Endothelium

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Artery.JPG
Ang endothelium ay ang manipis na suson ng patag na selyulang epithelial na nakalinya sa mga kulani, daluyan ng dugo, at mga panloob na butas ng puso.

Ang mga selyula na bumubuo sa endothelium ay tinatawag na endothelial cell. Ang mga selyulang ito na may direktang kaugnayan sa dugo ay tinatawag na vascular endothelial cell samantalang ang mga may kaugnayan sa mga kulani ay kilala bilang lympathic endothelial cell.

Kapag inihambing, ang panlabas na suson ng mga selyula na nakatakip sa katawan tulad ng balat at mucous membrane na nakikipag-ugnayan sa labas ng katawan ay tinatawag na epithelium.

Contents

Selyulang endothelial

Ang endothelial cell ay lumilinya sa panloob na pader ng mga daluyan ng dugo sa sistemang sirkulatoryo. Ang mga selyulang ito ay may kinalaman sa ilang mga tungkulin ng sistemang ito tulad ng pag-kontrol sa presyon ng dugo, pagtubo ng mga panibagong daluyan, at pamumuo ng dugo. Gayundin, may kinalaman ito sa mga karamdamang nakakaapekto sa mga daluyan ng dugo tulad ng atherosclerosis at pamamaga.

Kaugnayan ng endothelium at atherosclerosis

Ang atherosclerosis ay isa sa mga pangunahing sanhi ng atake sa puso at stroke. Sa nakaraang dekada, natuklasan ng mga tagapagsaliksik na ang endothelium ay may malaking kaugnayan sa sakit na ito.

Matagal na pinag-aaralan ng mga siyentipiko ang mga maaaring sanhi ng atherosclerosis. Napag-alaman ng mga siyentipiko na ang mga taong mahilig kumain ng taba ng hayop ay karaniwang mayroong mataas na kolesterol sa kanilang dugo na maaaring magdulot ng atherosclerosis at iba pang panganib sa kalusugan. Sa huling dalawang dekada, natuklasan ng mga siyentipiko kung paano maglakbay ang kolesterol sa palibot ng dugo sa pagbuo ng fibrous plaque at pamumuuo ng dugo na bumabara sa mga daluyan.

Natuklasan ng mga siyentipiko na ang panganib na magkaroon ng atherosclerosis ay may kaugnayan sa low density lipoprotein (LDL) o masamang kolesterol. Napag-alaman din na ang endothelium ay may malaking parte sa pagkakaroon ng atherosclerosis. Ang daluyan ng dugo ay may tatlong iba't ibang suson. Ang endothelium ang kaisa-isang makapal na selyula na nagsisilbing interface sa pagitan ng dugo at dingding ng mga arteryo.

Sa nakaraang sampung taon, akala ng mga siyentipiko na ang endothelium ay isa lamang klase ng pansala ng dugo. Kapag ang taong may mataas na kolesterol sa dugo, ang mga partikulo ng LDL ay tumatagas sa dingding ng arteryo at nananatili doon. Ngayon ay napagalaman na ang endothelium ay may mas malawak na tungkulin. Kapag mayroong mataas na antas ng LDL sa dugo, ang kaunting LDL ay dumadami sa dingding ng artery at nagiging oxidized dulot ng kemikal na reaksyon sa endothelium. Ang oxidized LDL ang sanhi ng pamamaga ng mga arteryo na nagdadala ng dugo sa mga organo at tisyu ng katawan at nagpapataas ng tsansa ng pagkakaroon ng stroke at atake sa puso.

Kaugnayan ng endothelium at inflammatory bowel disease

Ang inflammatory bowel disease (IBD) ay isang komplikadong grupo ng mga sakit na may kinalaman sa pagbabago ng resistensya at pagganap ng tungkulin ng bituka. Habang nagpapatubo ng mga panibagong daluyan ng dugo ang endothelium (angiogenesis), kasabay ang pamamaga dulot ng mga cytokine at chemokine at ito ang nagpapalubha lalo sa IBD.

Ugnayan ng endothelium at platelet activation

May kinalaman ang pag-activate ng mga platelet sa pamumuo ng dugo sa mga daluyan nito.

Ang platelet activation ay nagaganap bilang reaksyon ng katawan sa pinsala. Halimbawa, kapag nasusugatan, ang katawan ay naaalarma at agad na nagpapadala ng mga platelet sa bahaging napinsala. Dahil dito, namumuo ang dugo at napipigilan ang labis na pagdurugo. Gayunman, maari ring maging suliranin ang pamumuo ng dugo sa mga daluyan dahil sa platelet activation sapagkat ito ang nagiging sanhi ng stroke at iba pang karamdaman sa sistemang sirkulatoryo.

Kapag malusog ang endothelium, hindi nagaganap ang platelet activation. Ito ay nagiging possible dahil, bukod sa walang senyales ng pinsala sa katawan, naglalabas ng prostacyclin (prostaglandin I2) ang endothelium. Kapag napinsala endothelium, magaganap ang platelet activation dahil malalantad sa collagen ang mga platelet.

Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.