Sweat gland

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Cystic fibrosis.jpg

Ang sweat glands o sudorigerous glands ay isang exocrine gland na matatagpuan sa ilalim ng balat at ginagamit para mapanatili sa tamang temperatura ang katawan ng tao at lahat ng uri ng mammals. May dalawa hanggang apat na milyong glandula ng pawis ang matatagpuan sa loob ng katawan ng tao. Ang mga ito ay coiled tubular glands na matatagpuan sa dermis na sa mas mababang bahagi ng balat.

Ang sweat glands ay lumilikha ng watery secretion at ito ay nagbubukas sa balat upang tulungang ma-regulate ang temperatura ng katawan. Nawawala ang kahalumigmigan ng katawan kapag pinagpawisan at nagbibigay ito ng malamig at maginhawang pakiramdam.



Uri

  1. Eccrine sweat glands. Ang mga ito ay nagsisimulang mabuo sa ikaapat na buwan ng sanggol sa loob ng sinapupunan. Una itong tumutubo sa palad at talampakan, at unti-unting lumilitaw at nananatili sa katawan ng tao, maliban sa pulang bahagi ng labi, kuko, labia minora, glans penis , at sa panloob ng prepuce ng ari ng lalaki. Tatlo ang papel na ginagampanan ng eccrine sweat glands at ito ay ang mga sumusunod:
    • Palamigin ang balat at pababain ang temperatura ng katawan;
    • Palabasin sa pamamagitan ng pawis ang mga sobrang electrolytes ng katawan; at,
    • Tulungan ang balat na maiwasan ang mga bacteria at iba pang mapanganib na organismo.
  2. 'Apocrine sweat glands. Ang mga ito ay nabubuo mula apat hanggang ika-anim na buwan ng sanggol sa loob ng sinapupunan. Konektado ang mga ito sa mga hair follicles kung saan nila inilalabas ang pawis. Malabo ang kulay at may amoy ang pawis na kanilang inilalabas. Kadalasang nagiging masama ang amoy nito lalo na’t kung madidikitan ng bacteria.

Mga karamdamang nauugnay sa sweat glands

  • Hidradenitis - Pamamaga ng mga sweat glands. Ang neutrophilic eccrine hidradenitis ay isang pambihirang uri ng hidradenitis at napabalitang kadalasang nararanasan ng mga pasyenteng sumailalim sa chemotherapy at sa mga may non-Hodgkin lymphoma.
  • Hyperhidrosis (excessive sweating) - Madalas na nangyayari ang labis na pagpapawis sa palad, talampakan, axilla (ang guwang sa ilalim ng braso), mga singit o malapit sa singit, at ang perineal area.
  • Hypohidrosis – Hindi pinagpapawisan o di kaya’y kaunti lamang ang pawis na inilalabas ng katawan.
  • Miliaria o bungang araw - Ang bungang araw ay resulta ng pagbabara sa apocrine duct.

Sanggunian