Peritonsillar abscess

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
PeritonsilarAbsess.jpg
Ang peritonsillar abscess' ay isang abcess koleksyon ng nana na nabubuo sa mga tisyu ng lalamunan, katabi ng mga tonsil.

Contents

Sintomas

Ang unang sintomas ng peritonsillar abscess ay ang pagkakaroon ng sore throat o pananakit ng lalamunan. Ang pasyente ay maaaring hindi agad makaranas ng lagnat at iba pang sintomas sa pagbuo ng abscess. Hindi pambihira ang dalawa hanggang tatlong araw na pagkaantala sa pagitan ng pagsimula ng sintomas at pagbuo ng abscess.

  • Ang bibig at lalamunan ay maaaring mamaga sa isang bahagi.
  • Ang uvula (mistulang daliri na nakabitin paibaba sa gitna ng lalamunan) ay maaaring matulak palayo mula sa namamagang parte ng bibig.
  • Ang mga kulani sa leeg ay maaring lumaki at maging malambot o maselan.

Ang mga sumusunod na sintomas ay maaari din ma-obserbahan sa pasyente:

  • Matinding pananakit ng lalamunan sa isang bahagi.
  • Masakit na paglulon.
  • Lagnat at pakiramdam na maginaw
  • Pulikat sa kalamnan ng panga (trismus) at leeg (torticollis)
  • Pananakit sa tenga sa parehong bahagi kung nasaan ang abscess
  • Pag-iba ng boses (parang may nakatakip sa bibig kapag nagsasalita)
  • Hirap sa paglulon ng laway

Sanhi at panganib

Ang peritonsillar abscess ay karaniwang komplikasyon dulot ng tonsillitis. Ang mikrobyo na sangkot dito ay kapareho sa bakterya na sanhi ng strep throat. Ang Streptococcus ang karaniwan dahilan ng impkesyon sa malambot na tisyu na umiikot sa mga tonsil (karaniwan sa isang bahagi lamang). Ang mga tisyu ay nilulusob ng anaerobes na bakteryang kayang mabuhay ng walang oxygen at pumapasok sa malalapit na glandula.

Tumataas ang panganib na magkaroon ng pertonsillar abcess kung may impeksyon o sakit sa gilagid tulad ng periodontitis at gingivitis. Bukod dito, ang mga sumusunod ay mga kondisyon na nagpapataas ng tsansa ng pagkakaroon ng sakit na ito:

Pagsusuri

Ang peritonsillar abscess ay karaniwang sinusuri gamit ang medikal na kasaysayan at pisikal an eksaminasyon. Ang peritonsillar abscess ay madaling masuri kung ito ay malaki at madaling makita. Titignan ng doktor ang loob ng bibig gamit ang ilaw at tongue depressor. Ang pamamaga at pamumula ng isang bahagi ng lalamunan malapit sa tonsil ay maaaring senyales ng abscess. Maaaring dahan-dahang itulak ng doktor ang kanyang daliri sa loob upang tignan kung may nana mula sa impeksyon.

Hindi karaniwang kailangan ang X-ray. Minsan lamang ito isinasagawa upang matiyak na walang karamdaman ang itaas na bahagi ng daanan ng hangin tulad ng mga sumusunod:

  • Epiglottitis – Pamamaga ng epiglottis ang tisyu na humahadlang sa pagkain na pumasok sa windpipe.)
  • Retropharyngeal abscess – Bulsa ng nana na bumubuo sa ilalim ng malambot na tissue sa likod ng lalamunan.
  • Peritonsillar cellulitis – Impeksyon sa malambot na tisyu.

Ang pasyente ay maaaring ipasailalim sa eksamen para sa mononucleosis. Maaari din magpadala ang doktor ng nana mula sa abscess sa laboratoryo upang malaman ang tiyak na bacteria na sanhi nito.

Lunas

Ang pangunahing pag-aala ng doktor ay maaaring may kinalaman sa paghinga at daluyan ng hangin ng pasyente. Kung ang buhay ng pasyente ay nanganganib dahil sa nakabara sa lalamunan, ang unang gagawin ng doktor ay ang pagpasok ng isang karayom sa bulsa sa nana upang tangalin ang sapat ng pluido upang makahinga ng maayos ang pasyente.

Kung ang buhay ng pasyente ay hindi agad na nanganganib, ang doktor ay maaaring gumamit ng lokal na anesthesia sa balat sa taas ng abscess upang hindi maging masakita sa pasyente ang gagawing proseso. Maaari din gumamit ng medikasyon para sa sakit at sedation gamit ang suwero. Maaaring gumamit ang doktor ng suction o panghigop upang hindi malunok ng pasyente ang nana at dugo.

Ang mga sumusunod na proseso ay maaaring sabihin ng doktor upang pagpilian ng pasyente:

  • Aspiration gamit ang karayom – Dahan-dahang paglagay ng karayom sa abscess at pagkuha ng nana sa heringilya.
  • Paghiwa sa abscess gamit ang scalpel upang matangal ng nana.
  • Acute tonsillectomy – Pagtanggal sa tonsils.

Ang pasyente ay bibigyan ng antibiotic at unang dosis ay padaanin sa suwero. Penicillin ang karaniwang uri ng gamot para sa ganitong impeksyon. Ang pasyenteng may alerhiya sa penicillin ay maaaring bigyan ng ibang antibayotiko tulad ng erythromycin o clindamycin.

Ang pasyenteng malusog ay maaari agad makauwi. Ang mga pasyente na hirap sa paglunok o may ibang sakit tulad ng diabetes ay maaaring manatili sa ospital upang ma-obserbahan. Ang mga batang pasyente ay karaniwang ginagamitan ng general anesthesia upang matanggal ang pluido at kailangan manatili sa ospital para ma-obserbahan.

Posibleng komplikasyon

Ang mga sumusunod ay posibleng komplikasyon dulot ng peritonsillar abscess:

Pag-iwas

Walang tiyak na paraan upang maiwasan ang peritonsillar abscess ngunit maaaring bawasan ang panganib sa pamamagitan ng paghinto sa paninigarilyo, pangangalaga sa mga ngipin at bibig at mabilis na paggamot sa impeksyon.

Kapag ang pasyente ay nagkaroon ng peritonsillar cellulitis, maaaring maiwasan magkaroon ng peritonsillar abscess sa pamamagitan ng agarang pag-inom ng antibayotiko. Kailangang bantayang mabuti ang mga sintomas.

Ang mga pasyenteng madalas magkaroon ng tonsillitis ay maaaring sumangguni sa doktor upang malaman kung kailangang permanenteng tanggalin ang mga tonsil.

Sanggunian