Tadyang

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Ribs labeled.png

Ang tadyang ay binubuo ng mga buto na nakakabit sa gulugod at gitnang bahagi ng buto ng dibdib na sumusuporta sa pader ng dibdib at pinoprotektahan ang puso, baga, at iba pang mga organo sa loob nito.

Contents

Istruktura

Ang tadyang ay binubuo ng vascular cancellous tissue kalakip sa isang manipis na compact bone. Labing dalawang pares ng tadyang ang bumubuo sa isang malaking bahagi ng thoracic skeleton. Ngunit ang bilang ay maaaring madagdagan sa pagbuo ng isang cervical o lumbar rib.

Ang unang pitong tadyang sa bawat panig ay direktang konektado sa sternum at tinatawag itong true ribs o tunay na tadyang. Samantala, ang natitirang limang tadyang ay tinatawag na false ribs; ang unang tatlo ay nakakabit sa sternum sa pamamgitan ng cartilage habang ang huling dalawa ay tinatawag na floating ribs dahil ito’y nakakabit lamang sa gulugod.

Mga bahagi at katangian ng bawat tadyang

Bawat tadyang ay may dalawang dulo, ang vertebral (hulihan) at sterna (unahan), at isang tagapamagitang bahagi, ang shaft (katawan).

  • Posterior o vertebral extremity – Binubuo ng mga bahaging kinikilala bilang ulo, leeg, at tubercle.
  • Katawan (shaft) – Manipis at patag na bahagi ng tadyang.
  • Anterior extremity o sternal extremity – Patag at pabilog ang bahaging ito at at maraming butas na maliliit (pores) kung saan ang costal cartilage ay dumidikit.

Ang una, pangalawa, ika-sampu, ika-labingisa, at ika-labindalawang tadyang ay nagpapakita ng ilang mga katangiang di-pangakaraniwan kumpara sa ibang mga tadyang.

Kondisyon at karamdamang nakaka-apekto sa tadyang

  • Bali – Pangkaraniwang pinsala na nangyayari kapag ang isa sa mga buto ng tadyang ay nabali o nabiyak.
  • Surfer’s rib – Pagkabali ng unang tadyang. Kadalasan itong nararanasan ng mga surfer na nagsasagawa ng lay-back maneuver.
  • Flail chest – Ito ang tawag sa pagkabali ng maraming tadyang. Ang kondisyong ito ay kadalasang dulot ng pinsala sa dibdib at lubhang nakamamatay.
  • Pagdurugo – Pagdurugo sa paligid at sa loob ng glandulang adrenal na sumasagisag sa isang panganib na nauugnay sa pagkabali ng mas mababang mga tadyang.

Mga pagsusuring sa tadyang

  • Radiograph – Maaari nitong ilarawan ang trauma sa buto at bali sa tadyang.
  • Angiography o arteriography - Maaari nitong suriin kung wala o nabawasan ang tibok ng mayroong pagdurugo o pinsala sa brachial plexus ang mga pasyenteng may bali sa unang tadyang.
  • X-ray

Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.