Gastroenteritis

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Gastroenteritis.jpg
Ang gastroenteritis ay isang impeksyon na nagiging sanhi ng pangangati at pamamaga ng tiyan at bituka. Kilala rin ito bilang "stomach flu" kahit na walang kinalaman ang sintomas ng trangkaso sa gastrointestinal tract. Madalas din na napapagkamalang "food poisoning" dahil dulot ito ng kontaminadong pagkain at tubig.

Contents

Mga apektado

  • Kahit sinong edad kahit mga sanggol at bata
  • Mga manlalakbay
  • Mga naospital o umiinom ng antibiotic o iba pang gamot
  • Mga lumalangoy o naglalaro sa tubig
  • Mga kumain ng pagkaing hindi maayos ang preparasyon at pagluluto
  • Mga taong may mahinang immune system

Sintomas

  • Pagtatae
  • Sakit ng tiyan na darating, titindi ang sakit hanggang magtae at pagkatapos ay huhupa hanggang mauulit muli.
  • Pamamaga o bloating
  • Pagkahilo na maaring mayroon o walang kasamang pagsusuka
  • Lagnat na mababa sa 100 F (37.7 C)

Kailangang magpunta agad sa ospital kapag ang mga sumusunod ay nararanasan:

  • Dugo sa suka o dumi
  • Pagsusuka ng higit pa sa 48 oras
  • Lagnat na mas mataas kaysa sa 101F (40C)
  • Dehydration – Maaring makaranas ng panghihina, kaunting ihi, tuyong balat at bibig, at kakulangan pawis at luha.

Ang kalubhaan ng nakakahawang gastroenteritis ay depende sa kakayahan ng immune system upang labanan ang impeksiyon. Maaaring mawala ang mahalagang electrolytes, kasama na ang mahahalagang elementong sodium at potassium) sa katawan dahil sa pagsusuka at pagtatae.

Sanhi

Virus

  1. Norovirus - Pinakamadalas na sanhi; malubhang makahawa at mabilis na kumakalat.
    • Kontaminadong pagkain at inumin.
    • Paghawak sa mga bagay na kontaminado at pagkatapos ay ang paglalagay ng mga kamay o daliri sa bibig.
    • Direktang ugnayan sa isang nahawaang indibidwal (pag-aalaga o pagbabahagi ng mga pagkain, inumin, at kasangkapang pangkain sa isang apektadong indibidwal).
    • Pagkakalantad sa mga nahawaang mga indibidwal at mga bagay sa daycare centers at nursing homes.
    • Madalas na napapabalita sa mga cruise ship kung saan nasa iisang confined na lugar ang madaming tao.
  2. Rotavirus - Nangungunang sanhi ng malubhang pagtatae sa mga sanggol at maliliit na bata.
  3. Adenovirus - Karaniwang nagiging sanhi rin ng respiratory disease, impeksyon sa bato at pantog, at mga pagpapantal.
  4. Parvovirus
  5. Astrovirus - Ikatlong pinakamadalas na sanhi ng gastroenteritis sa mga sanggol.

Bacteria

  1. Staphylococcus aureus o Staph - Karaniwang uri ng pagkalason sa pagkain.
  2. Escherichia coli o E. coli - Maaaring maging sanhi ng komplikasyon sa humigit-kumulang 10% ng mga apektadong mga indibidwal. Halimbawa nito ang kidney failure sa mga bata o hemolytic-uremic syndrome (HUS), madugong pagtatae, at thrombotic thrombocytopenic purpura (TTP) sa mga matatanda.
  3. Salmonella - Nakukuha sa kontaminadong pagkain o tubig at paghawak ng manok o reptilya tulad ng pagong na nagdadala ng mga mikrobyo.
  4. Campylobacter
    • Pagkain ng hilaw o di-lutong karne ng manok at cross-contamination ng iba pang mga pagkain.
    • Ang mga sanggol ay maaaring maimpeksiyon sa paghawak sa pakete ng manok mula sa mga shopping cart.
    • Kaugnay sa unpasteurized na gatas o kontaminadong tubig.
    • Maaaring kumalat sa mga tao sa pamamagitan ng paghawak sa kontaminadong dumi ng alagang hayop na may sakit.
    • Sa pangkalahatan, hindi ito naililipat sa pamamagitan ng person-to-person transmission.
  5. Shigella
    • Karaniwang kumakalat mula sa isang nahawaang tao sa iba pang tao.
    • Nasa dumi ng mga nahawaang indibidwal habang ang mga ito ay may sakit, at hanggang sa 1-2 na linggo matapos ang pagkakaroon ng impeksiyon.
    • Maaaring makuha mula sa kontaminadong pagkain at inumin, sa paglangoy o paglalaro sa kontaminadong tubig (halimbawa, mga wading pool o iba pang pampublikong liguan).
    • Maaari ring kumalat sa mga lalaking nakikipagtalik sa iba pang lalake
  6. Clostridium difficile

Parasitikong protozoan

  1. Giardia
    • Pinakamadalas na sanhi ng waterborne diarrhea na nagiging sanhi ng giardiasis o beaver fever.
    • Galing sa paglunok ng tubig na kontaminado ng dumi ng hayop at inilalabas sa dumi.
  2. Cryptosporidium
    • Parasitikong nakatira sa bituka ng apektadong tao o hayop at inilalabas sa dumi.
    • Nakukuha sa paglunok ng kontaminadong recreational water, mga inumin, o pagkain ng hilaw na pagkain at hindi nalinis na prutas at gulay.
    • Kumakalat sa paghawak ng mga kontaminadong bagay sa palikuran, laruan, diaper pails, diaper changing tables, pagpapalit ng lampin, pag-aalaga sa isang nahawaang indibidwal, o paghawak ng isang nahawaang baka o guya.

Iba pang mga sanhi

  • Chemical toxins na madalas matatagpuan sa mga pagkaing-dagat..
  • Food allergy
  • Heavy metals
  • Antibiotics at iba pang mga gamot

Komplikasyon

  • Dehydration
  • Kamatayan lalo na para sa mga sanggol at bata

Diagnosis at pagsusuri

Lunas

Sa bahay

Ang paggamot ng gastroenteritis ay naglalayong ma-hydrate ang katawan. Dahil ang karamihan sa mga sanhi ng gastroenteritis ay dahil sa mga virus, ang pagpapalit ng likidong nawala dahil sa pagsusuka at pagtatae ay nagpapahintulot sa katawan na mabawi at malabanan ang impeksiyon.

Kritikal na mabigyan ng inumin, kahit paunti-unti lamang, ang mga apektado lalo na ang mga bata at sanggol na hirap tumanggap ng likido dahil sa pagsusuka. Gayunman, ang pagbibigay ng masyadong maraming likido sa isang panahon ay maaaring maging sanhi ng dagdag na pagsusuka dahil sa isang distended na tiyan.

Hindi maaaring isama ang carbonated na inumin ngunit ang mga cola o salabat na wala ng soda ay madalas na kaya nang inumin. Ang cola syrup ay maaari ring makatulong sa pag-aayos ng tiyan.

Ang mga gulaman at popsicles ay maaaring maging alternatibo sa "solid food" at mga clear fluids sa mga bata na hindi nais uminom ng tubig o humigop ng sabaw.

Dehydration sa mga bata

  • Oral rehydration therapy gamit ang balanseng electrolyte solution
  • Hindi nirirekomenda ang tubig lamang dahil ito ay maaaring magpalabnaw ng electrolytes sa katawan at maging sanhi ng komplikasyon tulad ng seizures dahil sa mababang sodium content.
  • Kailangan ang madalas na paunti-unting pagpapakain o pagpapainom.
  • Hindi dapat ibigay ang bote sa sanggol para lamang sa pagpawi ng uhaw dahil ang mabilis, maramihan, at biglaang paginom ay maaaring maging sanhi ng pagsusuka.
  • Kailangang limitahan ang dami ng likido na ibibigay sa isang panahon.

Bagamat may iba't-ibang mga pamamaraan na ginagamit sa paglaban sa dehydration, lahat ay alinsunod sa isang basic format:

  • Magbigay ng 1/3 ng isang onsa (5-10 cc) ng likido sa isang panahon. Maghintay ng 5-10 minuto tapos ulitin.
  • Kung ito ay kinaya ng walang pagsusuka, taasan ang dami ng mga likido sa 2/3 ng isang onsa (10-20 cc). Maghintay at ulitin.
  • Kung kaya, dagdagan pa ang likidong inaalok hanggang sa 1 onsa (30 cc) sa isang panahon.
  • Kung may pagsusuka, bumalik sa 1/3 ng isang onsa (5-10 cc) at gawin uli ang lahat.
  • Kapag kaya na ng bata na makainom o makahigop ng sapat na dami ng likido, maaaring magalok na ng mas solid na pagkain.
  • Hydration muna ang mas mahalaga kaysa sa nutrisyon.

Para sa mga sanggol at mga bata, maaaring bantayan ang fluid sa katawan sa pamamagitan ng pagbabantay sa alas at dami ng ihi, laway sa bibig, luha, at pawis sa kili-kili o singit.

Kung alam ang timbang ng bata, ang dehydration ay maaaring masukat sa paghahambing ng timbang.

Ang medikal na pangangalaga ay dapat makuha agad, kung ang bata ay walang sigla, nanlalambot o hindi na mukhang kumikilos tulad ng kanilang normal gawain.

Dehydration sa mga may gulang

Kahit na ang mga matatanda at kabataan ay may mas malaking reserba ng electrolyte kaysa mga sanggol at bata, ang electrolyte imbalance at dehydration ay maaari pa ring maganap dahil sa pagsusuka at pagtatae. Ang malulubhang mga sintomas at dehydration ay karaniwang lumilitaw bilang komplikasyon ng mga ginagamit na gamot o malalang sakit tulad ng diabetes o kidney failure. Gayunpaman, ang mga sintomas ay maaaring mangyari din sa malusog na tao.

  • Malinaw na likido ang iinumin sa unang 24 na oras upang mapanatili ang sapat na hydration.
  • Matapos ang 24 oras ng liquid diet na walang pagsusuka, sisimulan ang pagkain ng mga malalambot at walang pampalasang solidong pagkain tulad ng BRAT diet (banana, rice, apple, at toast)

Sa ospital

  • Intravenous feeding' para sa mabilis na rehydration
  • Sa mga sanggol, depende sa antas ng dehydration, ang pagbigay ng intravenous fluids ay maaaring ipagpaliban muna upang masubukan ang oral rehydration therapy at madalas na paunti-unting feedings simula sa isang 06/01 onsa (5 cc) sa isang panahon.

Mga karaniwang gamot

  • Walang gamot para sa impeksyong dulot ng virus at karaniwang nawawala ito ng kusa.
  • Zinc supplement
  • Probiotics
  • Antibiotics para sa impeksyong dulot ng bacteria at mga parasitiko
  • Gamot laban sa pagsusuka o antiemetics - Inireseta bilang isang suppository at karaniwang hindi inirerekomenda para sa mga sanggol at ibinibigay naman sa mas mababang dosis sa mga mas matandang bata.
  • Gamot na laban sa pagtatae - Hindi karaniwang inirerekomenda kung ang impeksyon ay kaugnay ng isang lason na nagiging sanhi ng pagtatae.
  • Mahalaga ang pagpapakunsulta sa doktor upang malaman muna ang sanhi ng pagtatae.

Pagkatapos ng sakit

Kailangang gawin ang mga sumusunod:

  • Huwag agad kumain ng madami at ng malasa at mamantikang mga pagkain.
  • Huwag uminom ng alak o maglalasing.
  • Iwasan ang paninigarilyo.
  • Unti-untiin ang pagkain ng sari-saring pagkain.
  • Umiwas sa sariwa o hindi lutong pagkain at mga pagkaing dagat.
  • Magpasuri sa doktor bago bumalik sa trabaho pagkatapos ang pagkakasakit lalo na kung ang trabaho ay may kinalaman sa paghahanda ng pagkain.

Pag-iwas

Ang pag-iwas sa gastroenteritis ay nakasalalay sa pagpigil ng pagkalat ng mga organismong nakakaimpeksyon.

Kalinisan

  • Pag-iwas sa direktang kontak sa mga nahawaan hangga't maaari.
  • Maingat na maghugas nganumang kasangkapan bago gamitin sa pagkain o paghahanda ng pagkain.
  • Palagian paghugas ng kamay lalo na bago kumain at pagkatapos ng anumang ugnayan sa isang nahawaang tao o mga bagay (damit, kumot, o laruan) na ginamit ng may-sakit.
  • Paglalaba at pag-bleach ang mga damit na sinuot ng nahawaang tao o iyong nadumihan ng tae.

Tamang pagkain, inumin at preparasyon

  • Paninigurong malinis at maayos na inihanda ang nilutong pagkain.
  • Hindi pagkain ng mga pagkaing hilaw o kulang sa luto, lalo na kung ito ay karne.
  • Hindi pag-inom ng anumang untreated o unpasteurized fluids lalo na kung ito ay gatas.
  • Paninigurong malinis ang iniinom na tubig

Sa paglalakbay

  • Pag-iwas sa lahat ng hilaw na pagkain.
  • Pag-inom lamang mula sa selyadong nakabote at gumamit ng nakaboteng tubig para sa pagsisipilyo at pagmumumog.
  • Sa panahon ng mga baha at tag-ulan, mahalagang iwasang dumaan sa baha nang walang proteksyon sa katawan.
  • Paghuhugas ng mabuti pagkatapos dumaan sa lugar na madumi o masukal na lugar.
  • Paligo at pagpalit agad ng damit pagkatapos maglakbay at bago kumain.
  • Pagpapabakuna lalo na para sa Vibrio cholerae bago pa maglakbay sa mga lugar na may panganib ng impeksyon.

Sa mga bata at sanggol

  • Paglangoy sa malinis na paliguan lamang.
  • Pag-iwas sa paglalaro sa tubig-ulan, tubig-kanal, o baha.
  • Palagiang pagsusuot ng sapatos o tsinelas.
  • Pagpapabakuna ng mga sanggol laban sa rotavirus.

Sanggunian