Mucus

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Flu.jpg
Ang mucus ay isang makapal at madulas na pluido na nililikha ng membranes lining ng mga organs na tulad ng ilong, bibig, lalamunan, at ng vagina. Ang salitang mucus ay hango sa Latinong salita na ang ibig sabihin ay semifluid, slimy o madulas na likidong inilalabasng ilong.

Contents

Tungkulin

Ang mucus ang bumabalot at nagpoprotekta ng lining ng mga organ ng katawan. Binibitag nito ang anumang foreign substance na pumasok sa katawan. Isang halimbawa nito ay ang nasal mucus na bumibitag sa mga alikabok at mga allergens upang hindi nito masakop ang respiratory system. Ang mucus ay dinadala ng cilia upang ang tissues ay hindi matuyo.

Ang pangunahing tungkulin ng mucus ay ang pagsala ng hangin na hinihinga ng tao. Ang mga irritants na maaaring mahigop sa paghinga, tulad ng amag, pollen (bulo ng bulaklak), dust mites, dander ng hayop, usok, abo at iba pa ay nabibitag ng mucus upang maprotektahan ang katawan mula sa impeksyon at pamamaga. Ang mucus ay nagsisilbi ding proteksyon laban sa sakit na dulot ng bacteria at virus.

Ang mucus ay nagpapanatiling basa sa pagkain upang madali ito malulon. Ang pagdaan ng pagkain sa intestine ay nagiging mas madali dahil sa mucus.

Sa baga, ang tungkulin ng mucus ay panatiliing makinis at patag ang daluyan ng hangin at maharang ang anumang foreign substance na makakapasok sa respiratory system. Kung may makapasok man sa baga, ito ay agad iniuubo ng palabas.

Sa ilong, kapag masyadong maraming mucus ang nalikha, nagkakaroon ng post-nasal drip (PND).

Mga kulay ng mucus

  1. Malinaw
  2. Luntian
  3. Dilaw
  4. Kulay Kape
  5. Puti

Ang kulay ng mucus ay maaaring senyales na klase ng impeksyon. Ang kulay dilaw o luntian na mucus ay senyales ng impeksyon ngunit ang dilaw o luntian na mucus ay hindi sanhi ng bacteria.

Kapag ang isang pasyente ay may sipon, nagpapadala ng white blood cells na tinatawag na neutrophil granulocyte ang immune system sa lugar na iyon. Ang mga cells na ito ay mayroong enzyme na may pagka-lutian ang kulay at, kung ito ay marami, maaari maging luntian ang mucus. Ngunit possibleng magkaroon ng malinaw na mucus at magkaroon pa din ng impeksyon sa tenga at sa sinuses.

Ang mucus ay mayroong bahid ng pula o kulay kapeng dugo lalo na kapag ang ilong ay naging tuyo o may iritasyon dulot ng pagkuskos, pagsinga, o pagkalikot. Maaari ring dahil ito sa maraming blood vessels na matatagpuan sa loob ng ilong. Ang kaunting dugo sa mucus ay di kailangan katakunan. Gayunpaman, mas mabuting sumangguni sa doktor lalo na kung maraming dugo ang mucus.

Sakit na may kinalaman ang mucus

Post nasal drip (PND) - Nangyayari kapag labis-labis ang mucus. Ito ay maaaring sanhi ng sinusitis o ibang inflammatory disorders. Ang labis na mucus ay tumutulo o dumadaloy sa likod ng lalamunan at ilong. Ang mucus na ito ay patuloy na nililikha ng cell lining ng daanan ng sinus. Maaari itong manatili at mairita ang ilong o lalamunan na magdudulot ng sore throat o pananakit ng lalamunan, halitosis, ubo.

Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.