Malaking bituka

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang malaking bituka (large intestine o large bowel) ay isang organ na hugis tubo na kumukumpleto sa proseso ng panunaw. Ito ay may habang 1.5 metro at binubuo ng caecum, appendix, colon, at rectum na nakapalibot sa abdominal cavity.

Ang pangunahing tungkulin ng malaking bituka ay ang pagsipsip ng tubig mula sa dumi na dadaan dito bago lumabas ng katawan. Ang malaking bituka ay karugtong ng maliit na bituka sa hilaga at 'open air papuntang timog. Pagdating ng dumi sa malaking bituka, ito ay nahuhulog na parang sludge o putik mula sa isang butas. Tumitigas ang sludge na ito sa pagdaan nya sa malaking bituka at pagdating sa rectum, ito ay tuluyang tumitigas kapag nakarating na sa rectum.

Ang malaking bituka ay nakakatulong sa pagsipsip ng tubig at tumutulong sa pagbalanse ng likido sa katawan. Sinisipsip din ng malaking bituka ang Hang bitamina, pinoproseso ang hindi natunaw na materyal tulad ng fiber, at nag-iimbak ng dumi bago ito ilabas mula sa katawan.

Parte ng malaking bituka

  • Caecum - Ang caecum ang unang parte ng malaking bituka. Mukha itong maliit na supot na matatagpuan sa kanang ibabang bahagi ng tiyan. Ito ang nagdudugtong sa maliit na bituka at colon. Ito ay may habang 6 na sentimetro. Tinatanggap at iniimbak ng caecum ang naprosesong materyal galing sa maliit na bituka at dinadala ito pataas sa colon. Sa pagpasok ng naprosesong pagkain sa dulo ng maliit na bituka, isang maliit na valve na naghihiwalay sa maliit at malaking bituka ang nagbubukas. Samantala, ang caecum naman ay lumalaki at tinatanggap ang materyal. Ang pumapasok na materyal sa yugtong ito ay mga hindi natunaw na pagkain tulad ng fiber Hang bitamina, mineral, at salts.
  • Appendix - Ang appendix ay isang maliit na usli o projection na mula sa caecum. Sa mga tao, walang naaambag na tulong ang appendix. Sinasabi na ito ay labi mula sa ebolusyon ng tao. Ang appendix ay maaaring maimpeksyon at mamaga. Ang kondisyong ito ay tinatawag na appendicitis. Kakailanganing tanggalin ang magang appendix sa pamamagitan ng operasyon.
  • Colon - Ang colon ay hugis baliktad na letrang-U at ang pinakamahabang parte ng malaking bituka. Ito ay nahahati sa tatlong seksyon: ang ascending colon na nagsisimula mula sa dulong kanan ng tiyan at pataas patungo sa atay; ang transcerse colon na dumadaan mula kaliwa hanggang kanan ng tiyan; ang descending colon na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng tiyan na pumupunta paibaba; at ang sigmoid colon, ang huling parte ng malaking bituka na matatagpuan sa babang kaliwa ng tiyan. Ang sigmoid colon ay hugis letrang-S na nagdudgtong sa descending colon at rectum. Sa colon nagsisimulang mabuo ang feces o dumi ng tao na nagmula sa halo ng fiber, kaunting tubig, bitamina at iba pa na humalo sa mucus at bakterya na matatagpuan sa malaking bituka. Sa pagdaloy ng feces sa colon, sinisipsip ng lining ng colon ang tubig at ilang bitamina at mineral. Ang bakterya sa colon ay dinudurog ang ilang fiber para gumawa ng sarili nitong nutrients upang mabuhay at tumulong sa pag-aalaga ng cells sa lining ng colon. Ang pagsama ng pagkaing may fiber sa dyeta ay makakatulong sa pag-aalaga ng colon. Ang paggalaw ng muscles ng colon ay nagreresulta sa pagtulak nito sa feces hanggang sa mag-contract ang sigmoid colon at mapunta ang feces sa rectum.
  • Rectum - Ang rectum ang huling parte ng malaking bituka. Dito naiimbak ang feces bago ito lumabas bilang bowel motion.

Mga sakit sa malaking bituka

Sanggunian