Kurdong panggulugod

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Dissection of spinal cord.jpg
Ang kurdong panggulugod ay konektado sa utak at kasama sa bumubuo ng sistemang nerbiyos. Iniuugnay nito ang utak sa katawan. Ang kurdong panggulugod ay pinapalibutan ng malinaw na likidong tinatawag na cerebral spinal fluid (CSF). Ang CSF ay nagsisilbing proteksyon sa maselan na tisyu ng kurdong panggulugod.

Ang kurdong panggulugod ay may haba na 45 sentimetro sa lalaki at 43 sentimentro sa babae. Mas maiksi ang haba ng kurdong panggulugod sa haba ng gulugod. Ang gulugod ang nagproprotekta sa kurdong panggulugod.

Ang kurdong panggulugod ay binubuo ng milyon-milyong ugat na nangangasiwa sa paggalaw ng katawan ng tao. Ang mga ugat ay nagdadala ng elektrikal na impormasyon sa mga organo ng katawan at pabalik sa utak. Ang mga nerbyo at ugat na palabas sa itaas na bahagi ng kurdong panggulugod at leeg ay kumokontrol sa paghinga at sa paggalaw ng mga braso. Ang mga nerbyo at ugat na palabas sa gitna at ibabang bahagi ng kurdong panggulugod ay nagkokontrol ng torso ng katawan, mga binti, pantog, pati ang mga gawain na pagdumi at pag-ihi.

Ang mga nerbyo at ugat na nagdadala ng impormasyon mula utak hanggang kalamnan ay ang motor neurones. Ang mga nerbyo at ugat na nagdadala ng impormasyon mula katawan hanggang utak ay ang sensory neurones.

Contents

Mga nerbyo ng kurdong panggulugod

Mayroong apat na grupo ng nerbyo sa kurdong panggulugod. Sila ay lumalabas sa iba't ibang bahagi ng kurdong panggulugod. Mayroong 31 pares ng nerbyo sa kurdong panggulugod.

  1. Cervical Nerves. Ang mga nerbyo sa leeg ay nakapagpapagalaw at nagbibigay pakiramdam sa braso, leeg at itaas na bahagi ng torso ng katawan. Ito rin ang kumokontrol sa paghinga.
  2. Thoracic Nerves. Ang mga nerbyo sa itaas na bahagi ng likod ng torso ay kumokontrol sa torso at tiyan.
  3. Lumbar Nerves at Sacral Nerves. Ang mga nerbyo sa ibabang bahagi ng likod ng torso ay kumokontrol sa binti, pantog, organong reproduktibo.

Pinsala sa kurdong panggulugod

Ang pagkakaroon ng pinsala sa kurdong panggulugod ay madalas na nagdadala ng permanenteng pagbabago sa lakas, pandama at iba pang gawain ng katawan. Ang kakayahan na galawin ang katawan pagkatapos ng pinsala sa kurdong panggulugod ay nakaasa sa lugar ng pinsala sa kurdong panggulugod at kalalaan ng pinsala. Ito ay may dalawang uri:

  1. Complete. Ang pinsala ay tinuturing na kompleto kung halos lahat ng pandamdam at kakayahang gumalaw sa ibaba ng apektadong bahagi ng kurdong panggulugod ay nawala.
  2. Incomplete. Kapag may kakayahang gumalaw o makaramdam sa ibaba ng apekatadong bahagi ng kurdong panggulugod, ito ay incomplete.

Ang paralisis mula sa pinsala ng kurdong pangulugod ay maaari ring tawagin na:

  1. Tetraplegia o quadriplegia. Ito ang pinsala na nakaaapekto sa braso, kamay, torso, binti at organo sa balakang.
  2. Paraplegia. Ito ang paralisis na nakaaapekto sa lahat o bahagi ng torso, binti at orano sa balakang.

Sintomas ng pinsala sa kurdong panggulugod

  • Kawalan ng kakayahang gumalaw
  • Kawalan ng kakayahan ng pandama (tulad ng hindi makaramdam ng init at lamig)
  • Kawalan ng pagkontrol sa pagdumi at pag-ihi
  • Matinding mga spasm
  • Matinding pananakit
  • Kahirapan sa paghinga at pag-ubo
  • Panghihina ng katawan at paralisis sa kahit anong bahagi ng katawan
  • Kahirapan sa paglalakad

Sanhi ng pinsala sa kurdong panggulugod

Ang mga karaniwang sanhi ng pinsala sa kurdong panggulugod ay:

  • Aksidente sa mga sasakyang de-motor tulad ng kotse at motorsiklo
  • Pagbagsak o pagdapa
  • Abuso sa katawan tulad ng sugat dulot ng pagkasaksak o pagkabaril
  • Pinsala sa paglaro
  • Pag-abuso sa alak
  • Sakit tulad ng kanser, arthritis, osteoporosis at pamamaga ng kurdong panggulugod

Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.