Rash

From Wikihealth
(Redirected from Pantal)
Jump to: navigation, search
Rash.jpg

Ang rash o pantal ay isang uri ng pamamaga ng balat. Ito ay madaling makita dahil sa pagka-magaspang at mapula nito.

Contents

Mga sanhi

Contact dermatitis

Ang contact dermatitis ay isa sa mga uri ng dermatitis. Ito ay dulot ng mga bagay na napapadikit sa balat tulad ng:

  • Kemikal na galing sa goma tulad ng latex
  • Sabon at kosmetiko
  • Tina o pangkulay sa damit pati na ang mga kemikal na galing dito
  • Katas ng poison ivy, oak, o sumac

Seborrheic dermatitis

Ang seborrheic dermatitis ay isang uri ng pantal na kulay pula na bumabalangkas at mistulang nagbabalat sa paligid ng mga kilay, talukap ng mata, bibig, dibdib, tiyan, likod, at likuran ng mga tenga. Ito ay tinatawag na balakubak kapag nangyari sa [[[anit]].

Maaaring mapapalala ang kondisyong ito ng mga sumusunod na salik:

  • Edad
  • Stress o pagkapagod
  • Pabigla-biglang pagbabago ng panahon at matinding lamig o init
  • Malangis na balat
  • Sobrang dalas o madalang na pag- shampoo ng buhok
  • Mga lotion na mayroong alkohol

Iba pang mga sanhi

Lunas at paalala

Kadalasan ang mga pantal ay umiigi kapag iniiwasan ang pagkamot dito at pag-iwas sa mga nakakairitang mga bagay. Ang mga sumusunod na panuntunan ay makakaigi sa mga taong may mga pantal:

  • Huwag maghilod o kuskusin ang balat ng kahit na anong matitigas at magagaspang na mga bagay.
  • Huwag gumamit ng sabon o kaunti lamang ang gamitin. Kapag hindi maiiwasan, gumamit ng mga mild soaps o cleansers.
  • Iwasang maglagay ng make-up, lotion o kahit anong pamahid sa balat.
  • Gumamit ng maligamgam na tubig sa pagligo.
  • Sikaping mahanginan ang mga pantal at huwag ikulob.
  • Gumamit ng calamine lotion sa mga pantal na makakati
  • Ang 1% hydrocortisone cream ay nakakahupa ng sakit or pangangati ng mga pantal. Ito ay nabibili sa botika ng walang reseta galing sa doktor.
  • Pumunta sa doktor para matukoy kung anong uri ng pantal ang mayroon at malaman kung anong nararapat na lunas para dito.

Sanggunian