Red blood cell

From Wikihealth
(Redirected from Red blood cells)
Jump to: navigation, search

Ang Red blood cells (RBC) o erythrocytes ang pinakakaraniwang cells na matatagpuan sa dugo. Ito ang tagapagdala ng oxygen sa katawan.

Mayroong 5 milyong RBC sa bawat cubic millimiter ng dugo o tinatayang 250 milyong RBC sa bawat patak ng dugo. Naiiba ang bilang nito depende sa heredity, kasarian at kalagayan ng kalusugan. Ang RBC ay nagmula sa bone marrow. Ang buhay nito ay tumatagal ng 3 hanggang 4 na buwan. Kapag ito'y namatay, pinupuksa ito ng macrophages sa atay at spleen. Ang prosesong ito ay naglalabas ng iron na napupunta sa atay at bile pigments para ilabas.

Ang RBC ay mayroong hugis na bi-concave na may patag na gitna. May dayametro itong 0.01 millimiters. Wala ring nucleus ang RBC. Ito ay nagtataglay ng hemoglobin na nagbibigay dito ng pulang kulay. Ang hemoglobin ay nagtataglay ng iron na naghahatid ng oxygen at carbon dioxide. Ang RBC ay nakakapag-iba ng hugis na tumutulong dito upang makalusot sa capillary walls na mas malaki pa rito.

Gamit

Ang RBC ay mahalaga sa proseso ng respirasyon. Ang mga gas na kasali sa respirasyon ay hinahatid sa katawan sa pamamagitan ng RBC. Humahalo ang oxygen sa hemoglobin para bumuo ng oxyhemoglobin sa baga kung saan may mataas na concentration ng oxygen. Ngunit ang oxyhemoglobin ay mahinang compound at madaling mag-break down para maglabas ng oxygen kapag mayroong mababang concentration ng oxygen sa kapaligiran. Dahil dito, nagkakaroon ng balanseng distribusyon ng oxygen sa buong katawan. Ang RBC din ang nagdadala ng parte ng dumi ng carbon dioxide mula sa cells sa pamamagitan ng plasma bilang soluble carbonates.

Sanggunian