Epstein-Barr virus

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Infectious Mononucleosis 3.jpg
Ang Epstein-Barr virus (EBV) ay myembro ng pamilya ng Herpes virus at isa sa mga pinaka-karaniwang virus ng tao. Ito ay nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo at karamihan sa mga tao ay nagkakaroon ng impeksyon dulot ng EBV sa isang yugto ng kanilang buhay.

Contents

Sintomas

Kapag ang virus ay tumama sa pasyente, aabutin ng apat hangang anim na linggo bago makita ang mga sintomas. Ang mga batang pasyente ay karaniwang nakikitaan ng hindi tiyak na sintomas (asymptomatic). Sa bihirang pagkakataon, ang mga batang pasyente ay maaaring magkaroon ng mga pantal, pneumonia at mababang bilang ng puting selyula ng dugo.

Ang mga binata't dalaga at iyong medyo mas nakakatanda ay maaaring magkaroon ng mononucleosis. Ang malalang mononucleosis ay nagdudulot ng pananakit ng lalamunan, lagnat, at pamamaga ng mga kulani. Ang pananakit ng lalamunan ay karaniwang dahilan kung bakit nagpupunta sa doktor ang mga pasyenteng may impeksyon.

Ang mga tonsil ay maaaring mamaga at karaniwang nararanasan ang kawalan ng gana sa pagkain, [[[pagkahapo]], panginginig, pananakit ng ulo, bloating o pamamaga, at pagpapawis. Ang mga sintomas ay maaaring mawala makalipas ang ilang araw o linggo. May mga ibang pasyente na dumadaing ng pagkahapo na tumatagal ng ilang linggo pagkatapos ng impeksyon. Kapag ang virus ay nasakop sa sistemang imyuno, ang pasyente ay gagaling.

Sanhi at panganib

Ang Epstein-Barr virus ay isang nakakahawang virus na kumakalat mula sa isang pasyente patungo sa ibang pasyente. Ang virus ay may taglay na double-stranded DNA na dumadami sa mga lymphocyte (uri ng puting selyula ng dugo) at ibang selyula tulad ng nakalinya sa bibig. dila, at ilong. Karaniwang kaya ng sistemang imyuno na sugpuin ang virus. Pinapababa nito ang virus ngunit hindi lubusang natatanggal. May kaunting nabubuhay na virus na pang habangbuhay na nagpupursigi sa isang linya ng lymphocytes. May ilang pagkakataon naman kung saan ang virus ay dumadami ngunit hindi ito nagdudulot ng sintomas maliban kung ang sistemang imyuno ay hindi gumagana ng mabuti.

Maaaring maapektuhan ng Epstein-Barr virus ang kahit sinong tao ngunit mas karaniwang nagkakaroon ng impeksyon ang mga taong nasa pagitan ng edad 10 hanggang 35, lalo na ang mga teenagers. Maaari itong maging isang kaso o maging epidemya.

Ang panahon ng incubation ng Epstein-Barr virus ay mula pito hangang 14 na araw sa mga bata at at nagbibinata at nagdadalaga. Mas matagal ang panahon ng incubation sa mga matatanda na maaaring umabot mula 30 hangang 50 araw. Kapag ang virus ay nagtagal ng anim na buwan, karaniwang tinuturing na talamak na ang impeksyon.

Kumakalat ang mononucleosis sa pamamagitan ng basa o likido mula sa bibig at lalamunan ng taong may impeksyon. Maaaring mahawa ang ibang tao dahil sa halikan, paggamit ng iisang baso o kubyertos, o paghawak ng anumang bahay na naging malapit sa bibig ng taong mgay impeksyon.

Pagsusuri

Ang pagsusuri ng mononucleosis ay nagsisimula sa pisikal na eksaminasyon. Maghahanap ang doktor ng mga palatandaan tulad ng lagnat, pamamaga ng lalamunan, pamamaga ng kulani sa leeg at paglaki ng apdo. Maaaring makita ang mga pulang tuldok (petechiae) sa ngalangala. Hangang kalahati ng taong may impeksyon ay makikitaan ng paglaki ng apdo at 10% ay makikitaan ng paglaki ng atay sa eksaminasyon.

Ang pasyente na pinaghihinalaang may mononucleosis ay maaaring dumaan sa isang eksaminasyon ng dugo para sa bilang ng dugo at "mono spot" na eksaminasyon. Kapag ang "mono spot" ay positibo, kumpirmado ang pagsusuri. Ang "mono spot" ay maaaring may maling negatibong resulta sa mga batang mababa sa edad ng 4 or sa mga matatanda. Maaaring makatulong na ulitin ang eksaminsyon sa mas malaon . Ang ibang mga viruses at pathogens ay maaaring magdulot ng sakit na may pagkahawig sa mononucleosis (tulad ng Cytomegalovirus, Adenovirus, at Toxoplasma). Karagdagang dugo ay maaaring kunin sa pasyente upang masuri para sa ibang pathogens.

Lunas

Walang tiyak na gamot na maaaring gamitin para sa pagamot ng mononucleosis. May mga doktor na gumagamit ng corticosteroid para gamutun ang pamamamga ng lalamunan o paglaki ng apdo ngunit ang steroid ay hindi kailangan ng mas nakakaraming mga pasyente. Ang medikasyong antiviral ay maaaring makatulong kasama na ang acyclovir, ganciclovir, at foscarnet.

Posibleng komplikasyon

Ang komplikasyon ng pangunahing EBV na impeksyon ay hindi karaniwan ngunit maaaring magdala ng panganib sa buhay kapag hindi nabigyan ng lunas. Ang pagkawasak ng apdo ay nangyayari sa isa hanggang dalawang kaso sa bawat 1,000 kaso ng infectious mononucleosis (karaniwan nangyayari sa mga lalaking pasyente).

Ang pangalawang mapanganib na komplikasyon ay pagkabara ng daluyan ng hangin dahil sa paglaki ng kulani at pamamaga ng tisyu sa palibot ng daluyan ng hangin.

May mga kaso ng kanserat ibang seryosong kondisyon na inuugnay sa EBV tulad ng mga sumusunod:

  • Nasopharyngeal carcinoma
  • EBV-associated non-Hodgkin lymphoma
  • Pambihirang kaso ng T cell lymphoma

Pag-iwas

Dahil 95% ng mga tao ay maaaring magkakaroon ng EBV, mahirap maiwasan ang ganitong impeksyon. Pinapayuhan ang pasyenteng mayroong mononucleosis na huwag magbigay o magabuloy ng dugo hanggang sa pang-anim na buwan pagkatapos gumaling. Ang mga taong nagkaroon ng hepatitis dulot ng EBV ay karaniwang hindi pinapayagan na magbigay ng dugo.

Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.