Menopause (Filipino)

From Wikihealth
(Redirected from Menopause)
Jump to: navigation, search
Graphics 97F.jpg

Ang menopause o climactric ay panahon ng tuluyang paghinto ng regla ng babae. Pagkaraan ng menopause, hindi na siya puwedeng manganak. Sa pangkalahatan, ang pagbabagong ito sa buhay ng babae ay dumarating sa pagitan ng 40 at 50 taon. Bago tuluyang huminto ang regla, hindi magiging regular nag pagreregla ng babae sa loob ng ilang buwan.

Sa panahon ng menopause, normal lang sa babae na makaramdam ng di mabuti sa katawan—balisa, aburido, at biglang nakakaramdam ng init, may kirot na gumapang sa buong katawan, malungkutin, atbp. Pagkatapos ng menopause, bumubuti na naman ang pakiramdam ng maraming babae.

Kapag malakas ang pagdugo, masakit ang puson sa panahon ng menopause, o dinudugong muli pagkatapos tumigil ng ilang buwan o taon ang regla, dapat magpatingin sa doktor. Kailangan siyang masuri para matigas na walang kanser o iba pang malubhang karamdaman.


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 1 Mayo 2010).