Pharyngitis

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Pharyngitis.jpg
Ang pharyngitis ay ang pamamaga ng pharynx o ang likod ng lalamunan, sa gitna ng mga tonsil at voicebox o larynx.

Contents

Sintomas

Ang pangunahing sintomas ng pharyngitis ay sore throat. Kasama nito ang iba pang mga sintomas na sumusunod:

Sanhi at panganib

Ang pharyngitis ay kadalasang nagmumula sa mga sumusunod:

  • Viruses - Pinaka-karaniwang sanhi ng pharyngitis.
  • Germs
  • Bacteria - Sakop nito ang Group A Streptococcus na maaaring magdala ng strep throat. Kasali na rin dito ang Corynebacterium, Arcanobacterium, Neisseria gonorrhoeae, at Chlamydia pneumonia.

Maraming kaso ng pharyngitis ay nangyayari tuwing tag-lamig at ang sakit na ito ay madaling kumalat sa ibang myembro ng pamilya. Bukod dito, itinuturing din na risk factors ng pharyngitis ay ang mga sumusunod:

Pagsusuri

Ang pasyente ay dadaan sa isang physical exam kung saan titignan ng doktor ang kanyang lalamunan. Maaaring gamitin ang rapid strep test o throat culture para ma-rule out ang strep throat. Iba pang laboratory tests ang maaaring gawin depende na rin sa pinagsususpetsahang kaso ng sakit.

Lunas

Mahalagang iwasan ang pag-inom ng antibiotics kung ang sore throat ay dahil sa impeksyong dulot ng virus dahil ito ay hindi makakatulong. Lalo lamang ito makakadagdag sa pagiging resistant ng bacteria sa mga antibiotics. Ang antibiotics ay iri-reseta ng doktor kung sa kanyang tingin ay bacteria ang sanhi ng impeksyon. Erythromycin ay madalas nirereseta lalo na sa mga may allergy sa penicillin.

Ang mga sumusunod at maaaring gawin sa bahay:

  • Magpahinga.
  • Uminom ng maligamgam na mga likido tulad ng mainit na sabaw, honey at lemon tea. Ito ay subok na mabuting bisa sa sore throat.
  • Iwasan ang pag-inom ng alak.
  • Mag-mumog ng maligamgam na tubig na may asin (isa’t-kalahating kutsarita ng asin sa 1 tasang tubig).
  • Uminom ng malamig na likido o sumipsip ng popsicles.
  • Sumipsip ng matigas na kendi o throat lozenges upang guminhawa ang sore throat. Huwag bigyan ng kendi o throat lozenges ang mga maliliit na bata upang maiwasan na sila ay mahirinan.
  • Gumamit ng cool-mist humidifier o vaporizer upang mabasa at guminhawa ang tuyo at masakit na lalamunan.
  • Maaaring subukan ang over-the-counter pain medications tulad ng acetaminophen. Huwag bigyan ng aspirin ang mga bata.

Makakatulong din ang malamig na hangin at humidity sa pangtangal ng mga sintomas ng pharyngitis.

Posibleng komplikasyon

  • Pag-bara ng airways sa mga malalang kaso ng pharyngitis.
  • Sore abscess palibot sa tonsils o sa likod ng pharynx.

Karamihang kaso ng pharyngitis ay maaaring gamutin sa loob ng tahanan. Gayunpaman, ang pharyngitis na nagtatagal ng mahigit sa isang linggo ay dapat nang isangguni sa isang health care professional lalo na kapag ito ay may kasamang lagnat, namamaganglymph nodes o mga pantal. Ang mga sintomas na ito ay maaaring hudyat na ng komplikasyon gaya ng rheumatic fever.

Pag-iwas

  • Palakasin ang resistensiya ng katawan sa pamamagitan ng ehersisyo lalo na sa tag-lamig.
  • Iwasan ang pag-inom ng alak.
  • Iwasan ang paninigarilyo.
  • Bawasan ang pagkain ng maaanghang at mga pritong pagkain.
  • Uminom ng maraming tubig at kumain ng masustansiyang pagkain.
  • Panatilihin ang maayos na indoor ventilation.
  • Gumamit ng air humidifier tuwing tuyo ang panahon.

Sa Pilipinas

Ginagamit ang mga sumusunod na halaman bilang natural na gamot panlaban sa sintomas ng pharyngitis:

  • Luya – Hugasan at balatan ang isang maliit na piraso ng luya. Nguyain ng dahan-dahan ang luya ng ilang minuto. Lulunin ang katas nito.
  • Sabila – Hugasan ang dahon ng sabila at putulin ng pira-piraso na may sukat na ½ inch. Nguyain at lulunin ang katas nito.
  • Bawang – Hugasan at balatan ang isang kapirasong bawang. Nguyain ng dahan-dahan at lulunin ang katas.

Sanggunian