Ang Kalusugan ng Ina Pagkapanganak

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Wastong pagkain at kalinisan:

Graphics 99D.jpg

Matapos manganak ang ina, dapat siyang kumain ng lahat ng masustansiyang pagkaing makukuha niya.

Hindi niya kailangang iwasan ang anumang pagkain. Ang mga pagkaing mabuti para sa kanya ay gatas, keso, manok, itlog, karne, isda, prutas, gulay, butil, beans, mani, atbp. Kung mais at beans lang ang makukuha niya,dapat niya itong kainin nang magkasabay. Makatutulong ang gatas at iba pang produkto mula sa gatas para magkaroon ng maraming gatas ang ina para sa kanyang sanggol.



Graphics 99B.jpg

Ang ina ay maaari at dapat maligo ilang araw matapos siyang manganak, Sa unang linggo, mas mabuti kung magpupunas at hindi maliligo nang husto. Ang paliligo o paghihilamos ay hindi masama pagkaraang manganak.

Sa katunayan, ang babaing nagpapalipas ng maraming araw bago maligo ay maaaring magkaroon ng impeksiyon na makasasama sa kanyang balat at magiging sanhi ng sakit ng bata.



Sa mga araw at linggo pagkatapos manganak, ang ina ay dapat:

  • kumain ngmasustansiyang pagkain
  • maligo ng regular


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 5 Mayo 2010).

Kategorya:Kalusugan