Kanser sa balat

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Basal cell carcinoma.jpg
Ang kanser sa balat ang pinaka-karaniwang uri ng kanser ng tao. Mahigit na isang milyon na bagong kaso nito ang naitatala bawat taon. Ito ang abnormal na pagtubo ng selyula sa balat at karaniwang nangyayari sa balat na nakalantad sa araw tulad ng anit, mukha, labi, tainga, leeg, dibdib, braso, kamay, at binti. Gayunman, maaari din itong maranasan sa parte ng balat na hindi nalalantad sa araw tulad ng palad, ilalim ng kuko sa kamay at paa, at sa maseselang bahagi.

Contents

Uri

Ang kanser sa balat ay tumutukoy sa tatlong iba’t ibang kondisyon at nakatala ito sa ibababa mula sa hindi masyadong malala hangang sa pinaka-delikado:

  1. Basal-cell carcinoma (BCC) – Ito ang pinakakaraniwang uri ng kanser sa balat. Ito ay karaniwang hindi kumakalat sa ibang parte ng katawan ngunit maaaring magdulot ng pinsala kapag lumaki at sumalakay sa mga kalapit na tisyu.
  2. Squamous-cell carcinoma
  3. Melanoma

Sintomas

Basal-cell carcinoma

Ang basal-cell carcinoma ay madalas mangyari sa mga parte ng katawan na parating nakalantad sa araw tulad ng leeg at mukha. Ito ay maaaring lumitaw bilang:

  • Mala-perlas o wax na umbok sa balat.
  • Patag na sugat na maaaring kakulay ng balat o kulay kape.

Squamous-cell carcinoma

Karaniwang nararanasan ang squamous-cell carcinoma sa mga lugar na madalas malantad sa araw tulad ng mukha, tainga , at kamay. Ang mga taong may maitim na balat ay may maaaring magkaroon ng squamous-cell carcinoma sa mga lugar ng katawan na hindi karaniwang nakalantad sa araw tulad ng binti at paa. Ito ay maaaring lumitaw bilang:

  • Matigas at mapulang bukol sa balat.
  • Patag na sugat na parang may kaliskis sa ibabaw.

Melanoma

Ito ay maaaring lumitaw sa kahit anong parte ng katawan. Ang melanoma ay maaaring umusbong sa normal na balat o mula sa isang nunal na nagkaroon ng kanser. Madalas na nagkakaroon ng melanoma sa ulo o leeg ng apektadong lalaking pasyente. Sa babaeng pasyente, ang ganitong klase ng kanser ay maaaring umusbong sa mas mababang parte ng binti. Sa bawat kasarian, ang melanoma ay maaaring umusbong sa balat na hindi karaniwang lantad sa araw. Ang melanoma ay maaaring makaapekto sa kahit anong kulay ng balat. Ang mga taong may maiitim na balat ay maaaring magkaroon ng melanoma sa palad o sakong o ilalim ng mga kuko. Ang melanoma ay maaaring lumitaw bilang:

  • Malaking kulay kape na batik o pantal sa balat
  • Nunal na nag-iiba ng kulay, laki, at pakiramdam o nagdurugo
  • Maliit na sugat na may iregular na gilid na maaaring may parte na kulay pula, puti, asul, o itim.
  • Maitim na sugat sa palad, sakong, dulo ng daliri, o mucous membranes lining ng bibig, ilong, puki, o puwit

Iba pang sintomas

Ang mga sumusunod ay sintomas ng hindi masyadong karaniwang uri ng kanser sa balat:

  1. Kaposi's sarcoma – Ito ay bihirang uri ng kanser sa balat na nangyayari sa daluyan ng dugo ng balat at nagdudulot ng pula o kulay ube na tagpi sa balat o mucous membranes. Ang mga taong mayroong mahinang sistemang imyuno, tulad ng mga pasyenteng mayroong AIDS, iyong mga tumatangap ng medikasyon na sumusugpo ng natural na imyuno, at mga pasyente na sumailalim sa organ transplant ay maaaring magkaroon ng Kaposi sarcoma.
  2. Merkel cell carcinoma – Nagdudulot ito ng matigas at makintab na nodules sa taas o bandang ibaba ng balat o hair follicles. Karaniwan itong umuusbong sa leeg, braso, o binti.
  3. Sebaceous gland carcinoma – Ito ay hindi karaniwan ngunit agresibong kanser ng balat sa oil glands ng balat. Ang sebaceous gland carcinoma ay matigas, hindi masakit na nodules na karaniwang umuusbong sa talukap ng mata na napagkakamalang problema sa talukap.

Sanhi at panganib

Ang kanser sa balat ay sanhi ng pagkakamali o mutations sa DNA ng selyula ng balat. Ang mutations ay nagdudulot sa selyo na lumaki at maging selyo ng kanser.

Ang mga sumusunod ay nagpapataas ng panganib na magkaroon ng basal-cell carcinoma:

  • Paglantad sa araw – May ebidensya na nagpapatunay na ang paglantad sa araw, kahit hindi tuloy-tuloy, ay maaaring magpataas ng panganib ng basal cell carcinoma. Ang ultraviolet (UV) radiation mula sa araw ay maaaring magdulot ng kanser sa balat.
  • Lugar kung saan nakatira – May mga lugar sa mundo na nakakatangap ng mas mataas na antas ng UV radiation mula sa araw.
  • Edad – Ang kanser sa balat ay karaniwang nangyayari pagktapos ng edad 50 ngunit ang nakakapinsalang epekto ng araw ay nagsisimula sa batang edad.
  • Paglantad sa UV – Maaaring magkaroon ng kanser sa balat dahil sa paglantad sa UV radiation tulad ng nakukuha sa tanning booths.
  • Therapeutic radiation – Tulad ng binibigay bilang lunas sa ibang uri ng kanser.

Pagsusuri

Maaaring isagawa ng doktor ang mga sumusunod upang masuri kung ang pasyente ay mayroong kanser sa balat:

  • Eksamen sa balat – Maaaring tignan ng doktor ang balat upang malaman kung may mga pagbabago sa balat na maaaring hudyat ng kanser sa balat.
  • Pagkuha ng halimbawa ng kaduda-dudang balat para sa biopsy ng balat. Ang biopsy ay makakatulong upang matukoy kung ang pasyente ay mayroong kanser sa balat.
  • Pagtukoy sa lubha ng kanser sa balat – Maaaring magsagawa ang doktor ng karagdagan mga eksaminasyon upang malaman kung gaano na kalala ang kanser sa balat. Makakatulong ito upang matukoy ang pinakaepektibong paraan ng lunas para sa naturang kanser.

Lunas

Ang lunas para sa kanser sa balat at precancerous na sugat sa balat na actinic keratoses ay maaaring iba-iba, depende sa laki, klase, lalim, at lokasyon ng sugat. Ang maliit na kanser sa balat na limitado sa taas ng balat ay maaaring hindi mangailangan ng ibayong gamutan maliban sa unang biopsy upang tangalin ang buong pagtubo.

Ang mga sumusunod ay iba pang posibleng paraan sa paggamot sa kanser:

  • Freezing o pagpapa-yelo – Maaaring sugpuin ng doktor ang actinic keratoses at ibang maliliit at maagang kanser sa balat sa pamamagitan ng pagyeyelo gamit ang likidong nitrogen (cryosurgery). Ang patay na tisyu ay natatangal kapag nalulusaw.
  • Excisional surgery – Ang paraan na ito ay maaari sa kahit anong klase ng kanser sa balat. Tinatanggal ng doktor ang tisyu na mayroong kanser at parte ng nakapalibot na malusog na balat.
  • Lasery therapy – Maaaring gumamit ang doktor ng mabisang liwanag ng ilaw upang puksain ang mga lumalaking tisyu na mayroong kanser. Ginagamit ito para sa mga mababaw na kanser sa balat.
  • Mohs surgery – Ginagamit ang Mohs surgery sa mga malalaki, pabalik-balik, at mahirap gamutin na uri ng kanser sa balat. Maaaring tanggalin ng doktor ang parte ng balat at eksaminin ito sa ilalim ng mikroskopyo. Ang paraang ito ay nakakatulong sa pagtanggal ng selyong may kanser ng hindi kailangan ang pagtanggal sa sobrang bahagi ng malusog na balat na nakapaligid dito.
  • Curettage at electrodesiccation – Ang simpleng paraan na ito ay maaaring gamitin sa maliit o patag na basel cell na kanser o squamouse cell na kanser.
  • Radiation therapy – Ang radiation theray ay maaaring irekomenda ng doktor kapag ang operasyon ay hindi tinuturing alternatibo.
  • Photodynamic therapy (PDT) – Ang paraan na ito ay pumupuksa sa mga selyula ng kanser na gumagamit ng kombinasyon ng ilaw na laser at medikasyon.
  • Biological therapy - Naguudyok ito sa sistemang imyuno na sugpuin ang selyulang may kanser.

Posibleng komplikasyon

Ang mga sumusunod ay maaaring komplikasyon ng kanser sa balat:

Pag-iwas

Ang mga sumusunod na paraan ay maaaring makatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng kanser sa balat:

  • Iwasan ang paglantad sa sikat ng araw sa kalagitnaan ng araw. Ang sikat ng araw ay pinakamatindi sa pagitan ng 10 a.m. at 4 p.m.
  • Ugaliin ang paglagay ng sunscreen bago lumabas ng bahay.
  • Mag-suot ng damit na maaaring magbigay ng proteksyon tulad ng damit na may mahabang manggas, pantalon, mahabang palda, malapad na sombrero, at sunglasses.
  • Iwasan ang pagpunta sa mga tanning salons.
  • Maging maingat sa paggamit ng mga medikasyon na sensitibo sa araw.
  • Regular na siyasatin ang balat at i-ulat ang anumang pagbabago sa doktor tulad ng pagtubo ng umbok sa balat, pagbabago sa nunal at mga marka sa balat.

Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.