National Kidney Month

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Graphics 566.jpg

Ang National Kidney Month ay ipinagdiriwang bawat buwan ng Hunyo sa Pilipinas. Ito ay ayon sa Presidential Decree 184 na inilathala noong ika-31 ng Mayo, 1993 ni dating pangulong Fidel Ramos. Layunin ng National Kidney Month ang pagpalawak ng kamalayan sa pangangalaga ng bato at ang iba't ibang sakit sa bato.

Contents

Mga gawain

Ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang idineklarang pangunahing ospital sa pagdiriwang ng National Kidney Month. Tinutungo nila ang buong Pilipinas para palaganapin ang kaalaman sa bato at mga sakit nito. Ang NKTI ay nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng mga seminar at diskurso. Sila rin ay nagbibigay ng medikal na tulong sa pamamagitan ng libreng check-up ng bato, libreng digital rectal exam, libreng lab test, community outreach, at iba pang tulong para mapigilan at magamot ang iba't ibang sakit sa bato.

Ang ibang tagapagsulong ng National Kidney Month ay ang Department of Health (DOH), Philippine Information Agency (PIA), Renal Disease Control Program (REDCOP), Philippine Urological Association (PUA), Philippine Society of Nephrology (PSN), Transplant Society of the Philippines (TSP), at Kidney Foundation of the Philippines (KFP).

Sa Pilipinas

Nagaganap ang kidney failure kapag hindi nagagampanan ng bato ang kanilang tungkulin tulad ng paglinis ng waste material sa dugo. Ayon sa Department of Health, ang kidney failure ay isa sa mga [Top_10_Causes_of_Death_in_the_Philippines_in_2010|Top 10 na nakamamatay na sakit sa Pilipinas]. Higit 10,000 sa Pilipinas bawat taon ang nakararanas ng Stage 5 kidney failure. Kapag umabot sa ganitong yugto ang pasyente, siya ay nangangailangan ng dialysis panghabangbuhay o kidney transplant.

Ang kakulangan sa kaalaman at pag-unawa ng kahalagahan ng bato para sa pangkalahatang kalusugan ay isa sa mga dahilan kung bakit tumataas ang bilang ng mga may sakit sa bato sa bansa. Ang isa pang rason ay dahil hindi nakikita ang mga sintomas ng chronic kidney disease hanggang sa ito ay malala na. Halos kalahati ng mga may chronic kidney disease ay hindi alam na sila ay may sakit sa bato tulad ng mga may diabetic kidney disease, hypertensive kidney disease, chronic glomerulonephritis, at pyelonephritis o talamak na impeksyon ng bato.

Mga panlabas na kawing

Sanggunian


Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.