Streptomycin

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang streptomycin ay isa sa mga sinaunang aminoglycoside na antibiotic na ginamit kontra sa tuberculosis. Maari din itong ipanggamot laban sa plague o nakakahawang uri ng endocarditis lalo na kung hindi na nagagamot ang huli ng gentamicin. Hindi ito maaring inumin sapagkat ito ay binibigay sa pamamagitan ng regular na iniksyon na intramuscular. Maari itong maipagkamali sa streptozocin na ginagamit naman para sa pancreatic cancer.

Contents

Likas na katangian

Ang streptomycin ay ang kauna-unahang antibiotic na ginamit para sa tuberculosis. Ito ay mula sa isang uri ng actinobacterium, ang Streptomyces griseus na na-isolate ni Albert Schatz noong 1943 sa Rutgers University sa laboratoryo ni Selman Waksman. Sa pamamagitan ng bacteria na iyon, natuklasan ang iba pang mga antibiotiko maliban sa streptomycin, tulad ng actinomycin at neomycin, na ginagamit pa din hanggang ngayon laban sa iba't ibang impeksyon.

Ang streptomycin ay may Systemic name na 5-(2,4-diguanidino-3,5,6-trihydroxy-cyclohexoxy)- 4-[4,5-dihydroxy-6-(hydroxymethyl)-3-methylamino-tetrahydropyran-2-yl] oxy-3-hydroxy-2-methyl-tetrahydrofuran-3-carbaldehyde. Samantala, ito ay may chemical formula na  C21H39N7O12 at molecular mass na 581.574 gramo kada mole. Hindi ito ginagamit bilang iisang gamot lamang sapagkat tumataas ang bacterial resistance para dito. Ang 1 gramo ng gamot na ininiksyon na intramuscular ay  napapakinabangan na ng katawan sa loob ng 1 oras at tatagal ang antibacterial na epekto nito ng 5 hanggang 6 na oras.

Mga pinaggagamitan at dosis

Ang streptomycin ay ibinibigay bilang iniksyon na intramuscular subalit maari din naman itong ibigay bilang iniksyon na intravenous kung kinakailangan. Kadalasan, ito ay iniiniksyon sa gluteus maximus ng puwet para sa mga nakakatanda at sa gawing loob ng hita para sa mga nakababata.

  • Tuberculosis. Maaring mag-iniksyon ng 15 milligrams ng streptomycin kada kilong bigat. Ito ay di dapat lumagpas ng 1 gramo kada araw. Kailangang bawasan ang maximum dose para sa mga pasyenteng higit 40 anyos.  Kung ito ay gagamitin bilang intermittent therapy, maaring magbigay ng 25 hanggang 30 milligrams ng streptomycin kada kilo sa loob ng 1 araw. Ibibigay ito ng 2 hanggang 3 beses kada linggo. Hindi dapat ito lumagpas ng 1.5 gramo kada iniksyon at hindi rin dapat lumagpas ng kabuuang 120 gramo sa tagal ng gamutan maliban na lamang kung wala nang iba pang maaring ipanggamot.  Para sa mga nakababatang pasyente, maaring magbigay ng 20 hanggang 40 milligrams sa loob ng isang araw ngunit hindi dapat lumagpas ng 1 gramo kada iniksyon. Isa pang alternatibo ay ang pagbigay ng 25 hanggang 30 milligrams kada kilong bigat na hindi lalagpas ng 1.5 gramo. Ito ay ibibigay ng 2 hanggang 3 beses sa 1 linggo.
  • Impeksyon dulot ng Mycobacterium avium complex. Ang streptomycin ay binibigay bilang adjunct therapy kasama ng macrolides, rifamycin, at ethambutol. Maari itong ibigay ng 15 milligrams kada kilong bigat at iiiniksyon ng 2 hanggang 3 beses kada linggo sa unang 2 o 3 buwan. Mas mahabang gamutan ang kinakailangan para sa mga pasyenteng may malalang kalagayan o kung ang ibang gamot ay hindi na mabisa para dito.
  • Endocarditis dulot ng bacteria. Kailangang pagsabayin ang penicillin sa streptomycin.
    • Streptococcal endocarditis. Maaring magbigay ng 1 gramo na iniksyon 2 beses sa 1 araw para sa unang linggo. Sa sumunod na linggo, maaring magbigay ng 500 milligrams 2 beses kada araw.
    • Enterococcal endocarditis. Maaring iiniksyon ang 1 gramo ng streptomycin, 2 beses sa loob ng isang araw para sa unang 2 linggo.  Susundan pa ito ng 500 milligrams  2 beses kada araw sa karagdagang apat pang linggo. Ang gamutan ay maaring matigil kung nagkakaroon ng ototoxicity ang pasyente bago pa man matapos ang gamutan ng 6 na linggo.  Para sa mga nakakababatang pastente, maaring mag-iniksyon ng 20 hanggang 30 milligram kada kilo ng bigat ng streptomycin. Ito ay hahatiin sa 2 bigayan kada araw. Maari itong tumagal ng 4 hanggang 6 na linggo para sa mga pasyenteng naimpeksyon ang kanilang balbula sa puso o 6 na linggo para sa mga pasyenteng naimpeksyon ang mga prosthesis sa puso.
  • Brucellosis. Maaring magbigay ng 1 gramo kada araw sa loob ng 2 hanggang 3 linggo. Kailangan itong isabay sa 100 milligrams na doxycycline na iniinom dalawang beses kada araw sa loob ng 6 na linggo.  Para sa mga nakababatang pasyenteng edad 7 taon pataas, maaring mag-iniksyong ng hanggang 1 gramo kada araw sa loob ng 2 linggo. Kung ang bigat ng pasyente ay mas mababa pa sa 50 kilos, maari mag-iniksyon ng 15 milligrams ng streptomycin kada kilong bigat sa loob ng 1 araw na tatagal ng 2 linggo. Kailangang isabay ito sa 2 beses kada araw na inuman ng 100 milligrams ng doxycycline sa loob ng 6 na linggo.
  • Plague. Maaring magbigay ng 1 gramo ng streptomycin, 2 beses sa loob ng 1 araw. Ito ay tatagal sa loob ng 10 araw.  Para sa mga nakababatang pasyente, maaring magbigay ng 30 milligrams kada kilong bigat kada araw. Ito ay di dapat lumabis ng 2 gramo kada araw at tatagal ng 10 araw ang gamutan.
  • Tularemia. Maaring magbigay ng 1 hanggang 2 gramo kada araw na hinati-hating dosis sa loob ng 7 hanggang 14 araw. Matatapos ang gamutan kung wala nang lagnat ang pasyente ng 5 hanggang 7 araw.  Para sa mga nakababatang pasyente, maaring magbigay ng 15 milligrams kada kilong bigat, 2 beses kada araw. Ito ay di dapat lumabis ng 2 gramo kada araw. Ang gamutan ay tatagal ng 10 hanggang 14 araw.

Iba pang gamit

Maliban sa pagsugpo ng mga sakit, ginagamit din ang streptomycin bilang first line antibiotic  sa veterinary medicine laban sa mga malalaking hayop tulad ng kabayo, baka, kalabaw o tupa kung ang mga ito ay naimpeksyon ng gram-negative na bacteria.  Isinasabay ang procaine penicillin na iniiniksyon sa mga kalamnan.

Bukod pa sa mga hayop, mabisa din ang streptomycin bilang isang pesticide na sumusugpo sa bacteria at fungi sa mga prutas at gulay at pumipigil sa pagtubo ng algae sa mga artipisyal na tirahan ng mga isda tulad ng aquarium o pond. Dagdag pa sa silbi ng streptomycin  ang paggamit nito kasama ng penicillin para maiwasan ang impeksyon sa mga cell culture.

Side effects

Madalas na makakaranas ng side effects ang pasyenteng natuturukan ng streptomycin. Kadalasan, ang mga sumusunod na kundisyon ay mao-obserbahan:

Kailangang pumunta sa pinakamalapit na ospital o kumunsulta agad sa duktor kung alinman sa mga ito ang maranasan:

Mga dapat iwasan

Bawal ibigay ang streptomycin sa mga pasyenteng may sumusunod na kondisyon:

Dapat ang mga pasyenteng tinuturukan ng streptomycin ay dapat masuri ng regular ang kanilang dugo, bato at pandinig.

Interactions

Pharmaceutical incompatibility

Ang streptomycin ay hindi dapat pagsamahin bilang admixture tulad ng mga sumusunod:

Hindi naman dapat pagsamahin ang heparin o ampicillin kasama ang streptomycin sa isang syringe.

Drug interactions

Laboratory interference

Maaring magdulot ang paggamit ng streptomycin ng false-positive para sa glucose sa ihi kung gagamit ng Benedict's solution.

Availability

Ang streptomycin ay bihira mabili sa mga botika sa Pilipinas. Madalas mga ospital at klinika ang nag-iimbak nito. Bawat ampule ng streptomycin sulfate ay naglalaman ng 1 gramo ng powder for injection.

Lokal na isyu

Sa kasalukuyan, ang multiple drug resistant na uri ng tuberculosis o yung binansagang MDR-TB ang kinatatakutan na maging epidemya sa mundo. Ito ay dulot ng bacterial resistance mula sa mga gamot tulad ng isoniazid, rifampin, pyrazinamide, ethambutol at streptomycin. Ang taong magkakaroon ng MDR-TB ay hindi na magagamot ng 3 o 4 sa mga gamot na karaniwang ginagamit para sa TB.

Ayon sa Global Alliance for TB Drug Development, isang kabalintunaan na ang tuberculosis ay ginagamot ng mga lumang antibiotic bagamat ito ay madalas na nag-e-evolve. Isa sa mga natagpuan ng mga mananaliksik ng Rutgers University, na pinagmulan mismo ng streptomycin, ay ang chemical compound na myxopyronin. Ang gamot na ito ay inaasahang labanan ang ang uri ng MDR-TB at pati na rin ang MRSA na pumapatay ng mas maraming tao kumpara sa AIDS. Tinatayang sa 2012 pa magkakaroon ng clinical human trials para sa myxopyronin.

Bagamat ang streptomycin ay bibihira nang gamitin sa tao bilang gamot sa tuberculosis, madalas naman itong gamitin para sa mga hayop. Isang halimbawa dito ay ang nasugatang balyena sa Batangas noong 2009. Mayroon naman kumbinasyon na gamot ng streptomycin at penicillin laban sa pamamaga ng suso at uterus pati na ang kawalan ng gatas sa mga inahing baboy na kapapanganak lamang.

References