Polyp

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Error creating thumbnail: convert: unable to write blob `/tmp/magick-aZCAkYZ8': @ error/blob.c/ImageToFile/1625.
convert: no decode delegate for this image format `' @ error/constitute.c/ReadImage/532.
convert: missing an image filename `/webroot/health.wikipilipinas.org/images/temp/transform_5f86e3605d15-1.jpeg' @ error/convert.c/ConvertImageCommand/3011.

Ang polyp ay isang laman na abnormal ang pagtubo sa loob ng katawan. Maaaring iba-iba ang laki, hugis, at lokasyon kung saan ito. Maaari ding iisa o marami ang polyp na tumutubo. May mga polyp na patag at may iba na parang mukhang ubas na mayroong payat na tangkay.

Contents

Uri

Maaring tumubo ang polyp sa ilong, colon, o matris:

  1. Sa ilong – Ito ay malambot, hindi masakit at hindi nakaka-kanser. Tumutubo ang mga polyp na ito sa sa dingding ng daluyuan sa loob ng ilong (sinus). Nakabitin sila na parang luha o ubas.
  2. Sa colon – Ito ay maliit at kumpol-kumpol na selyula na pumuporma sa colon. Karaniwan sa polyp sa colon ay hindi delikado ngunit mayroong iba na humahantong sa kanser pagtagal ng panahon.
  3. Sa matris - Ito ay mga pagtubo ng polyps na nakakapit sa panloob na dingding ng matris na sumusulong sa uterine cavity. Ang sobrang paglaki ng mga selyula sa dingding ng matris (endometrium) ay nagdudulot ng pagtubo ng polyp sa matris. Ang laki ng polyp ay maaaring mula sa ilang milimetro hangang sa ilang sentimetro at nakakapit sa dingding ng matris sa pamamagitan ng malaki o manipis na tangkay.

Sintomas

Sa ilong

Ang polyp sa ilong ay inuugnay sa pamamaga ng sapin ng daluyan ng ilong at mga sinus na maaaring tumagal ng higit 12 na linggo (chronic rhinosinusitis o chronic sinusitis ). Dahil ang polyps ay karaniwang malambot at kulang sa sensasyon, maaaring hindi alam ng pasyente na mayroon siyang polyps lalo na kung ito ay maliit lamang. Nagbabara ang daluyan ng ilong at ng mga sinus kapag marami o malaki ang tumubong polyp.

Karaniwang senyales at sintomas ng pabalik-balik na sinusitis na may kasamang polyp sa ilong ay:

  • Tumutulong ilong
  • Postnasal drip
  • Kabawasan o kawalan ng pang-amoy
  • Kawalang ng panglasa
  • Pananakit sa parte ng mukha o ulo
  • Pananakit sa taas na ngipin
  • Pakiramdam na may nakadiin sa noo o mukha
  • Paghihilik
  • Pangangati sa lugar ng mata

Sa colon

Madalas na walang sintomas ang polyps sa colon. May mga pagkakataon na hindi alam ng pasyente na mayroon siyang polyp sa colon hanggang sa madiskubre ito ng doktor habang may eksaminsayon sa tumbong.

Minsan ang pasyente ay maaaring makaranas ng sumusunod:

Sa matris

Ang isang pasyente ay maaaring magkaroon ng polyps sa matris na walang nararamdamang sintomas. Ang mga sintomas na maaaring maranasan ay ang mga sumusunod:

  • Hindi regular na regla
  • Pagdudugo sa gitna ng yugto ng regla
  • Labis o mabigat na regla
  • Pagdudugo pagkatapos ng menopause
  • Pagkabaog

Sanhi at panganib

  1. Sa ilong – Hindi malinaw kung bakit nagkakaroon ng polyp sa ilong. Maaari itong sanhi ng pamamagang dulot ng hika, pabalik-balik na impeksyon, alerhiya, pagiging sensitibo sa gamot, at ibang karamdaman sa sistemang imunyo.
  2. Sa colon – Walang sapat na batayan upang matiyak kung bakit nagkakaroon ng polyp sa colon. Karaniwan sa polyp ay hindi nagdudulot ng kanser ngunit, sa paglipas ng panahon, ito ay maaaring maging malignant. Ito ay maaaring tumubo kahit saan sa malaking bituka. Kapag malaki ang polyp, mas malaki din ang panganib ng kanser.
  3. Sa matris - Hindi batid ang eksaktong sanhi ng polyp sa matris. Maaring isa sa mga dahilan ng pagtubo nito ang pagbabago sa hormone ng babae. Ang polyp sa matris ay sensitibo sa estrogen kaya ito ay maaaring lumaki bilang tugon sa hormone na ito.

Pagsusuri

  1. Sa ilong – Maaaring irekomenda ng doktor ang sumusunod na paraan ng pagsusuri upang malaman kung ang pasyente ay mayroong polyps sa ilong:
  2. Polyps sa colon – Maaaring ipagawa ng doktor sa pasyente ang mga sumusunod na screening tests upang malaman kung may polyps sa colon ang pasyente:
  1. Polyps sa matris – Kapag may hinala ang doktor na mayroong polyps sa matris ang pasyente, maaaring ipagawa ang mga sumusunod:

Lunas

  1. Sa ilong
    • Nasal corticosteroid
    • Pang-lunas sa namamagang sinus
    • Antihistamine para sa alerhiya
    • Operasyon tulad ng polypectomy o endoscopic sinus surgery. Pagkatapos ng operasyon, maaaring pagamitin ang pasyente ng corticosteroid nasal spray upang maiwasan ang pagbalik ng polyps sa ilong.
  2. Sa colon – May mga polyps sa colon na maaaring maging malignant kumpara sa iba. Kadalasan tinitignan ng isang pathologist ang polyp tissue sa ilalim ng mikroskopyo upang malaman kung ito ay may potensyal na magdulot ng kanser. Dahil dito, maaaring irekomenda ng doktor ang pagtanggal sa mga polyps sa pamamagitan ng sumusunod na paraan:
    • Snare
    • Operasyon upang matanggal ang colon at rectum
    • Endoscopic mucosal resection
  3. Sa matris
    • Masusing obserbasyon – May mga maliliit na polyps na walang sintomas at nawawala ng kusa. Ang lunas ay maaaring hindi kailangan kung walang panganib ng kanser sa matris.
    • Ang mga hormonal na medikasyon tulad ng progestin at gonadotropin-releasing hormone agonists ay maaaring gamitin upang paliitin ang polyp at mabawasan ang sintomas.
    • Curettage
    • Hysteroscopy
    • Hysterectomy

Posibleng komplikasyon

  1. Sa ilong – Ang pagbara o paghadlang ng polyps sa normal na pagdaloy ng hangin at pagtangal ng pluido ay maaaring humantong sa chronic na inflammation. Ang pasyente ay maaaring makaranas ng sumusunod na komplikasyon:
  2. Sa colon – Ang polyp sa colon ay maaaring humantong sa kanser. Mas kaunti ang panganib ng kanser kung mas maaga matatangal ang mga polyp.
  3. Sa matris - Ang usapin kung ang polyps sa matris ay nakaka-baog ay kontrobersyal. Gayunman, kung ang pasyente ay nahihirapang magbuntis, ang pagtanggal sa polyp sa matris ay maaaring makatulong sa sa pagbubuntis. Ang mga polyp sa matris ay maaaring magpataas sa panganib na makunan ang pasyenteng dumadaan sa in vitro fertilization (IVF). Maaaring ipatanggal ng doktor ang mga polyp sa matris bago magsagawa ng IVF.

Pag-iwas

  1. Sa ilong – Maaaring mabawasan ang panganib na magkaroon ng polyps sa ilong sa pamamagitan ng mga sumusunod:
    • Pag-kontrol sa alerhiya at hika.
    • Pag-iwas sa mga maaaring makairita sa ilong.
    • Pananatili ng kalinisan ng sariling katawan.
    • Paggamit ng humidifier kapag naging masyadong tuyo ang hangin sa paligid ng bahay.
    • Paggamit ng nasal rinse tulad ng saline spray o nasal lavage.
  2. Sa colon – Ang panganib ng pagkakaroon ng mga polyp sa colon at ng kanser ay maaaring mabawasan sa pamamagitan ng regular na pagpapasuri at pagsunod sa tamang pagkain at araw-araw na pamumuhay.
    • Kumain ng pagkain na mayaman sa calcium tulad ng skim o low-fat na gatas at iba pang produktong gatas. Mabuti rin ang pagkain ng broccoli, kale at salmon na nasa lata kasama ang tinik. Kumain ng pagkain na mataas sa Vitamin D tulad ng Vitamin D-fortified na produktong gatas, atay, pula ng itlog at isda.
    • Kumain ng maraming prutas, gulay at whole grains na mataas sa fiber.
    • Bigyan ng limitasyon ang pag-inom ng alkohol.
    • Huwag manigarilyo.
    • Maging aktibo at panatiliing tama ang timbang.
    • Kausapin ang doktor tungkol sa benipisyo ng paggamit ng aspirin.
    • Kausapin ang doktor tungkol sa hormone therapy (HT) .
    • Ang pasyenteng mataas ang panganib na magkaroon ng mga polyp sa colon ay maaaring ipasailalim ng doktor sa regular na colonoscopies pagdating ng edad na 20.
  3. Sa matris - Walang tiyak na paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng polyps sa matris ngunit makakatulong ang regular na pagpapasuri sa doktor.

Sanggunian

  • Polyps. Home Health UK. (Hinango noong 30 Enero 2012.)
  • Polyps. Mayo Clinic. (Hinango noong 30 Enero 2012.)
  • Uterine Polyps. Mayo Clinic. (Hinango noong 30 Enero 2012.)
  • Nasal Polyps. Mayo Clinic. (Hinango noong 30 Enero 2012.)
  • Uterine Polyps. Cleveland Clinic. (Hinango noong 30 Enero 2012.)