Urethra

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang urethra ay ang maliit na tubo na nagdadala ng ihi mula sa pantog palabas ng katawan sa panahon ng pag-ihi. Sa babae, ang urethra ay ginagamit lamang sa tuwing umiihi. Samantala, ginagamit naman ito sa pag-ihi at pag-ejaculate (pagbulalas) ng mga lalaki.

Contents

Istraktura

Urethra ng babae

Matatagpuan ito sa likod ng symphysis pubis na nakabaon sa loob ng pader ng puki. Ito ay naka-anggulo ng patagilid, pababa, pasulong, at bahagyang nakakurba. May sukat itong 1.5 pulgada (3.8 sentimetro) hanggang dalawang pulgada (5.1 sentimetro) ang haba. Mas maikli ito kumpara sa yuritra ng mga kalalakihan. Binubuo ito ng tatlong sapin, ang muscular, erectile, at mucous, at napaliligiran ng urethral sphincter.

Urethra ng lalaki

Mayroon itong walong pulgada o 20 sentimetro ang haba, at nahahati ito sa apat na bahagi:

  • Pre-prostatic urethra – Ang panloob na bahagi ng urethra. Nag-iiba-iba ang haba nito, depende sa dami ng laman ng pantog (sa pagitan ng 0.5 at 1.5 na sentimetro).
  • Prostatic urethra – Pinakamalawak at pinakamaluwang na parte ng kanal ng urethra. Halos tatlong sentimetro ang haba.
  • Membranous urethra – Ang pinaka-makitid na bahagi ng urethra.
  • Spongy urethra – Ito ang pinakamahaba sa apat na panig ng urethra.

Karamdaman

  • Urethritis – Impeksiyon o pamamaga ng urethra, at ang karaniwang sanhi ng dysuria.
  • Urethral syndrome – May kaugnayan sa urethritis ngunit walang anumang ebidensya ng impeksiyon bilang sanhi nito.
  • Urethral stricture – Ang abnormal na pagkipot ng urethra.
  • Urethral diverticula – Ito ay bunga ng pagpapalaki ng baradong glandula ng periurethral.
  • Hypospadias – Isang birth defect kung saan ang unahan ng urethra (urinary meatus) ng isang lalaki na sa halip na nasa ulo ng titi ay nasa mas mababang bahagi nito.
  • Epispadias – Isang pambihirang kamalian sa ari ng lalaki na nangyayari sa panahon ng kapanganakan. Maaari rin itong mangyari sa mga babae.
  • Kanser sa urethra.

Pagsusuri

Mga pagsusuring kumikilala sa mga problema ng urethra:

  • Cystoscopy – Ito ang ginagamit upang suriin, bantayan, at gamutin ang mga kondisyon na nakakaapekto sa pantog at urethra.
  • Urine cytology – Hinahanap nito ang abnormal na mga selyula sa ihi. Inaalam rin nito kung may nabuong kanser sa urinary tract.

Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.