Laway

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang laway ay isang complex na likido na inilalabas sa bibig ng salivary glands. Ang basic seretory units ng salivary glands ay ang mga tumpok ng selyula na tinatawag na acini. Ang mga cells na ito ay naglalabas ng likido na may halong tubig, electrolytes, mucus at enzymes.

Ang paglabas ng laway ay kinokontrol ng autonomic nervous system.

Mayroong 3 pares ng mahabalagang salivary glands: ang parotid glands na matatagpuan sa likod ng panga sa unahan ng tenga, ang submandibular at sublingual glands na matatagpuan sa ilalim ng panga at dila. Ang parotid glands ay naglalabas ng laway na may matubig na consistency samantalang ang sublingual at ang sublingual at menor na salivary glands at naglalabas ng mas malapot na likido. Ang mga menor na salivary glands ay matatagpuan sa loob ng bibig, malapit sa labi, pisngi, dila at palate.

Sa loob ng daluyan ng likido, ang komposisyon ng paglabas nito ay naiiba. Ang sodium ay aktibong nasisipsip, ang potassium at ang malaking kantidad ng biocarbonate ay inilalabas.

Gamit

  • Lubrication at binding - Ang mucus sa laway ay epektibong pambigkis ng durog na durog na pagkain. Tinutulungan nito ang nanguyang pagkain para dumulas sa esophagus. Binabalutan din ng laway ang oral cavity at esophagus para hindi dumampi ang pagkain sa epithelial cells sa tisyu nito.
  • Pag-solubilize ng tuyong pagkain - Upang malasahan ang pagkain, kinakailangan itong i-solubilize sa pamamagitan ng laway.
  • Pangangalaga ng bibig - Tinutulungan ng laway ang oral cavity sa paglinis ng bibig mula sa food debris. Sa pagtulog, nababawas ang laway at ito nag nagreresulta sa pagdami ng bakterya sa bibig na nagiging dahilan ng pagbaho ng hininga. Ang laway ay may taglay ding lysozyme, isang enzyme na pinapatay ang bakterya at iniiwasan ang pagtubo ng populasyon ng mikrobyo sa bibig.
  • Nagsisimula ng pagtunaw ng starch - Karamihan ng mga organismo ang cerous acinar cells ay naglalabas ng alpha-amylase na tumutunaw sa dietary starch upang maging maltose. Ang amylase ay matatagpuan sa maliit na antas sa laway ng mga carnivore at baka.
  • Nagbibigay ng alkaline bufering at likido - Ito ay mahalaga sa mga hayop tulad ng baka na walang non-secretory fore stomachs.
  • Pampalamig ng temperatura - Ito ay mahalaga sa mga aso dahil sila ay may mahinang sweat glands.

Sakit

Ang sakit sa salivary glands ay hindi pangkaraniwan sa tao at hayop. Ang labis na paglalaway ay sanhi ng sugat sa oral cavity. Ang labis na paglalaway naman ng mga hayop na may rabies ay hindi dahil sa sobrang paglalaway kundi sa pharyngeal paralysis na pumipigil para malunok ang laway.

Sanggunian