Spirometry

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Spirometry.png

Ang spirometry ay isang paraan ng pagsusuri ng hininga ng tao. Ito ay ginagamit upang suriin kung ang isang tao ay mayroong hika, chronic obstructive pulmonary disease (COPD), at ilan pang mga kondisyon na nakakaapekto sa paghinga. Maaari din itong gamitin upang suriin ang kalagayan ng baga matapos ang minsanang gamutan para sa chronic lung condition.

Sa spirometry, ang pasyente ay humihinga sa pamamagitan ng bukadora na konektado sa aparato na tinatawag na spirometer. Sinusukat nito ang dami ng hangin na nilalanghap at inilalabas ng isang tao sa loob ng isang punto.

Contents

Sukatan

  • Forced vital capacity (FVC). Ito ay ang pagsukat sa laki ng baga (sa litro) at ang kumakatawan sa kabuuan ng hangin sa loob ng baga na maaaring ihinga palabas kasunod ang isang malalim na paglanghap.
  • Forced expiratory volume-one second (FEV1). Ito ay sukatan kung gaano karami ng hangin ang maaaring ihinga palabas sa isang segundo kasunod ng isang malalim na paglanghap. Makikita rin dito ang isa pang numero sa resulta ng pagsusuri ng spirometry – ang FEV1/ FVC na katumbas ang pinagkumparang dami ng hangin na inalis sa unang pangalawang dami ng kabuuan ng mga tinanggal.

Sanhi

Sa pamamagitan ng spirometry, nalalaman ng mga doktor kung gaano kahusay ang pagtatrabaho ng baga. Ito rin ay ginagamit upang makatulong sa pagsiyasat at pag-monitor ng mga sakit na nakakaapekto sa baga at nagpapahirap sa paghinga gaya ng hika at cystic fibrosis. Maaari din itong gamitin sa:

  • Pagtuklas ng dahilan ng pag-igsi ng hininga o paghinga, pag-ubo, o ng pag-huni (wheezing);
  • Pag-babantay ng paggamot ng problema sa paghinga; at,
  • Pagsusuri sa baga kung ito ay gumagana bago ang gagawing operasyon.

Pamamaraan

Ang mga alituntunin ng ARTP/BTS (1994) ay inirerekomenda ang mga sumusunod na hakbang:

  • Ang pasyente ay dapat na nakaupo sa silyang may patungan ng kamay.
  • Ang dalawang lundong pagsusukat ng vital capacity ay dapat na maunang gawin kasunod ng tatlong sapilitang pagsusukat ng vital capacity '. Sa pamamaraang ito, ang pasyente ay dapat na gumamit ng nose clip upang maiwasan ang pagtagas ng hangin mula sa ilong.
  • Ang malaking paghinga ng may buong inspirasyon ay kinukuha sa pamamagitan ng bibig.
  • Ang bukadora ay inilalagay sa bibig ng pasyente at ang labi at ngipin ay dapat nasa paligid ng bukadora upang bumuo ng isang mahigpit na selyo.
  • Para sa lundong VC (vital capacity), ang pasyente ay dapat huminga ng may sapat na bilis subalit sa FVC (forced vital capacity), ang pasyente ay dapat na huminga agad ng mabuti hanggang ang lahat ng hangin ay mailabas.
  • Ang FVC ay dapat gawin ng hanggang anim na segundo ngunit kailangang tumagal ng hanggang 15 segundo sa ibang mga pasyente na may obstructive breathing patterns.
  • Ang paghihip ay dapat hindi bababa sa 30 segundo (pagbuga gamit ang spirometer).
  • Ang paghihip ng tatlo bilang pinakamababa at walo bilang pinakamataas ay dapat na tangkain sa kahit ano mang oras.

Mahalaga na ang pasyente ay makahinga ng lubusan upang makuha ang kabuuang kapasidad ng baga at patuloy na huminga ng palabas hanggang sa lubos na mawala ang laman ng nito. Hindi na kailangan pang itala ang isang mababang VC dahil sa mababang pagsisikap. Mahalaga din na obserbahan ang kapamaraanan ng pasyente at ang hugis ng daloy, ng dami, o ang oras ng waves upang matuklas ang mahinang pagsisikap sa paghinga ng pasyente.

Paalala

Ang mga nars ay dapat na maging pamilyar sa kung anong klase ng spirometer ang dapat na gagamitin. Samantala, dapat na ipag-bigay alam sa mga pasyente ang spirometry upang makapaghanda ng husto para sa pagsusuri.

Bago gawin ang spirometry, ang pasyente ay dapat na iwasan ang sumusunod:

  • Manigarilyo ng buong 24 oras
  • Pag-inom ng alak kahit man lang apat na oras
  • Ehersisyo na hindi lalampas sa 30 minuto
  • Pagsuot ng masisikip na damit
  • Pagkain ng marami sa loob ng dalawang oras bago ang pagsusuri
  • Paggamit ng short-acting bronchodilators sa loob ng apat na oras bago ang pagsusuri
  • Paggamit ng long-acting beta-2-agonist inhaler 12 na oras bago ang pagsusuri
  • Paggamit ng slow-release medicines na nakakaapekto sa paghinga at ng mga gamot na theophylline-based 24 oras bago ang pagsusuri.

Sanggunian