Mga dapat tandaan upang makaiwas sa dengue

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang mga insekto tulad ng lamok at langaw ay ilan sa mga karaniwang tagahatid ng bakterya at sakit sa mga tropikal na lugar tulad ng Pilipinas. Dahil mas mainam ang pag-iwas kaysa paggamot, narito ang ilan sa dapat na tandaan upang maiwasan ang pagkakaroon nito:

  • Ugaliing maglinis at wag nang mag-imba ng lata, bote, lumang gulong, at iba pang sisidlang maaaring mapuno ng tubig ulan at pangitlugan ng lamok. Linisin ang mga plorera at palitan ang tubig nito isang beses kada linggo. Takpan din lagi ang mga imbakan ng tubig.
  • Magtanim ng halamang may insect-repelling properties tulad ng lavender, rosemary, sage, lemon, eucalyptus, cinnamon, peppermint, catnip, citronella, at neem trees.
  • Magsuot ng mahabang polo o pantalon.
  • Magtungo agad sa pinakamalapit na ospital o health center kung may skin rashes o lagnat ng dalawang araw.
  • Tumanggi sa indiscriminate fogging. Inirerekomenda lamang ito kung talagang may dengue outbreak.
  • Gumamit ng mosquito repellants. Mainam din ang natural essential oils tulad ng citronella ngunit tumatagal lamang ito ng ilang oras.



Balita mula kay Deni Rose M. Afinidad-Bernardo. “6 tips to keep your New Year dengue-free”.philSTAR.(Hinango noong ika-11 ng Enero 2017).



Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.