Maliit na bituka

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang maliit na bituka ang pinakamahabang parte ng sistemang panunaw. Ito ay may habang 6 na metro at matatagpuan sa gitna ng tiyan. Karamihan sa parte ng maliit na bituka ay nakapulupot at nakalutang sa manipis na patong ng taba na nagbibigay sa maliit na bituka ng flexibility at mobility.

Contents

Gamit

Ang maliit na bituka ang nagtutunaw ng taba, protina at carbohydrates sa pagkain. Ang nutrisyon na nakukuha rito ay nasisipsip sa lining ng maliit na bituka at nalilipat sa daluyan ng dugo.

Parte ng maliit na bituka

  • Duodenum - Ang duodenum ang unang parte ng maliit na bituka. Ito ay matatagpuan sa kanto ng tiyan at ng maliit na bituka. May haba itong dalawampu't limang sentimetro at kawangis nito and letrang C.

Tinatanggap ng duodenum ang malapot na likido ng bahagyang tunaw na pagkain at asido mula sa tiyan. Ang asido ay mabilis na nababalanse sa alkaline environment ng duodenum. Ang duodenum din ang tumatanggap ng bile mula sa gall bladder at iba pang digestive enzymes galing sa tiyan. Ang ilang glands ay naglalabas ng mucus na bumabalot sa digestive mixture para mapadali ang pagdaloy nito. Ang pagkain ay humahalo sa bile, mucus at pancreatic at iba pang digestive enzymes. Ang bigat ng panunaw ng protina, taba at carbohydrates ay nagaganap sa duodenu, bago ito tuluyang mapunta sa maliit na bituka.

  • Jejunum and Ileum - Ang jejunum ang nakapulupot na parte ng maliit na bituka na matatagpuan sa gitna nito. May haba itong 1 hanggang 2 metro. Ang Ileum ang huling parte ng maliit na bituka na ang karugtong na ay ang malaking bituka. Ito ay may habang 2 hanggang 4 na metro. Sa loob ng jejunum at ileum ay matatagpuan ang maliliit na hugis-daliri na bumps na kung tawagin ay villi. Ang villi ang tumutulong sa pagpapalawak ng surface area ng maliit na bituka na tumutulong dito upang makasipsip ng nutrisyon.

Nakukumpleto ang huling yugto ng panunaw sa parteng ito ng maliit na bituka kung saan ang pagkain at likido ay natutunaw upang maging nutrient components tulad ng mas maliit na molecules, bitamina, mineral, salts, at tubig. Sa pagdaloy ng digestive mixture sa maliit na bituka, sisipsiping ng villi ang nutrients at ililipat naman nila ito sa daluyan ng dugo at atay. Ang hindi natunaw na pagkain kasama ng ilang tubig at bitamina ay mapupunta sa malaking bituka.

Sakit sa maliit na bituka

Ang ilang sakit sa maliit na bituka ay:

Sanggunian