Zinc

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang zinc ay isang elementong metal na kilala rin sa pangalang spelter. Ito ay may panandang Zn at atomikong bilang na 30. Nangunguna ito sa ika-labingdalawang grupo ng periodic table o tala ng mga elemento. Ang elementong ito ay kahawig ng magnesium dahil ang ion nito ay kapareho ng sukat at oxidasyon na +2.

Contents

Pagkakadiskubre

Marami at sari-sari ang pinaggagamitan ng zinc na nadiskubre noong ikatlong siglo AD. Isang napakatandang statuwa ang nadiskubre sa Transylvania na may mga palamuti na naglalaman ng otsyenta hanggang nobenta porsyento na zinc at may lamang iron, antimony, at ibang metal na nasa edad 25,000. Ang historian na si Strabo isang Griyego noong ikaapat na siglo BC ay nagsasabing ang "drops of false silver" kung hahaluan ng tanso ay nagiging brass, at ito ay magkaroon ng maliit na zinc na isang produkto ng sulfide ores. Ang paggawa ng brass ay isa sa mga naibabahagi ng mga Romano. Gumawa sila ng brass sa pag-iinit ng polbos na calamine, uling, at tanso at ginawang armas pandigma.

Ang elementong ito ay maaaring ipinangalan kay Paracelsus na hinango sa salitang Aleman na zinke. Ang German kemist na si Andreas Sigismund Marggraft ay binigyan ng kredito sa kanyang pagkakatuklas ng metal na zinc noong 1746. Sina Lluigi Galvan at Alessandro Volta ang tumuklas ng mga elektrikal na kagamitan ng sink noong 1800 tulad ng pagpigil-korosyon sa pagtutubog ng bakal na siyang pangunahing gamit ng zinc. May mga sari-saring sink na pinagsamasama at laging ginagamit katulad ng mga zinc carbonate at zinc gluconate na ginagamit sa pagdidyeta, zinc chloride na ginagamit sa mga deodorants, zinc pirithione para sa mga shampoo na nakakatanggal ng balakubak, zinc sulfide sa mga pintura na tila kumikinang, at ang zinc methel o diethel na ginagamit sa organikong laboratoryo.

Ang zinc ang pinakamahalagang mineral para sa di mapantayang biyolohical at pinakaimportanting pampublikong kalusugan. Ang kakulangan sa zinc ay makakaapekto sa mahigit kumulang dalawang bilyong populasyon at ito ay nangangahulugan ng maraming kaakibat na mga sakit. Sa mga bata, ito ang sanhi ng pagbagal sa pagtubo, pagkaantala ng hustong gulang pangsekswal, madalas na pagkaimpeksyon, at pagtatae na umaabot ng 800,000 na namamatay bawat taon sa buong mundo.

Katangian

Ang pisikal na katangian ng sink ay spelter, ito ay kulay na maputing bughaw, kumikinang, at dayamagnetikong bakal na may mapurol na gawa, hindi makapal tulad ng bakal, at may hugis anim na sulok sa kanyang strukturang kristal. Ang metal ay matigas at madaling maputol sa mga temperaturang karaniwan, pero ito ay mahuhubog sa temperaturang 100 to 150 degree Celsius. Ang zinc ang siyang dinadaluyan ng elektrisidad at ang metal na ito ay hindi kaagad malulusaw sa matinding init. Maraming aloys ang may laman na zinc tulad ng brass, aluminum, antimony, bismuth, gold, iron, lead, mercury, silver, tin, magnesium, cobalt, nickel, tellurium, at sodium.

Ang zinc ay ang pinakamaraming elemento sa ibabaw ng mundo na may setenta y singko porsyento ang dami at saysenta y kwatro porsyento naman sa lupa. Sa karagatan may trayenta porsyento at maliit lamang sa kalawakan. Ang elementong zinc ay kadalasang makikita sa pinaghalong tanso at lead na galing sa ores. Ang zinc ay isang chalcophile na hindi madaling makakahalo sa oxides ngunit madali itong maihahalo sa sulphides. Ang sphalerite ay isang klase ng zinc sulfide na may halong ore na nay 60 – 62% na zinc.

Ang zinc ang pang-apat na karaniwang ginagamit sa buong mundo na may bakas ng iron, aluminum, at tanso. Ang pinakamalaking pandaigdigang produksyon ay gawa sa Nyrstar, ang pinagtipon na Austrlian OZ mineral at ang Belgian Umicore. Halos 70% ng zinc sa daigdig ay nagmumula sa minahan at ang 30% ay nanggagaling sa recycled zinc. Ang Special High Grade o SHG ay ang pinakamataas na uri ng zinc na pangkomersyo. Ang zinc na metal ay gawa sa pinaghihiwalay na metallurgy, pagkatapos gilingin at palutangin ang ore. Ito ang proseso ng pinaghihiwalay na minerales at gangue na ginagamit sa pagkuha ng ore concentrate. Ang sulfur dioxide ay ginagamit sa paggawa ng sulfuric acid na kailangan sa prosesong leach. May dalawa pang prosesong magagamit, at ito ay pyrometallurgy at electrowinning na ay nagpapababa ng zinc oxide kaugnay ang carbon o carbon monoxide.

Gamit

  • Ginagamit ito sa prosesong galvanization na ginagamit sa mga sasakyan at konstraksyon. Ang prosesong ito ay ang pagbabalot ng mga metal para hindi magkaroon ng kalawang.
  • Diecasting na ginagamit sa mga motor, pintuan, kasangkapan, laruan.
  • Brass at bronse para sa mga tubo at iba pa.
  • Rolled sink para sa paggawa ng kabaong, at baterya na gamit sa Europa.
  • Kemikal na ginagamit sa mga gulong at krema na sink.
  • Ang nickel silver, solder at bronse ay ginagamit bilang aloy sa tubo, sa bearing ng makina, at sa mga barya o pera.
  • Ang zinc aluminium ay ginagamit bilang aloy na ginagamit sa mga sasakyan, elektrikal, at industriyang pambakal.

Pangmedisina

Ang zinc ay inihalo sa mga tableta ng mga bitamina at suplementong mineral. Ito ay may iba’t ibang halo na nakakapagpababa ng sintomas ng ubo. Ang zinc gluconate, glycine, at zinc acetate ay ginagamit na lozenges na makatutulong sa pagpababa ng matinding ubo. Ang zinc preparation ay ginagamit pamproteksyon ng sunog-init at sunog-hangin habang ito ay nagproprotekta ito sa mga pantal ng lampin. Ito ay epektibong panglunas kaugnay sa paghina ng kalamnan dulot ng pagtanda, at panglunas sa sakit na acrodermatitis enteropathica, na kung hindi maagapan ay maaaring magresulta sa pagkamatay ng sanggol.

Mahigit sa labing isang milyon ng zinc ang nalilikha sa buong mundo at ang malaking porsyento nito ay may iba’t ibang pinaggagamitan. Ang natitira rito ang siyang ginagamit bilang zinc oxide at zinc sulfate, at karaniwan ding ginagamit bilang panustos sa kinakailangang zinc ng katawan.

Nakatutulong ito sa paglakas ng sistemang imyuno, paglunas sa sipon at pabalik-balik na impeksyon sa tenga, at pag-iwas sa lower respiratory infections, at mabagal na paghilom ng sugat.

May ilan ding gumagamit ng zinc para sa sakit sa mata gaya ng macular degeneration, nightblindedness, at katarata. Nakatutulong din ito sa panlaban sa hika, diabetes, altapresyon, acquired immunodeficiency syndrome (AIDS), at ilang sakit sa balat gaya ng psoriasis, eczema, at taghiyawat.

Ang zinc ay ginagamit para sa mga tanim, hayop, at sa mga mikrobyo. Ang mga protina ay galing sa Zn ions na laging iniugnay sa amino acid at iba pang acid na aspartic, glutamic, cysteine at histidine. Mayroong dalawa hanggang apat na gramo ng zinc ang dumadaloy sa lahat ng bahagi ng katawan ng isang tao. Maraming zinc ang nakadeposito sa utak, buto, kidney, liver, kalamnan, ngunit ang pinakamarami ay nasa prostate, semen, at mata.

Pangangailangan at dosis

Narito ang arawang dosis ng zinc batay sa Recommended Energy and Nutrient Intakes (RENI) para sa mga Pilipino:

Para sa mga bata:

  • 0-6 buwang gulang: 1.4mg
  • 6-12 buwang gulang: 4.2mg
  • 1-3 taong gulang: 4.5mg
  • 4-6 taong gulang: 5.4mg
  • 7-9 taong gulang: 5.4mg

Para sa matanda:

  • Lalaking may edad na 10-12: 6.8mg
  • Lalaking may edad na 13-15: 9.0mg
  • Lalaking may edad na 16-18: 8.9mg
  • Lalaking may edad na 19-65 pataas: 6.4mg
  • Babaeng may edad na 10-12: 6.0mg
  • Babaeng may edad na 13-15: 7.9mg
  • Babaeng may edad na 16-18: 7.0mg
  • Babaeng may edad na 19-65 pataas: 4.5mg
  • Buntis: 5.1mg (para sa unang tatlong buwan); 6.6mg (para sa pangalawang tatlong buwan); at 9.6mg (para sa huling tatlong buwan)
  • Nagpapasuso: 11.5mg

Maaari lamang kumonsumo ng maraming dosis ng zinc ayon sa payo ng duktor.


Mapagkukunan

Kadalasang nakukuha ang zinc sa mga sumusunod:

  • mapulang karne
  • manok
  • isda
  • pagkaing nakukuha sa dagat
  • talaba
  • alimasag
  • ulang
  • kasoy
  • pasas
  • gatas
  • keso
  • oatmeal

Kakulangan

Iba-iba ang sintomas na nararanasan ng bawat taong may kakulangan sa zinc. Narito ang ilan sa mga pangkaraniwang sintomas:

  • hirap sa pagtulog
  • pabagu-bago ng pag-uugali
  • lisa
  • matagal na paghilom ng sugat
  • pagtatae
  • iba’t ibang uri ng sakit sa balat gaya ng eczema, psoriasis at taghiyawat
  • paghinto ng paglaki
  • paglagas ng buhok
  • kawalang ganang kumain
  • panunuyo at pangangati ng balat

Pagkasobra

Maaaring humantong ang pagkonsumo ng mahigit 50mg ng zinc (mula sa pagkain at panustos) sa hindi maayos na metabolismo ng copper; maling epekto sa gawain ng iron at imsyuno; at pagkabawas ng high-density lipoprotein o HDL (good cholesterol).

Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.