Rabies

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang rabies ay nakukuha sa kagat ng isang ulol o may rabies na hayop, gaya ng aso, pusa, lobo, atbp. Ang mga paniki at iba pang hayop ay maaari ring magkalat ng rabies.


Contents

Mga Palatandaan ng Rabies:

Sa mga hayop:

  • Kakaibang kilos—kung minsa'y matamlay, di-mapakali o mainisin.
  • Bumubula ang bibig, hindi makakain o makainom.
  • Kung minsan, ito'y nagwawala at nangangagat ng sino man o ano mang makita.
  • Namamatay ito sa loob ng 5 o 7 araw.

Sa tao:

  • Pagkirot at pangangati sa parteng nakagat.
  • Masakit at nahihirapang lumunok. Maraming malapot at malagkit na dura.
  • Sinusumpong ng galit.
  • Pag malapit nang mamatay, kinukombulsiyon at napaparalisa.

Kapag inaakalang may rabies ang hayop na kumagat:

Graphics 158.jpg
  • Itali o ikulong ang hayop nang isang linggo.
  • Linising mabuti ng tubig, sabon at agua okhenada (hydrogen peroxide) ang kagat. Huwag babalutan ang sugat.
  • Kapag namatay ang hayop bago mag-isang linggo (o kaya'y napatay o di-mahuli) dalhin agad sa health center ang nakagat na tao upang mabigyan ng sunod-sunod na iniksiyong anti-rabies.

Ang unang palatandaan ng rabies ay lumilitaw mula 10 araw hanggang 2 taon pagkaraang makagat (karaniwan sa loob ng 3 hanggang 7 linggo). Ang paggamot nito ay dapat simulan bago lumitaw ang unang palatandaan ng sakit. Kapag nagsimula na ang sakit, wala pang nadidiskubre o naiimbentong gamot na makapagliligtas sa buhay ng taong nakagat.

Pag-iingat

Graphics 159.jpg
  • Patayin at ibaon sa lupa (o ikulong nang 1 linggo) ang anumang hayop na pinaghihinalaang may rabies.
  • Makipag-ugnay sa programa ng pagpapabakuna sa mga aso.
  • Ilayo ang mga bata sa mga hayop na maysakit o kakaiba ang kilos.


Paalala: Mag-ingat sa mga hayop na mukhang maysakit at kakaiba ang kilos. Kahit hindi ito nangangagat, ang dura nito'y maaaring magdulot ng rabies kapag pumasok sa sugat o galos.


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 27 Abril 2010).


Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.