan o nagbibigay ng stress sa puso tulad ng mga atleta, bumbero, piloto, atbp.
  • Mga nasa edad 40 pataas para magkaroon ng baseline para sa iba pang ECG sa hinaharap.
  • Mga may sintomas ng problema sa puso tulad ng:
    • Palpitations
    • Pananakit ng dibdib
    • Kumakabog na pagtibok ng puso
    • Mabilis o iregular na pagtibok ng puso
    • Kakapusan o hirap na paghinga
    • Madaling mapagod at manghina
    • Di-karaniwang tunog ng puso kapag pinakinggan ng doktor
    • May anxiety o madalas nininerbiyos
    • Pagduduwal o pagsusuka
    • Pananakit ng tiyan
    • Pagkakawala ng malay (syncope)

Bakit ginagawa

Ang electrocardiogram ay ginagamit para masuri ang mga sumusunod:

  • Anumang pinsala sa puso
  • Kung gaano ka-normal o kabilis ang pagtibok ng puso
  • Kung pantay at hindi paiba-iba ang ritmo ng pagtibok ng puso
  • Lakas at pulso ng mga electrical signal habang dumadaan sa bawat parte ng puso
  • Epekto ng mga droga o aparato na may kontrol sa puso (tulad ng pacemaker)
  • Laki at posisyon ng mga heart chambers
  • Kung nagsisimula ang pagtibok sa tamang lugar sa puso
  • Tagal ng paglalakbayng electrical signals sa kabuuan ng puso
  • Pinakamabuting kurso ng medikasyon at paggamot sa mga problema at sakit sa puso

Mga uri

May iba’t ibang uri ng electrocardiogram para matukoy ang mga problema sa puso na maaaring lumitaw sa iba’t-ibang oras o habang may ginagawa ang katawan.

  • Karaniwang ECG o 12 lead ECG – Ilang segundo lamang ang itinatala habang nakapahinga ang katawan at makikita lang kung may problema sa puso kung lumitaw ito habang sinusuri.
  • Stress Test- Tinutukoy kung may problema ang puso habang may ginagawa ang katawan. Kung hindi makapagehersisyo, bibigyan ng gamot na pampabilis ng pagtibok ng puso.
  • Holter Monitoring- Isang maliit na aparatong sinusot ng 24 hanggang 48 na oras. Minamanmanan nito ang puso habang ginagawa ng pasyente ang normal na pangaraw-araw na gawain.
  • Event Monitors- Isang maliit din na aparatong sinusuot ng pasyente para mamanmanan ang puso sa mga piling sandali. Maaaring buksan ito pag nakaramdam ng mga sintomas o kusang sumisindi kapag nakapansin ng di-karaniwang ritmo ng puso.
  • Telemetry- Isang monitor na tuloy-tuloy ang pagmamanman sa puso kung nakaratay sa ospital.

Paghahanda

  • Ipaalam sa doktor ang mga medikasyong iniinom.
  • Magpahinga at huwag magpupuyat bago magpasuri.
  • Iwasan ang malamig na tubig at magpakabusog bago ang ECG.
  • Tanggalin ang mga alahas sa katawan.
  • Magsuot ng maluwag na damit para walang sagabal sa sirkulasyon.

Pamamaraan

  • Pahihigain sa examination table.
  • Lilinisin ang ilang lugar sa mga braso, binti, at dibdib.
  • Lalagyan ng maliliit na electrodes ang mga nalinis na lugar (mga patches, velcro straps, o suction cups).
  • Maaaring ahitin o gupitan ang mabubuhok na lugar para makadikit ng maayos ang mga electrodes.
  • Nakakabit ang mga wires ng electrodes sa makinang bumabasa sa electrical signals ng puso. Ginuguhit ito sa papel bilang mga linya na binabasa naman ng doktor.
  • Huwag gumalaw habang sinusuri. Maaaring sabihin ng tagasuri na pigilin ang hininga ng ilang beses habang sinusuri.
  • Siguraduhing kalmado at hindi nilalamig habang sinusuri.
  • Kadalasan,hindi humihigit sa sampung minuto ang ECG.
  • Maaaring gawin ang pagsusuri habang nag-eehersisyo o sa ilalim ng mababang stress para makita ang mga pagbabago sa puso.

Pagkatapos ng pagsusuri

  • Sundin ang rekomendasyon ng doktor.
  • Magkaroon ng kopya ng ECG sa pitaka o sa isang lugar na madaling matagpuan kung may aksidente.

Panganib

  • Walang sakit o kirot na mararamdaman at walang kuryente na dumadaan sa katawan.
  • Maaaring malamigan lang sa mga electrodes sa unang paglapat.
  • Maaaring magkaroon ng konting iritasyon sa balat o pangangati kung saan ang mga electrodes ay dinikit.

Limitasyon ng karaniwang ECG

  • Depende sa kundisyong sinusuri ang kawastuhan ng ECG.
  • May mga problema sa puso na hindi lumalabas sa resulta.
  • Maaring normal ang resulta ng karaniwang ECG kahit na may mga kundisyong nagpapahiwatig ng nagbabadyang sakit sa puso.
  • Kung inatake sa puso o may sakit sa puso, maaaring mangailangan ng mas marami o ibang uri ng ECG.
  • Hindi masasabi ng ECG kung magkakaroon ng atake sa puso.

Resulta

Ang resulta ay binibigyan ng interpretasyon ng mga doktor tulad ng internist, family medicine doctor, electrophysiologist, cardiologist, anesthesiologist, o surgeon.

Normal

  • Bilis ng puso: 60 hanggang 100 tibok kada minuto
  • Ritmo ng puso: pantay at hindi pabago-bago
  • Mukhang normal ang mga tracing.

Abnormal

  • Bilis ng puso: mas mababa sa 60 tibok o mas mabilis sa 100 tibok kada minuto
  • Ritmo ng puso: hindi pantay at pabago-bago.
  • Hindi mukhang normal ang mga tracing.

Maaaring matukoy ang mga sumusunod dahil sa abnormal na resulta ng ECG:

  • Abnormal na ritmo ng puso (arrhythmias)
  • Depekto sa kalamnan ng puso tulad ng cardiomyopathy
  • Congenital na depekto sa puso
  • Coronary artery disease
  • Coronary heart disease
  • Ectopic heartbeat
  • Enlargement ng puso
  • Di-karaniwang bilis ng pagtibok ng puso (tachycardia)
  • Heart valve disease
  • Heart failure
  • Pamamaga ng puso (myocarditis)
  • Pagbabago sa dami ng electrolytes (mga kemikal sa dugo)
  • Nakaraang atake sa puso
  • Kasalukuyan o nagbabantang atake sa puso
  • Di-karaniwang bagal ng pagtibok ng puso (bradycardia)
  • Pamamaga ng sac na nakapaligid sa puso (pericarditis)
  • Heart block
  • Long QT syndrome

Maaaring makaapekto sa pagsusuri

  • Hindi maayos na pagkakadikit ng mga electrodes.
  • Mga sakit o kundisyon bago magpasuri.
  • Mga medikasyon at aparato sa puso.
  • Pag-inom ng malamig na tubig, labis na pagkabusog bago ang pagsusuri.
  • Pag-ehersisyo, pagod o puyat bago ang pagsusuri.
  • Kalikutan, pagsasalita o paggalaw habang sinusuri, kahit hindi sinasadyang panginging ng kalamnan dahil sa lamig.
  • Paghinga ng mabilis o masyadong malalim habang sinusuri.
  • Nerbyos habang sinusuri.

Iba pang kundisyon kailangan ng ECG

  • Alcoholic cardiomyopathy
  • Anorexia nervosa
  • Aortic dissection
  • Aortic insufficiency
  • Aortic stenosis
  • Atrial fibrillation/flutter
  • Atrial myxoma
  • Atrial septal defect
  • Cardiac tamponade
  • Coarctation of the aorta
  • Complicated alcohol abstinence (delirium tremens)
  • Coronary artery spasm
  • Digitalis toxicity
  • Dilated cardiomyopathy
  • Drug-induced lupus erythematosus
  • Familial periodic paralysis
  • Guillain-Barre
  • Heart failure
  • Hyperkalemia
  • Hypertensive heart disease
  • Hypertrophic cardiomyopathy
  • Hypoparathyroidism
  • Idiopathic cardiomyopathy
  • Infective endocarditis
  • Insomnia
  • Ischemic cardiomyopathy
  • Left-sided heart failure
  • Lyme disease
  • Mitral regurgitation; acute
  • Mitral regurgitation; chronic
  • Mitral stenosis
  • Mitral valve prolapse
  • Multifocal atrial tachycardia
  • Narcolepsy
  • Obstructive sleep apnea
  • Paroxysmal supraventricular tachycardia
  • Patent ductus arteriosus
  • Pericarditis
  • Bacterial pericarditis
  • Constrictive pericarditis
  • Post-MI pericarditis
  • Peripartum cardiomyopathy
  • Primary amyloid
  • Primary hyperaldosteronism
  • Primary hyperparathyroidism
  • Primary pulmonary hypertension
  • Pulmonary embolus
  • Pulmonary valve stenosis
  • Restrictive cardiomyopathy
  • Right-sided heart failure
  • Sick sinus syndrome
  • Stable angina
  • Stroke
  • Systemic lupus erythematosus
  • Tetralogy of Fallot
  • Thyrotoxic periodic paralysis
  • Transient ischemic attack (TIA)
  • Transposition of the great vessels
  • Tricuspid regurgitation
  • Type 1 diabetes
  • Type 2 diabetes
  • Unstable angina
  • Ventricular septal defect
  • Ventricular tachycardia
  • Wolff-Parkinson-White syndrome

Electrocardiogram sa Pilipinas

Bilang kasama man ng karaniwang pagsusuri sa kalusugan o dahil sa iba pang kundisyong gustong pagaralan ng doktor, maaaring magpa-ECG sa mga klinika at ospital.

Sanggunian