Galanggalangan

From Wikihealth
(Redirected from Wrist)
Jump to: navigation, search
Wrist stretch.jpg

Ang galanggalangan o wrist ay bahagi ng braso na binubuo ng kumplikadong joint o kasukasuan na nagdudugtong ng maraming mga buto at at iba pang mga joints. Ang wrist ay binubuo ng dulo ng ulna o radius, walong carpal na buto at proximal na bahagi ng 5 metacarpal na buto.

Lahat ng mga buto na bumubuo sa wrist ay mayroong ginagampanang tungkulin na nagbibigay dito ng kanyang range of motion. Depende sa posisyon ng bisig, ang wrist ay kayang gawin ang mga sumusunod:

  1. Mag-baluktot at mag-unat
  2. Pronating and supinating
  3. Lumihis palapit sa ulna o sa radius

Karaniwang pinsala sa wrist

  • Dislocation – Ang pagkawala sa puwesto ng mga dulo ng buto sa kasukasuan dahil sa isang malakas na pwersa.
  • Pagkabali o fracture – Ang pagkasira o pagkabasag ng buto na kadalasang nakukuha dahil sa aksidente sa sasakyan, paglalaro ng isport, o pagkahulog.
  • Carpal tunnel syndrome – Isang progresibong sakit na nararamdaman dahilan ng pagkaipit ng nerve sa wrist. Maraming dahilan na nakakadagdag sa paglala nito tulad ng anatomiya ng wrist, iba pang problema sa kalusugan, o hindi wastong paggamit ng kamay.

Sanggunian