Tonsillectomy

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Tonsillitis.jpg

Ang tonsillectomy ay ang isang operasyong nagtatanggal ng mga tonsil, ang glandula sa lalamunan na humaharang sa anumang bagay o pagkain na pumapasok sa bibig. Ito ay karaniwang ginagawa sa mga bata, ngunit maaari din na ito’y gawin sa mga matatanda, lalo na kapag ang tonsil ay nagdudulot ng suliranin sa paghinga tulad ng sa sleep apnea.

Mga kondisyon na nangangailangang sumailalim sa tonsillectomy

  • Tonsillith o tonsil stone – Isang koleksyon ng pagkain at nakakahawang materyal na nangangalap sa tupi o kurba ng tonsil hanggang sa maging tulad ng isang maliit na butil.
  • Kissing tonsils – Ang pagdikit ng dalawang tonsil sa gitna ng bibig o lalamunan dahil sa labis na paglaki nito.
  • Obstructive sleep apnea syndrome (OSAS) – Ang pagtigil ng hininga ng 10 segundo o higit pa, hindi bababa sa limang beses sa bawat oras ng pagtulog.
  • Talamak na pagdurugo mula sa isa o parehong tonsils.
  • Talamak na tonsillitis (pamamaga ng tonsils) o pagkakaroon ng lima o higit pang ulit ng tonsillitis sa isang taon.
  • Koleksyon ng nana sa loob ng tonsils.
  • Mabahong hininga sanhi ng impeksyon sa tonsils.
  • Pinaghihinalaang may kanser.

Pamamaraan

Sa kasalukuyan, ang scalpel o panistis pa rin ang higit na mahusay at mas gustong gamitin ng maraming espesyalista sa tainga, ilong at lalamunan. Subalit, mayroon pa na ibang mga pamamaraan ang maaaring gawin, na maaaring magdikta sa saklaw ng kaparaanang gagamitin, kabilang ang mga sumusunod:

  • Cold knife disscetion – Ang pagtanggal ng tonsil gamit ang panistis, ang pinaka-karaniwang paraan na ginagawa ng mga otolaryngologist sa ngayon. Dito, ganap na inaalis ang tonsils na may kaunting pagdurugo.
  • Electrocautery – Sinusunog nito ang tonsillar tissue sa pamamagitan ng cauterization (pagpaso), na tumutulong sa pagbabawas ng pagkawala ng dugo.
  • Harmonic scalpel – Ang medikal na aparatong ito ay gumagamit ng ultrasonic energy upang yanigin ang talim ng 55,000 na ulit bawat segundo. Ang panginginig ay naglilipat ng enerhiya sa tisyu, na nagbibigay ng magkakasabay na paghiwa at pagkakulta ng dugo.
  • Radiofrequency ablation (RFA) – Ang monopolar radiofrequency thermal ablation ay ang paglipat ng radiofrequency energy sa tisyu ng tonsil sa pamamagitan ng probes na ipinapasok sa tonsil. Ang pamamaraan na ito ay maaaring gawin sa isang office setting sa ilalim ng light sedation o lokal na pangpamanhid. Ito ay inirerekomenda sa paggamot ng pinalaking tonsils at iyong mga hindi talamak o pabalik-balik na tonsilitis.
  • Carbon dioxide laser – Binabawasan ang dami ng tonsil at inaalis ang recess sa tonsil na nagtitipon ng matagal na pabalik-balik na mga impeksiyon. Inirerekomenda ang pamamaraang ito sa mga pasyenteng hindi gumagaling ang tonsilitis, namamagang lalamunan, matinding baho ng hininga, o paghadlang sa daanan ng hangin sanhi ng pinalaking mga tonsil.
  • Microdebrider – Isang aparato na malimit ginagamit sa pag-opera ng sinus. Ginagamit din ito upang magsagawa ng bahagyang tonsolitomya, sa pamamagitan ng bahagyang pag-ahit ng tonsil. Inaalis ang nakahahadlang na bahagi ng tonsil habang pinapanatili naman nito ang tonsillar capsule.
  • Bipolar radiofrequency ablation – Ito ay gumagawa ng isang ionized saline layer na pumuputol sa molecular bonds nang hindi gumagamit ng init. Maaaring gamitin ito upang alisin ang lahat o ang bahagi ng tonsil. Mabilis na gumaling, less pain, at mas mababa ang post-operative na pangangalaga.

Sanggunian