RNA

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang RNA o ribonucleic acid ay may iba't ibang uri na maaaring pareho ng DNA. Ang lahat ng RNA ay nagmumula sa DNA sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na transcription. Ang tatlong uri ng mahahalagang RNA ay ang mRNA o Messenger RNA, tRNA o Transfer RNA, at rRNA o Ribosomal RNA.

Contents

Istruktura

Ang RNA ay isang linear polymer ng apat na nucleotides. Bawat neucleotide ay binubuo ng tatlong bahagi na tinatawag na ribose na may limang carbon sugar, isang grupo ng phosphate na may adenine (A), cytosine (C), guanina (G), o uracil (U). Ang istruktura at gamit ng RNA ay nakadepende sa haba at sa pagkakasunod-sunod nito. Ang pagkakaiba ng RNA sa DNA ay ang pagkakaroon ng maiikling istruktura nito at ang pagkakaroon ng ribose sa halip na deoxyribose.

Uri

Messenger RNA

Ang mRNA ay pinagsama ng DNA at naglalaman ng impormasyon na kinakailangan sa pagbubuo ng protina. Ang mRNA ay lumilibot mula sa nucleus ng isang selula papunta sa mga ribosomes kung saan ang paghahalo ng protina ay nangyayari. Ang impormasyon na daladala ng mRNA ay tinatawag na codon na naglalaman ng tatlong nucleotides na may 20 amino acids.

Transfer RNA

Ang tRNA ay sumasalin ng mga linggwahe ng nucleotides upang mabuo ang amino acids. Bawat tRNA molecule ay may mahigit-kumulang 90 nucleotides subalit mas mahaba ito sa unang pagkabuo nito. Upang maabot ang pinal na estado, ang mga introns ay nababawas at ang mga ispesyal na enzymes naman ay kumukuha ng mga bahagi mula sa introns upang makabuo ng apat na uri ng neucleotides.

Ribosomal RNA

Ang rRNA ay nakakapag-ambag sa istruktura ng ribosomes. Ang rRNA at tRNA ay nagsasama upang makapagbuo ng protina. Sa mga eukaryotes, ang rRNA ay isinasalin sa loob ng nucleolus samantalang ang ibang uri ng RNA ay nabubuo sa nucleus.

Small nuclear RNA

Ang mga maliliit na RNA ay madalas na may haba na kulang sa 300 nucleotides at mayaman sa uridine (U). Ito ay nasa nucleoplasm at nucleolus ng mga eukaryotes. Bahagi sila ng pagpoproseso ng RNA tulad ng pagbabawas ng intron sa eukaryotic mRNA splicing at posttransciptional modification.

Catalytic RNA

Ang RNA enzymes o robozymes at nakakatulong sa pagdudugtong sa ibang molecules ng nucleic acid.

Viral RNA

May ibang mga virus tulad ng polio at influenza virus na may RNA bilang genetic material nito. Ang viral RNA ay may iba't ibang katangian. Maaari itong single-stranded at doble naman sa iba.

Sanggunian