Ang Pag-aalaga ng Isang Maysakit

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Dahil sa sakit, humihina ang katawan. Para gumaling at muling lumakas, kailangan ng mahusay na pag-aalaga.


Paalala: Kadalasan, ang pag-aalaga ng isang maysakit ang pinakamahalagnag bahaghi ng pagpapagaling sa kanya.


Madalas na hindi kailangan ang gamot. Pero ang mabuting pag-aalaga ay laging mahalaga. Narito ang batayan ng mahusay na pag-aalaga:

Graphics 236.jpg

1. Ang Kaginhawahan ng Maysakit
Ang isang maysakit ay dapat magpahinga sa isang lugar na tahimik at maginhawa, maliwanag at presko. Hindi siya dapat malamigan o mainitan nang husto. Kung malamig ang hangin at giniginaw ang maysakit, lagyan siya ng kumot o blangket. Pero kung mainit at nilalagnat ang maysakit, huwag siyang kukumutan.


Graphics 237.jpg

2. Likido
Sa halos lahat ng karamdaman, lalo na kung may lagnat o nagtatae ang maysakit ay dapat uminom ng maraming likido: tubig, tsa, katas ng prutas, sabaw, atbp.

Graphics 238.jpg

3. Personal na Kalinisan
Mahalagang maging malinis ang isang maysakit. Dapat siyang paliguan araw-araw. Kung hindi makabangon, punasan siya ng maligamgam na tubig. Dapat ding maging malinis ang kanyang damit at higaan. Tiyakin na walang mga mumo o tirang pagkain sa kanyang higaan.

4. Mahusay na Pagkain Hayaang kumain ang maysakit kung gusto niya. Hindi nangangailangan ng espesyal na pagkain ang karamihan ng sakit.

Ang isang maysakit ay dapat uminom nang marami at kumain ng mga pagkaing nakapagpapalaki at nakapagbibigay ng sustansiya sa katawan gay ng gatas, keso, mano, itlog, karne, isda, beans, berdeng gulay, at prutas.

Kung nanghihina ang maysakit, ganito ring pagkain ang ibigay pero gawing sopas o kaya'y katasin.

Mahalaga rin ang mga pagkaing nakapagpapalakas―halimbawa, sabay ng sinaing, tinapay, oatmeal, patatas o kamote. Makadadagdag sa ibinigay na lakas ang kaunting asukal at mantikang galing sa gulay (vegetable oil). Laging hikayatin ang maysakit na uminom ng maraming matamis na inumin, lalo na kung mahinang kumain.


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 14 Abril 2010).