Ulo

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang Ulo ay ang pinakamataas at bungad na parte ng katawan. Matatagpuan dito ang utak, mata, tenga, ilong, bibig, at panga. Karamihan sa mga tisyu ng parteng ito ay nababalutan ng bungo na binubuo ng 28 buto. Sa mga bagong panganak na sanggol, ang ulo ay halos kalahati ng laki ng ulo ng matanda. Ang pagbabago sa mukha ng sanggol ay makikita pagkatapos ng infancy.

Ang dalawang mahalagang parte nito ay ang cranium at ang mukha. Natatakpan ang bungo ng tisyu, balat at buhok na tinatawag na anit. Kinuha ang pangalan ng mga rehiyon sa cranium mula sa mga buto sa ilalim nito tulad ng temporal, parietal, frontal, occipital regions.

Sanggunian

  • head Freedictionary.com (Sinilip noong 19 Mayo 2010)
  • head Answers.com (Sinilip noong 19 Mayo 2010)