Sistemang nerbiyos

From Wikihealth
(Redirected from Nervous system)
Jump to: navigation, search
Nervous system diagram

Ang sistemang nerbiyos ay isang sistema ng mga organo sa katawan na binubuo ng maraming bahagi. Ito ay nahahati sa dalawang sistema: ang gitnang sistemang nerbiyos (central nervous system (CNS)) at ang iba pang mga organong nasa paligid ng CNS (peripheral nervous system). Ang kurdong panggulugod at utak ang bumubuo sa gitnang sistemang nerbiyos. Ang kanilang tanging trabaho ay ang pagkuha ng impormasyon galing sa katawan at pagpapadala ng mga mensahe sa iba't ibang parte ng katawan. Ang peripheral nervous system naman ay binubuo ng mga nerbiyo. Ang sistemang ito ang nagpapadala ng mga mensahe ng utak patungo sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Contents

Gitnang sistemang nerbiyos

  • Utak. Ang utak ang tumutulong sa pagkontrol ng iba't ibang sistema at organo ng katawan. Nakikipag-ugnayan ang utak sa katawan sa pamamagitan ng gulugod at nerbiyos. Ang bungo ang nagpapaloob at prumoprotekta sa utak.
  • Kurdong panggulugod. Ang kurdong panggulugod o spinal cord ay binubuo ng maraming nerbiyos na umaabot sa iba't ibang bahagi ng katawan. Inuugnay nito ang utak sa katawan. Ang bawat nerbiyos ay binubuo ng libu-libong selulang nerbyo (nerve cells). Ang gulugod ang nagproprotekta sa kurdong panggulugod.

Ang utak at kurdong panggulugod ay pinapalibutan ng patung-patong na membrane na tinatawag na meninges. Ito rin ay pinapalibutan ng cerebrospinal fluid. Prinoprotektahan nito ang mga nerbiyos para sila ay mapanatiling malusog. Ang paghinga, pagtikim, pag-amoy, pagkita, pagtakbo, pagtulog, pagkaramdam ng sakit, pagsusulat at iba pa -- ito ay hindi posible kung hindi dahil sa gitnang sistemang nerbiyos.

Peripheral nervous system

Ang sistemang nerbiyos ay binubuo ng mga selulang nerbyo o neyuron (neurons) na nagdadala ng mga mensahe sa iba't ibang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng electrical impulses. Ang mga mensahe ay napapasa mula sa isang neyuron patungo sa isa para tuluyang mapanatili ang tamang pagpapatakbo ng katawan. Ang mga nerbiyong pandama (sensory nerves) ay nagpapadala ng mga mensahe sa utak sa pamamagitan ng kurdong panggulugod. Samantala, ang mga nerbiyong panggalaw (motor nerves) ay nagdadala ng mensahe mula sa utak patungo sa iba't ibang muskulo at glandula sa katawan. Ang mga neyuron ay higit na manipis. Mayroong maiiksing neyuron at may mga neyuron na umaabot sa tatlong pulgada ang haba. Lahat sila ay hugis bituin at ang bawat dulo nito ay halos nakakakabit sa isa pang neyuron. Kapag ang neyuron ay nakatatanggap ng mensahe, ito ay nagbibigay ng isang elektrikal na reaksyon. Ang eletrikal na pagbabagong ito ay naglalakbay sa buong neyuron. Kapag umabot na ito sa dulo ng neyuron, may mga kemikal na lumalabas para maipadala ang mensahe sa susunod na selyula. Ito ay muling nagiging elektrikal na mensahe kapag umabot sa nakatanggap na selyula. Hindi tulad ng ibang tisyu ng katawan, ang mga selulang nerbiyos ay hindi madaling maayos kapag sila ay nasisira dahil sa sakit.

Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.