Syphilis

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang syphilis ay isang karaniwan at mapanganib na sakit na naikakalat sa pamamagitan ng pakikpagtalik.

Mga palatandaan:

  • Ang unang palatandaan, kadalasan, ay ang paglitaw ng mga singaw na kung tawagin ay chanre. Lumilitaw ito mula 2 hanggang 5 linggo matapos makipagtalik sa taong may syphilis. Ang changre ay maaaring parang tagihawat, balat na nagtutubig, o kaya'y singaw mismo. Ito ay makikita sa ari ng babae o lalaki (o magkaminsan sa labi, daliri, puwit, o bibig). Ang singaw na ito ay puno ng mikrobyo, na madaling maililipat sa ibang tao. Kadalasan ay hindi ito masakit, at kung ito ay nasa loob ng kiki, maaaring hindi alam ng babae na mayroon siya nito—pero madali niyang mahahawa ang ibang tao.
  • Ang singaw ay nagtatagal lang ng ilan araw at kusang nawawala. Pero patuloy na kumakalat ang sakit sa buong katawan.
  • Pagkaraan ng ilang linggo o buwan, maaaring magkaroon ng pananakit ng lalamunan, bahagyang lagnat, singaw sa bibig, o namamagang kasukasuan. O kaya, alinman sa mga palatandaang ito ay maaaring lumitaw sa balat:
    • masakit na butlig o "tagihawat" sa buong katawan
    • mga bilog na marka (parang pantal)
    • makating mga butlig sa kamay o paa


Lahat ng palatandaang ito ay kadalasang nawawala na lamang nang kusa, at aakalain ng tao na siya ay magaling na—pero patuloy na kumakalat ang sakti. Kung hindi magagamot nang mabuti, maaaring sakupin ng syphilis ang anumang bahagi ng katawan, na magiging sanhi ng sakit sa puso, paralisis, pagkabaliw, at iba pagn problema.

Mag-ingat: Kapag may lumitaw na kakaibang butlig o marka sa balat ilang araw o linggo matapos lumitaw ang tagihawat o singaw sa ari, maaaring ito ay syphilis. Kung hindi nakatitiyak, humingi ng payo sa doktor.


Paggamot:

  • Iniksiyunan ng procaine penicillin: 1 milyong yunit bawat araw sa loob ng 12 araw. Para lubusang magamot ang syphilis, kailangang tapusin ang 12 araw na paggagamot. Ang mga taong allergic sa penicillin o hindi gumagaling dito , ay maaaring uminom ng tetracycline: 3 kapsulang tig-250 mg. 4 na beses isang araw sa loob ng 10 araw.
  • Kung may posibilidad na magkaroon ng syphilis, kailangang magpatingin sa health worker. Maaaring kailanganin ang espesyal na pagsusuri sa dugo. Pero kung hindi masusuri ang dugo, kailangan pa rin gamutin ang syphilis para makasiguro.
  • Sinumang nakipagtalik sa isang taong may syphilis ay dapat magpagamot, lalo na ang mga asawa ng mga nahawa ng sakit na ito.


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 30 Abril 2010).