Herpes zoster

From Wikihealth
(Redirected from Shingles)
Jump to: navigation, search

Ang herpes zoster ay isang klase ng buni.


Mga palatandaan:

Graphics 58.jpg

Maaaring herpes ang pahaba o paguhit na paltos sa isang bahagi ng katawan—karaniwa'y sa likod, dibdib, leeg, o mukha. Pagkaraang tumagal ng 2 o 3 linggo, karaniwang ang paltos ay kusang nawawala. Kung minsan, patuloy na nararamdaman o umuulit ang pananakit kahit matagal nang nawala ang paltos.

Ang herpes ay sanhi ng virus na pinagmumulan din ng bulutong-tubig. Hindi ito mapanganib. Gayunman, maaari itong maging palatandaan paminsan-minsan ng ibang mas malubhang problema—tulad ng kanser, lalo na sa matatanda.


Paggamot:

  • Lagyan ng malambot na benda ang paltos upang huwag makiskisan ng damit
  • Uminom ng aspirina para sa pananakit. (Walang epekto dito ang antibayotiko.)


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 28 Abril 2010).

Kategorya:Kalusugan