Scarlet fever

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang scarlet fever ay isang uri ng exotoxin-mediated na sakit na galing sa grupong A beta-hemolytic streptococcal na impeksyon. Kadalasan, sa tonsil o sa pharynx ang pokos ng scarlet fever kung saan mas mababa ito sa 10% sa mga kaso ng 'strep throat’. Ang pagkakabuo ng mga bakterya ng scarlet fever ay hindi masyadong napapansin kumpara sa posibleng dramatikong epekto sa paglabas ng mga toxins. Ang exotoxin-mediated streptococcal na inpeksyon ay galing sa isang hanay ng lokal na sakit sa balat tungo sa isang sistemang rash ng scarlet fever patungo naman sa isang hindi komon ngunit mapanganib na streptococcal toxic shock syndrome.

Contents

Pathophysiology

Madalas na ang bahagi ng katawan kung saan nabubuo ang grupong A beta-hemolytic streptococcal sa scarlet fever ay sa tonsils at pharynx. Ang scarlet fever ay maaaring masusundan ng isang streptococcal na impeksyon sa balat at soft tissue, maaari ding sa sugat, o sa uterus.

Ang grupo na A beta-hemolytic streptococci ay naglalabas ng mga toxins, enzymes at erythrogenic toxins. Ang pathognomonic rash sa scarlet fever ay dahil na rin sa paglabas ng erythrogenic toxin. Ang lokal na sugat ay naghahayag ng isang katangian ng inflammatory reaction, lalo na ang hyperemia, edema, at polymorphonuclear cell infiltration. Ang organismong ito ay patuloy na nabubuhay sa sukdulang temperatura at humidity na naghintulot sa pagkalat ng fomites. Ang hiyograpiyang distribusyon ng mga impeksyon sa balat ay mas nabubuhay sa mainit o tropikal na klima at madalas na umuusbong sa tag-araw lalo na sa mga lugar na may katamtaman ang klima.

Mortality at morbidity

  • Hindi kabilang ang scarlet fever sa mga nakamamatay na epidemiya na kinatatakutan sa taong 1800.

Sa kasalukuyan, ang impeksyon ng scarlet fever ay kadalasang sinusundan ng benign course; at ang pagkakamatay at pagkakaroon ng sakit ay maaaring umusbong mula sa mga kumplikasyon tulad ng peritonsillar abscess, sinusitis, bronchopneumonia, at meningitis, o mga problemang may kaugnayan sa mga immune-mediated sequelae, rheumatic fever, o glumerulonephritis. Bihirang komplikasyon naman ang naibabalita ukol sa septic shock na may dalang multisystem organ failure.

  • Naitalang 3% sa epidemiya at 0.3% naman sa endemic na kalagayan ang peligro sa acute rheumatic fever lalo na kapag ito ay nasundan ng hindi nalulunasang impeksyon ng streptococcal.
  • Kung ang nephritogenic strain ng grupong A beta-hemolytic streptococci ay nagbubunga ng impeksyon, ang indibiduwal ay may 10-15% na pagkakataong magkaroon ng glumerulonephritis. Ang nakamamatay na uri ng streptococcal na inpeksyon ay dahil sa may kakayahan itong bumuo ng isang toxic streptococcal syndrome.

Sintomas

Ang scarlet fever ay madala na dumadapo sa kapwa lalaki at babae na may edad apat hanggang walong taong gulang. 80% ng mga batang may edad na 10 taon pagkatapos magkaroon ng sakit na ito ay posibleng magkakaroon ng habambuhay na protective antibodies salungat sa streptococcal pyrogenic exotoxins. Bihira ang sakit na ito sa mga batang may edad na dalawang taon dahil ang mga sanggol ay mayroong maternal antiexotoxin antibodies at kulang sa naunang sensitization.

Katangian

Ang scarlet fever ay may isa hanggang apat na araw na incubation period at madalas na ang pangunahing sintomas nito ay ang pagkakaroon ng lagnat, sore throat, sakit sa ulo, pagkakahilo, pagsusuka, sakit sa tiyan, sakit sa kasukasuan, at pagkakapagod. Ang sakit na ito ay nakakahaw at sanhi ng streptococcal na bakterya. Ito ay maaaring kumalat sa paraan ng diretsong kontak sa taong may scarlet fever o paglanghap ng bakterya.

Iwas at lunas

Ang antibiotics ay ilan lamang sa mga gamot na ginagamit na panlunas at kinakailangan ang mataas na oras ng pagpapahinga. Nakakabuti rin ang pag-inum ng maraming juice upang mailabas ito sa katawan. Mahalaga na bantayang mabuti ang mga bata at iwasan ang paglapit sa mga taong may sakit na scarlet fever.

Sanggunian